Her Dangerous Revenge
Chapter 4
Masakit para kay Georgina na makita ang wala nang buhay na si Hanna sa kanyang kwarto, habang nakasabit ito sa kisame ng kwarto nya. Lawlaw ang dila nito luwa ang mga mata, wala ng buhay. Isa na siyang malamig na bangkay at matigas na rin ang kanyang katawan.
Iyak at sigaw naman ang nagawa ng tatlong mahal nya sa buhay.
Ang kanyang Ina, Ang Papa at ang kapatid nito na isang pulis si Henry.
"Anak bakit mo ito nagawa? Bakit?" Sigaw ng kanyang Ina na si mrs Chona habang umiiyak
"Anong pumasok sa isip mo at nagawa mo ang bagay na ito anak bakit?" segunda naman ng Ama nito na si Mang Garry
"S-sis bakit? Kong may problema ka bakit hindi mo sinabi sa amin"! galit na sigaw rin ni henry habang umiiyak
Hindi rin mapigilan nu Georgina ang hindi maiyak sa sitwasyon. Masakit rin para sa kanya ang nangyari sa kaibigan at kapatid narin para sa kanya. Nasaktan siya dahil kulang pa pala ang sinabi nya dito para lumakas ang loob at Patuloy na lumaban. Nagpatalo si hanna sa takot at depresyon na kanyang nararamdaman.
Walang ibang sisihin dito kundi limang estudyanteng gumahasa sa kay Hanna.
Ibinaba na ng mga magulang ang katawan ni Hanna, ilang saglit pa ay may sulat na nahulog mula sa nakaipit nitong damit.
Pinulot iyon ni Henry at binuklat ang nilalaman ng papel at saka ito binasa
"MAMA/ PAPA/ KUYA/ AT ate Georgina". Unang bunagad ng sulat ni hanna
"Alam ko sa mga oras na ito na kapag nabasa nyo ang sulat ko ay malamang wala na ako, at malamang sa malamang umiiyak na kayo habang nakahiga ang katawan ko sa sahig na wala ng buhay. Una sa lahat patawad, patawad kong bakit ko ito nagawa..pasensya na dahil hindi ko na talaga kaya pa." Ang laman ng sulat.. Habang binabasa iyon ni henry ay pareho silang umikyak. Kaya kinuha na ni Georgina ang sulat para sya na ang magbasa para sa kanilang tatlo.
Ipinagpatuloy ni Georgina ang pagbabasa
"Mahina lang ako, at narating ko na ang hangganan ko. Malamang sasabihin nyo sayang, sayang dahil ang bata ko pa para gawin ito, sayang dahil hindi ko oa natupad ang ilan sa mga pangarap ko". basa ni Georgina
"Ma, pa, kuya, ate, hindi ko na kasi talaga kaya. Hindi ko masabi sa inyo ng personal kaya idinaan ko na lamang sa sulat ko." basa pa ni Georgina
"Pa, ma, kuya". g-ginahasa ako ng limang estudyante ko sa school kong saan ako natuturo". humikbi narin si Georgina habang hinabasa iyon kasunod naman nag pagpalahaw ng mga magulang at kuya ni hanna.
"Wala akong nagawa habang ginagahasa nila akong lima, nagpakasasa sila sa katawan ko, nagsumbong na ako sa mga pulis at nereport sila pero ako pa ang nasisi dahil inakit ko raw sila.Ma, pa, kuya ate, hindi sila basta estudyante lang, anak sila ng mga pulitiko na kilala sa bayan natin. Hindi pwedeng kalabanin dahil mapapahamak tayong lahat.. Nahihiya ako sa mga tao dahil inakala nilang totoo lahat ng binalita na inakit ko raw ang limang estudyante ko, at nagawa ko pa raw silang ipapulis para magkapera ako". habang binabasa ni Georgina ang sulat ni hanna ay hindi nya maiwasang hindi ikuyom ang isang kamay dahil sa pigil na galit.
Nagulat pa si Georgina at ang mag asawa dahil sa biglang pagsuntok ni Henry sa pader ng malakas.
Pinagpatuloy ni Georgina ang pagbabasa.
"Okey na sana tanggap ko na ang nangyari sakin, ang problema pati sa social media ay nabash ako, sa mga kaibigan ko at lalong-lalo na sa boyfriend ko. pinandidirihan nila ako at sinabihang sana mamatay nalang ako dahil nakakahiya raw ako_
Kinausap rin po ako ni mayor, na kapag raw gumawa pa ako ng hindi magandang kwento para sa anak nya ay pati kayo papatayin nya, kaya para mas matapos na ito mas mabuti pang tapusin ko nalang din ang sarili ko ng sa ganun mabilis nilang makalimutan ang mga nangyari at makapagpahinga narin po ako. Mama,papa kuya at ate Georgina.Mahal na mahal ko kayo. Patawad ulit sa nagawa ko pero ito lang ang naisip kong paraan para pagtakpan ang inakala nilang kahihiyang nagawa ko sa kanila. Patawad at hanggang dito nalang ang sulat ko, paalam na
Love:Hanna
Walang patid ang iyak ng mag-asawa at maging ni henry.. matapos nitong marinig ang sulat ni hanna habang binabasa ni Georgina ay mabilis itong umalis ng bahay para pumunta sa police station. Gusto niyang ituloy ang kaso ng kapatid ngunit pag dating nya doon ay canceled na dahil tapos na raw ang kasong iyon ayon kay mayor. Pero hindi pumayag si henry na hindi mabigyan ng hustisya ang kapatid, maging ang hepe nila ay kinausap ni henry para pagbigyan sya kaso nagulat nalang si henry dahil wala narin sya sa serbisyo, tinanggal sya ng kanilang hepe at hindi na pwedeng maging pulis sa kahit saang lungsod sa bayan nila ayon narin sa mayor.
Dahil sa galit ni Henry ay pumunta si henry sa munisipyo para puntahan ng personal ang mayor na nagtanggal rin sa kanyang trabaho.
Hindi siya pinapapasok sa loob pagdating nya roon, pero pinapupunta sya sa isang VIP room para doon daw sila mag-usap ng personal.
Naghintay ng ilang minuto si henry bago siya nilapitan ng tauhan ni mayor na maari na raw siyang tumungo sa kwartong ibinigay nito sa kanya.
Pagdating doon ni Henry ay agad siyang pinapasok ng bantay.
pagdating sa loob ni henry ay dalawang lalaki ang sumalubong sa kanya at walang pasabing sinuntok at sinipa hanggang sa Malumpo sya.
Hindi niya kinaya ang dalawa dahil sadyang malakas ang mga ito at may hawak pa na baril.
Tumigil lang ang dalawa ng dumating si Mayor.
"Boys tama na iyan, kawawa naman ang ating bisita". ang wika ni mayor
Tumigil naman ang dalawa
"Sino ka nga ulit? Ahh pulis SPO3 Henry Bait tama ba ako?" tanong ng mayor sa kanya
"A-ako nga mayor". tugon ni henry
"Anong kailangan mo at sumadya kapa talaga dito sa munisipyo?" seryosong tanong ng mayor sa kanya
"T-tungkol ito sa kapatid ko mayor, alam natin pareho dito na isa ang anak mo sa gumahasa sa kanya". sambit ni Henry
Tumayo ang mayor saka lumapit kay Henry.
Hinawakan ni mayor sa panga si Henry saka pilit na pinatitig sa kanya
"Ah iyong guro ba? Hindi bat inakit niya lang naman ang anak ko maging ang mga kaibigan niya? Lalaki ang anak ko kaya binigay niya lang ang gusto ng kapatid mo". nakangising turan ng mayor
"H-hindi totoo iyan! Gawa-gawa lang lahat ng iyon para mabaling sa kapatid ko ang sisi. " diin ni henry
"Pinapalabas mo ba na sinungaling ang anak ko?" Seryosong tanong nito
"Dahil iyon ang tot__
Isang malakas na suntok ang pinakawalan ni mayor na dumapo mismo sa mukha ni Henry, sa lakas ng suntok nu mayor sa kanya ay halos matanggal na ang isang ngipin niya.
"Ang lakas ng loob mo para kalabanin ako dito mismo sa teritoryo ko? Sino kaba sa akala mo? Baka nakalimutan mong tinanggal na kita sa trabaho mo"! galit na wika pa ni mayor
"Ang sama mo mayor! Ganyan pala kayo sa nasasakupan nyo"! galit na turan ni henry
pero muli siyang sinuntok ng mayor at inutos sa tauhan nito na alisin na si henry.
Bago lumabas sa kwartong iyon ay sumenyas pa ang mayor sa tauhan nito na patayin si henry.
ITUTULOY
MAPAPAHAMAK KAYA SI HENRY?
#WagGalitinAngNakatagongGaling
Available po ito sa dream at yugto app doon nyo na basahin habang free pa po kasi doon ako nag uupdate ng madami .ty