5

1394 Words
Her Dangerous Revenge Chapter 5 HABANG naglalakad sila palabas ng VIP room ng mayor ay bigla nalang dinala ng mga tauhan nito si henry sa kabilang exit ma daan. Nagtaka man si Henry pero huli na dahil naipasok na siya ng mga ito sa isang basement kong saan walang cctv. Kahit ano mang gawin nila ay walang makakakita sa kanila dahil wala ngang cctv roon. "T-teka anong gagawin nyo sakin"? Takang tanong ni henry "ang sabi ni mayor ilagpit kana daw namin, masyado ka kasing maingay.Mas mabuti pang sumunod ka nalang sa kapatid mo". maangas na sambit ng isa sa mga tatlong tauhan ni mayor gustong lumaban ni Henry subalit binalian siya ng dalawang brasi ng mga tauhan ni mayor, kaya wala siyang nagawa kundi tanggapin lahat ng mga suntok at tadyak sa kanya. Hindi na kaya ng katawan niya at bibigay na sya. "Sige na tapusin nyo na sya at itapon nyo ang katawan nya sa basurahan. Make sure na walang makakakita sa gagawin nyo". Utos ng leader nila Wasak na halos ang mukha ni henry dahil sa suntok na natamo nya, namanhid narin ang buong katawan nya at halos hindi na makakakita Ang sunod nalang nitong naramdaman ay ang pagtama ng bala sa katawan nya, kasunod non ay ang pagbagsak ng katawan nya. Matapos barilin si henry ay binuhat sya ng mga tauhan ni mayor at pinasok sa may basurahan para isama sa mga basura ng sa ganun walang maghinala sa gagawin nila. Samanatala Sobra na ang pag-alala ng oras na iyon ni Yna.. mahigit dalawang oras na kasinang nakalipas mula nong umalis si Henry sa bahay nila para pumunta sa police station para ipagpatuloy ang kaso na sinampa ng kapatid nya. Pero hanggang ngayon hindi parin ito bumabalik. Lalo na at ngayon sana namin siyang higit na kailangan dito dahil walang karamay ang mga magulang nya bukod sa akin. Dinala narin sa purenarya ang katawan ni hanna para maembalsamo na ito at mailagay na sa kabaong. Hanggang ngayon hindi ko parin matanggap na wala na si Hanna. Kong kailan bumubuo palang kami ng bagong Memories na magkasama bigla rin agad naputol. "Nasaan kanaba kasi henry? Anong Oras naaa". sambit ni yna sa sarili na may pag aalala. Nasa ganung kalagayan si Yna ng biglang lumapit sa kanya si Mrs Chona. "Hindi ba komontak sayo si henry hija? Nag aalala na kasi ako baka kong ano na ang ginagawa nya nagyon? Kilala ko ang batang iyon lalo na at kapatid nya ang usapan". saad nito "W-wala po tita. Hindi po siya tumawag ir nagtext manlang. Umalis siya kanina nagmamadali pero sinabi sakin na sa police station lang sya pupunta". sagot ni Yna dito "P-pwede bang tawagan mo muna sya? Pauwiin mo na dahil hindi maganda ang kutob ko ngayon". utos ni ginang chona kay Yna habang kinakabahan Bago pa tawagan ni Yna ang number ni henry ay kusa ng tumunog ang kanyang cellphone. Nawala ang kaba nilang pareho ng makita ang pangalan ni henry bilang caller "H-hello henry nasaan ka? "T-tulong h_hindi ko na kaya". sambit nito ganun nalang ang tambol ng puso ni yNa ng marinig ang sinabi ni Henry sa kabilang linya. "H-hello pakiopen ang location mo para mabilis kitang mapuntahan dyan pupunta ako kaagad" saad ni Yna dito "T-tulong Yna, tulongan mo ako.. gusto ko pang mabuhay". saad ni Henry "h-henry hello? hello henry sumagot ka". Pero hindi na nagsasalita sa kabilang linya si Henry.. mabuti na lamang at nakabukas na ang location nito at nalaman ni yna kong nasaan sya. Ang ipinagtataka lang ni Yna bakit nasa lugar ito kong saan ang tapunan ng mga basura? "Tita aalis ho muna ako, kailangan ho ni henry ng tulong". paalam ni yna sa dalawang matanda "Jusko bakit anong nangyari sa anak namin?" Tanong ng mag-asawa kay Yna habang hindi na mapigilang hindi mapaiyak "SAKA ko na po sasabihin sa inyo, basta babalik po ako kaagad kailangan ko na kaagad umalis" nagmamadaling paalam ni yna GINAMIT ni yna ang motor ni henry na nakagarahe sa loob ng bahay nila. Mahilis niyang pinaandar iyon at inilagay sa high speed. Makalipas ang halos 30 minuto ay narating na ni Yna ang lugar kong saan naroon si Henry. Hinanap nya ito dahil malawak ang lugar, hindi nya alam kong saan ito banda pero nag tyaga siyang hanapin. Hanggang sa may nakita siyang kulay itim na plastik na lagayan ng basura nakahelera iyon sa gilid nang pahiga, mabilis na tinungo ni Yna ang pwesto at doon nya napansin na may tao sa loob. Napatakip siya sa kanyang Bibig ng makilala ang taong iyon. "H-henry"! bulalas ni yna saka dali-daling nilapitan ang halos wala ng buhay na si Henry. Naliligo na ito sa sarili nitong dugo . "Y-yna d-dumating ka". sambit nito sa nanghihina na boses "Wag kana muna magsalita, dadalhin kita sa ospital". saad ni Yna Balewala kay Yna kong mabigat si Henry dahil kinaya niya itong buhatin hanggang sa makarating sila sa motor kong saan ito pinarada ni Yna. Inilagay ni yna si Henry sa unahan ng motor saka sya sumapa din. "Wag ka mag-alala henry maliligtas kita". sambit pa muli ni hanna Mabuti na lamang at mabilis silang nakarating sa ospital at nabigyan kaagad ng paunang gamot su Henry. BAGO pa tuluyang dalhin sa loob ng ospital si henry ay nagsalita pa ito. "Yna..si Mayor Si mayor ang may gawa nito sakin". sambit ni Henry bago tuluyang dalhin ng mga nurse at doctor sa loob ng ospital "IKAW PALA MAYOR HA? HUMANDA Kayo sakin, ipapatikim ko sa inyo ang hindi nyo pa natitikman buong buhay nyo. Hindi porket mayor kayo hari-harian na kayo sa bayan nyo? Sige magpakasaya kayo dahil magsisimula na akong maningil"! Galit na bulong ni yna bago sya tuluyang umalis sa harapan ng ospital Uuwi sya ng bahay para ibalita sa mga magulang ni henry ang nangyari sa kanya. Karapatan ng mga ito na malaman kong ano talaga ang nangyari kay kay henry. At ngayon nga nasa school na ito kong saan dating nagtuturo si Hanna ay dito sisimulan ni Yna ang kanyang paghihiganti. Si Jovan na ang susunod na sasali sa palaro ni Yna. Gaya nong una sinadya ni Yna na matalo siya ng kanyang estudyanteng si Jovan. Nakangisi naman si Jovan dahil siya ang nanalo at tinitiyak na nito ang kaparusahan ng teacher nila na si Yna. Napipikon na kasi ito kay Yna at gusto na niya itong gilitan ng buhay sa leeg. "PAANO MONG GUSTO LUMABAN? I MEAN MAMATAY?" ang wika ni Jovan habang nakangisi TAWANAN naman anh mga kagrupo nito expect sa mga estudyante na tila natatakot at ayaw sumali sa gulo. "Ikaw ang bahala". saad ni Yna "Paano kong napatay kita ngayon?" Matapang na tanong ni Jovan "Edi panalo ka". Walang ganang sagot naman ni Yna "Ang yabang mo parin ha." inis na saad ni Jovan KINUHA ni Jovan ang isang kutsilyo na hawak kanina ni Mary, gusto nitong ipakita sa mga kaklase nya na kayang-kaya nitong patayin ang kanilang teacher. UMAKSYON pa itong si Jovan na akala mo nasa Kunfu Movies siya, sabay sinugod nito si Yna na hindi manlang nag iisip kong paano nya isasagaw ang laban Ilang saglit lang ay walang kahirap-hirap na inagaw ni Yna ang kutsilyo kay Jovan. Nagpupumiglas pa si jovan at gustong mabawi ang kutsilyo kay yna. . Habang nangigil si Jovan na makuha ulit ang kutsilyo sa kamay ni Yna ay ganun din sa kanya si Yna. Habang tinitingnan ni Yna ang mukha ng binata ay iba ang tingin nya dito, isang dem*nyo na hindi na dapat binubuhay pa. Ang bata pa pero nagagawa na ang ganunh klaseng krimen. Gustong-gusto na siyang tapusin ni Yna subalit nagpigil sya dahil para sa kanya May tamang pagkakataon ang araw na iyon. Kaya ang ginawa na lamang nya ay binali ang limang daliri nito sa kanang kamay. Napabitaw si Jovan kay Yna at nagsisigaw sa Sakit. Bago pa marinig ng mga nasa labas nah malakas nitong sigaw ay bigla niya itong binatukan ng sa ganun ay mawalan ng malay. "NEXT"! nakangising anunsyo ni Yna kaso Biglang nag ring ang bell hudyat iyon na oras na ng recess ITUTULOY #PAGHIHIGANti Author's Note: hello Limited lang po ang pag post ko dito sa group. Pwede nyo to mabasa sa dream or yugto app FREE lang po ito..basahin nyo na bago pa siya mag VIP😍 Title Her Dangerous Revenge Author;Nezel Docto Genre: Actionevenge
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD