Her Dangerous Revenge
Chapter 2
GULAT NA GULAT ang mga estudyante sa naging sagot ni Yna. Kakaibang tapang kasi ang pinapakita nito sa kanila ngayon, dahil ang iba kapag pinagbantaan na halos hindi na maipinta ang mukha dahil sa takot at kaba. Pero ngayon kakaibang teacher ata ang makakaharap nila or sadyang bingi lang ito at isang b*bo na hindi naintindihan ang ibig sabihin ni nick
Kong kanina seryoso sila ngayon naman ay halos natawa na ang mga estudyante kabilang na ang mga kababaihan.
"Aba matapang ka pala maam, gusto ko iyan palaban, siguro kapag ginagawa na namin ang paggamit sa katawan mo siguro palaban karin sa kama maam ?" Pang asar na wika ni Nick
Lumakas naman ang tawa ng mga kagrupo nito mula sa likod
"Ganyan ba ang itinuturo ng mga magulang nyo sa inyo? May nanay din kayo nagawa nyong sabihin iyan sa mga bunganga nyo? Or baka naman kasi hindi ka lang mahal ng nanay at tatay mo? tama ba ako nick right?" balik asar ni Yna dito
Namula sa galit si Nick sabay sakal sa leeg ni Yna.
Ganun nalang ang gulat nya ng walang kahirap-hirap na alisin ni yna ang kamay ni nick sa leeg nito.
Nagulat si nick dahil malakas ang teacher nya, hindi nya iyon inaasahan.
"Ang ayaw ko sa lahat ang hindi ako ginagalang". ani Yna sabay binitwan nito ang kamay ni nick
"Umupo kana sa upoan mo nick at magtuturo na ako". ani yna
Nagsimula nang magsulat sa black board si yna tungkol sa lesson na pag aaralan nila ngayon.
Nasa kalagtinaan palang sya ng pagsusulat ng may pwersang humawak sa dalawang kamay nya.
Nang maiharap nila si yna ay doon nakita ni yna ang nakade kwatrong si Nick sa unahan. Nasa likoran nitonanh dalawa pang kasama habang ang dalawa ay hawak sya sa magkabilang kamay.
"Ang lakas ng loob mo para gawin sakin iyon. Magaling ka..gusto ko ang ganyang tapang mo". ani Nick
"Jude, erick". tawag nya sa kasamahan na nasa likodan nya.
Mabilis naman na lumapit ang dalawa kay nick
"alam nyo na ang gagawin nyo sa babaeng iyan". utos ni nick sa dalawa nitong kasama.
Lumapit naman ang dalawa kay yna at balak siyang hubaran ng kanyang uniform.
Nagpupumiglas si Yna hanggang sa nakawala siya sa dalawang nakahawak sa kanya. Walang pagdadalawang isip na sinuntok nito ang isang lalaki na balak siyang hawakan sa kanyang dibdib.
Duguan ang nguso nito ng bumagsak sya sa sahig, maging si nick na nag utos sa kanila ay napatayo ng upo.
"Ang lakas ng loob mo babae!Hindi kaba natatakot samin?!" gigil na saad ni Nick
"Bakit ako matatakot sa mga itlog na kagaya nyo? alam nyo para sakin isa lamang kayong mga sisiw na pwede kong pigain kong gugustuhin ko"! Ani Yna habang inaayos ang nakusot nyang damit.
"Huy Jovan! Allan! Gil! Stanly! Pat*yin nyo na ang babae na yan! Sagot ko kayo sa daddy ko kapag nagawa nyo ang utos ko"! ani Nick sa apat nyang kaibigan
Di pa nakalapit ang apat kay yna ng bigla nalang kumuha ng isang ruler na stick si Yna na nakalagay mismo malapit sa mesa nya. Ginamit nya iyon para pamalo sa apat na estudyante.
"Ouch! Aray"! sabay sabay na sambit ng apat habang pinaghahataw sila ni yna.
"Tumigil na kayong lima! Kong gusto nyo akong labanan wag dito sa eskwelahan dahil baka may madamay.. wag nyo na sanang sagarin ang pasensya ko, dahil hindi ako kagaya ng iba na madali nyong napatumba". seryosong bigkas ni yna
Pero hindi nakinig si nick at kumuha pa ito baril at tinutukan si Yna.
Hindi nakapag salita si Yna ng makita niya si Nick na tinututukan sya ng baril.
"Ano ilabas mo ngayon ang tapang mo?! Ngayon mo sabihin sakin na kaya mong salagin tong balang ipuputok ko sayo?!" nakangising turan ni Nick
Hindi pa ito nakuntento at lumapit pa mismo kay Yna para idikit sa Ulo nito ang dulo ng baril
"Ano classmate? Ipuputok ko naba to?" sigaw ni nick sa mga kaklase nya na para bang humihingi pa ng pahintulot sa mga ito.
"S-sige na iputok mo na..tama lang sa kanya mayabang ang baguhan na yan"! halos pare-pareho ang sigaw ng mga estudyante
"Paano ba yan maam iputok ko nadaw. Farewell". ani nick akmang kakalabitin na nito ang gatilyo ng baril ng bigla itong naagaw ni Yna.
"Mabagal"! anito sabay agaw ng baril kay Nick at ipinutok ang baril sa sahig ng ilang beses..
Nagsisigawan ang mga estudyante dahil sa tunog ng baril. May iilang mga estudyante pa at teacher na nakarinig sa ibang section kaya kanya-kanya silang labas para sumilip.
Pero mabilis si yan, sinara nito ang pinto at nilock, maging ang kurtina sa mga bintana ay naisara nya ng mabilis.
Halos hindi naman nakagalaw si Nick sa ginawa ni yna.
"Miss Yna ayos lang ba kayo dyan?" Tanong ng princepal mula sa labas ng pinto.
"Wag kayong maingay kong ayaw nyong magalit ako". ani Yna
TINUNGO nito ang pinto at binuksan ng bahgya.
"maam princepal". nakangiting tugon ni yna
"May narinig akong putok ng baril, anong nangyari? may nabaril nanaman ba?" usisa nito na para bang hindi lang ito ang unang beses na may narinig silang nagpaputok ng baril sa loob ng classroom
"Ayos lang maam, wag kayo mag alala nagkaroon lang kami ng pagtatalo ng ilan sa mga estudyante ko. Pero ayos na sumunod na sila sakin". pangungumbinsi ni yna sa princepal
"Sige after class mo mag usap tayo sa office at please mag-ingat ka..dahil hindi basta basta ang mga estudyante mo. Marami ng umalis at sumuko dahil sa kanila". saad ng princepal habang pinapaaalalahanan sya.
Kita sa mga mata nito ang takot at lungkot nong sabihin iyon ng princepal sa kanya.
"Wag kayo mag-alaala kaya ko ang sarili ko maam". Nakangiting sagot ni yna
Matapos nilang mag usap ng princepal ay umalis narin ito, sinara naman ulit ni yna ang pinto saka nilock iyon
Bumalik sya sa pwesto nya sa unahan. Ganun parin ang pwesto ni nick nong iwan nya at ng iba pa.
"Nick umupo kana sa upoan mo dahil maglalaro tayo ngayon ng truth or dare". nakangising wika ni Yna
Parang robot naman na sumunod si nick saka umupo ito sa pwesto nya.
"Magtatanong ako sa inyo, lahat pwedeng sumali". panimula ni Yna
"Walang magrereklamo sa larong ipapatupad ko, total gusto nyo ng magulo hindi ba? Pwes pagbibigyan ko kayo. Truth or dare! Kapag natalo ako or kayo kailangan lang mamili ng truth or dare?
kapag truth " kailangan nyo magsabi sakin ng isang secreto nyo at secreto ko,Kapag dare naman ay maglalaban tayo. Mag start na tayo ngayon ". ani Yna
Hindi sumagot ang mga estudyante nya kaya inuna na nito si Marry ang babaeng nasa unahan na unang nagpainit ng ulo nya.
"Mary lumapit ka sakin". tawag nya sa babae
agad namang tumayo ito at lumapit sa kanya.
nag bato bato pic silang dalawa at natalo ni Marry si Yna. Kaya si Marry ang magtatanong dito kong ano ang pipiliin nya.
at pinili ni Yna ang dare
Napalunok ng laway si Marry dahil sa seryosong mukha ni yna. at bukod pa roon kailangan nilang mag laban.
Binigyan ni Yna ng kutsilyo si Marry habang si Yna naman ay kamay lang nito ang gamit pang laban.
"Kunin mo yan at yan ang gamitin mo panlaban sakin. Gawin mo lahat para makatama sakin, pero seympre ingat ka din at baka maunahan kita". ani Yna
Galit na sumugod si Marry kay yna dahil kanina pa ito nagtitimpi. Gusto na nitong pat*yin ang teacher nya subalit hindi ganun kahina si yna para hayaan itong makatama sa kanya.
Bago pa isaksak ni Marry ang kutsilyo sa kanya ay naagaw na nito iyon kay marry at naitutuk pa sa leeg nito.
"Oopss mahina ka rin". sambit ni yna
"Okey next! Sino ang susunod? pumunta na sa harapan para harapin ako". ani Yna..Pero walang nag lakas loob na lumapit sa kanya hanggang sa nag presenta si Jovan
"Ako na at sisiguraduhin kong maglalaban tayong dalawa at ako ang mananalo maghintay ka!" anito na punong-puno ng galit ang mga mata
ITUTULOY
#LaroNgBuhay
Basahin ang karugtong sa Dream at yugto app.. free lang po syaaaa tyyyymuch