Her Dangerous Revenge
Chapter 1
ISANG magarang sasakyan ang pumarada sa isang bakanteng lote malapit sa paaralan na iyon. Isang Magandang babae ang lumabas doon dala ang envelope na hawak nito sa kanang kamay, nasa loob non ang mga requirements na kailangan niyang ipasa sa school na iyon.Ngayon kasi ang unang araw niya sa trabaho bilang isang guro sa highschool. Hindi naman sana nya tatanggapin ang trabahong ito kong hindi lang dahil sa isang kaibigan na nakilala nya nakaraang buwan. Ginahasa at sinaktan pa ng estudyante nya ang malala pa hindi sya pinaniwalaan ng husgado at ng mga pulis pinagbantaan din ang buhay nya pati ng pamilya nya.Kaya napilitan itong manahimik nalang at ibaon sa limot ang lahat. Hanggang sa nabalitaan nalang nito na nagpatiwakal na ang gurong iyon dahil sa stress at problema. Kaya buong pusong pumasok si yna dito para mabigyan ng hustisya si Hannah, bilang isang dating pulis ay gagamitin nya ang dating trabaho ng sa ganun maituwid nya ang baluktot na serbisyong pilit nilang sinisira
. Anak ng isang mayor sa lugar nila Hanna ang isa sa mga gumahasa sa kay hannah kaya siguro ganun nalang nakalusot ang mga ito dahil mataas ang kapit. Bukod pa roon halos anak mayayaman ang mga magbarkada walang takot sa lahat kahit anong gustohin nila ay nagagawa nilang gawin, dahil sa school na ito tanging sila lang ang batas na dapat masunod, pinaparusahan ang mga hindi sumusunod sa gusto Ngayon narito na si
Georgina Chua Guerrero or mas kilala bilang Yna Chua na nawala halos dalawang taon na ang nakakaraan,Ang Maniningil sa mga taong walang awa kong gumawa ng masama sa kapwa nila gaya rin ng gumawa non sa kanya noon. Ipapatupad nya na ngayon ang sariling Batas na walang ibang makakapigil sa pa sa kanya. Ayaw niya munang bumalik sa pamilya niya hanggat hindi nito natutupad ang paghihiganti nya sa mga taong kumidnap sa kanya noon at kunin ang anak niya. Bahagi rin ito mg plano nya ngayon na mapalapit sa isang mayor dahil mabilis siyang magkaroon ng balita tungkol sa mga kalaban nya. Kilala niya na ang mga ito pero hindi muna sya mag padalos-dalos sa kanyang mga kilos. Saka nya na isagawa ang plano kapag nakabuo na sya ng tamang paghahanda.
"Goodmorning I'm Yna Chua new teacher po ako dito sa 3rd year po ako na assign". sambit ni yna sa usang guwardiya nong makalapit sya sa may gate.
"Ay kayo po pala iyon? Sige po hinihintay kana ng princepal". nakangiting tugon ng guwardya kay yna.
agad siyang pinapasok ng guwardya sa loob, at itinuro pa ang daan kong saan nya pwedeng makita ang princepal office.
Maaga pa ng oras na iyon at hindi pa nagsisimula ang klase kaya may iilang mga estudyante pang nakakasalubong si yna, ang iba ay nagkukuwentohan at naghahabulan sa loob.
"Hi maam ako po si YNa ang bagong teacher po dito". magalang na sambit ni yna ng makaharap nya ang princepal na may edad na rin.
"Hello miss yna, salamat naman at maaga kang nakarating, para makilala ka kaagad ng mga estudyante mo at ng kapwa natin guro". masayang wika ng princepal
Agad siyang dinala ng princepal sa faculty room para ipakilala sa mga guro na naroon. Malugod naman siyang tinanggap ng mga kapwa nya guro.
Hanggang sa dinala na si Yna ng principal sa classroom kong saan sya magtuturo.
Saktong nag bell na kaya bumalik na sa kanya-kanyang room ang mga estudyante dahil oras na ng klase.
"Okey children maupo na muna kayo at ipakilala ko sa inyo ang bago niyong teacher..si Miss Yna Chua". pagpapakilala ng princepal sa mga estudyante ni yna
Seryoso lang naman na nakikinig ang mga ito hanggang sa tuluyan ng umalis ang princepal at iniwan na si Yna.
"Okey guys.. dahil unang klase ko palang sa inyo, gusto ko muna kayong makilala isa-isa maari ba?" tanong ni yna sa mga bata
Walang sumagot isa man sa mga ito na para bang wala silang balak makinig sa kanya. Alam naman ni yna na ganito ang mangyayari dahil nakapag research na sya about sa mga bata. Kaya section D ang mga ito dahil sila ang pinaka pasaway sa lahat ng estudyante..dito nabubuo ang mga bully at pananakit ng mga estudyante sa ibang mga kaklase ng mga ito.
"Okey pipili nalang ako isa-isa. Magsisimula ako sayo, tumayo ka at ipakilala mo sakin ang iyong sarili". turo ni yna sa babaeng nasa unahan at kaharap nya.
Kitang kita pa ni yna kong paano sya pagtarayan ng babae. Pero hinayaan kya lang iyon at hindi na pinansin pa.
"Tayo kana ipakilala mo na sakin ang sarili mo". pag ulit ni yna na nakangiti
Napilitang tumayo ang babae saka humarap kay yna.
"Wala kana bang alam na ibang ituturo samin? Bakit pagpapakilala pa? Siguro b*bo ka no?" walang galang na sambit ng babae kay yna.
Dahil sa sinabi ni babae kay Yna ay nagtawanan ang mga kaklase nito. Nakitawa narin ang babae.
"Walang masama kong magtanong ako sa inyo lalo na at bago lang ako bilang teacher nyo
Gusto ko lang naman na makilala kayo isa-isa." kalmadong sagot ni yna
"Sus b*bo ka lang maam eh, wala di mo kami kayang turuan mas mabuti pa umalis ka nalang dito at wag na bumalik, baka magaya ka lang din sa naunang teacher na umalis din dito".sigaw ng isang lalaki mula sa likuran
Tiningnan ni Yna ang lalaking tantya nya edad 18 na ito. Kitang-kita ang hikaw sa ilong at bibig nito idagdag pa ang hikaw sa tenga na akala mo isang adik.
alam ni yna ang nangyari sa teacher na kusang umalis dito at natruma dahil sa ginawa mg mga batang ito. Kaya walang nagtatagal na mga teacher dito dahil sa ugali nila. Palibhasa anak mayaman ang mga ito at kinatatakutan din ng ibang mga guro.
"Bakit anong nangyari sa dating teacher?" kunwaring walang alam na tanong ni yna.
Nagtawanan muli ang mga estudyante nito dahil akala nila wala talaga syang alam
"Nick ikaw na nga magsabi dyan para matakot na rin satin". Utos nong lalaki kanina.
"Naku maam kong ayaw mong magaya sa kanya mas mabuti pang wag kana mag turo samin. Baka di mo kami kakayanin" paalala ng isang lalaki
"Tinatanong ko kayo, anong nangyari sa kanya?" ulit na tanong ni yna
"mapilit ka ha? Sige sasabihin namin sayo". nakangising turan nito
Tumayo pa si nick at lumapit kay yna.. saka ito humarap sa kanya habang hinawakan sya sa kanyang balikat na para bang inaakit sya.
"pinagtulungan lang naman namin siyang gahasain, ng mga kagrupo ko. Alam mo yung feeling na masarap dahil virgin sya nonh nakuha namin". proud pa na sabi ni nick
Tawanan naman ang mga ka grupo nito sa likod.
Samantalang si Yna naman ay nagpipigil lang ng kanyang galit.
Hindi niya inaasahan na ginahasa pala ng mga estudyante nito ang gurong si Hanna. Base sa research nya kusa lang itong umalis dahil di nya daw kaya ang mga pasaway na estudyante. Posible kayang pinagtatakpan ng school na ito ang totoong nangyari dahil ba mayaman ang mga sangkot sa krimen?
"Malas lang nya at nagawa pa nitong magsumbong, dahil sa ginawa namin pero akala nya mapapabagsak nya kami hindi nito alam na mataas Mayor ang tatay ko? Pero mabuti nalang at p*tay na ang bweset na iyon wala na kaminh problema at tatantanan narin kami ng mga media. Ikaw gusto mo rin ba g tumulad sa kanya? or Pwede rin namang hindi basta ba susunod ka sa lahat ng gusto namin?"baling pa sa kanya ni nick
Naghihintay naman ang iilang mga estudyante sa magiging sagot ni yna.
Pero ganun nalang ang galit ng mga ito sa naging sagit nya.
"H-hindi..dahil mula ngayon ako na ang bagong batas dito"! seryosong sagot ni yna dahilan para mapanganga sila
ITUTULOY ang pagbabasa sa Dream at yugto app habang free pa po🥰