6

1250 Words
Her Dangerous revenge Chapter 6 BUMALIK si yna sa bahay ng mga magulang ni henry. Hapon na ng makabalik siya, may mga kapit-bahay na naroon para tulongan ang mag-asawa na makatayo ng paglalagyan ng kabaong ni hannah pag nadala na sya. "Yna mabuti naka uwi kana? Nakita mo naba ang anak ko?" tanong ni mrs chona sa kanya ng makalapit ito "Opo, pero kasi nagkaroon po ng aksidente nasa ospital po sya ngayon". Pag amin ni Yna Dahil sa narinig ay halos napaupo na lamang sa silya ang Ginang. "Diyos ko, ayos lang ba ang anak ko ha? Kakamatay lang ng kapatid nya tapos heto sya naman ngayon ang nasa ospital". habag na wika ng ginang Doon naman lumapit ang asawa nitong si garry. "Bakit mahal anong nangyari?" tanong nito sa kanyang asawa habang nag aalala "Ang anak nating si henry garry, nasa ospital raw". sabi nito sa asawa "Ano? Bakit? anong nangyari?" sunod-sunod na tanong ng mr nito sa kanyang mrs. "Wag po kayo mag-alala magiging mabuti ang kanyang kalagayan doon. Yun ang sabi nya sakin, uuwi rin daw sya kapag magaling na ito ". pagsisinungaling ni Yna ayaw nya kasing makita na lalong nasasaktan ang mga magulang nonh dalawa. Lalo na at mas masakit ang pagkawala ni Hanna sa kanila ngayon. "Babalik po ako sa ospital para bantayan si henry, Ako na po muna ang bahala sa kanya habang kayo naman po muna kay hanna". bilin ni yna sa kanila bago na ito tuluyang umalis ulit ng bahay dala ang ilang gamit na kakailanganin ni henry Pagdating ni Yna sa ospital ay kaagad sinabi ng nurse kong saan ang kwarto nito. Mabuti nalang at ligtas na si henry sa kapahamakan. At nagpapahinga nalang daw ito. Pagdating ni Yna sa kwarto ni henry ay nakita nya itong nakahiga sa kama at tulog na tulog. Pero bakas parin sa pisngi nito ang ilang mga pasa dahil sa bugbog na natamo nito sa kong sino man ang gumawa nito sa kanya. Habang binabantayan ni Yna si Henry ay naisipan niya munang lumabas para bumili ng mainit na sabaw, para sakaling magising si henry mamaya ay meron siyang mapapakain dito. Balak narin nitong bumili ng termos para doon ilagay ang iinumin nya. Unang tumungo si Yna sa may Grocery Store na malapit lang sa ospital, mabuti na lamang at may nabiling termos si Yna. Mabilis siyang pumunta sa may counter para magbayad na sana ng walang ano-anoy may nakabungoan sya. "Naku sorry miss hindi ko sinasadya". anang boses ng isang lalaki Hindi sinasadyang mapatingin si Yna sa lalaking nakabungoan nya at doon nya nakita at nakilala ang lalaki "B-bryan?" sambit ni yna huli na bago bawiin ni yna ang kanyang sinabi dahil wala pa sana sa plano niya ang magpakita dito. "Y-yes miss kilala mo ako?" mas lalong nagulat si Yna dahil sa naging sagot ni bryan. Hindi siya nito kilala imposible. "T-teka hindi mo ako kilala?" Takang tanong pa ni Yna sa kay bryan "S-sorry miss pero magkakilala ba tayo?" ulit na tanong ni bryan "A-ahh hindi hindi tayo magkakilala. I mean nakilala lang kita dahil sa mga bussines nyo, sikat ka kaya kita nakilala pasensya na". Pagsisinungaling ni Yna "Ay sige miss, akala ko kilala mo ako or kaibigan.. pasensya na_ hindi na naituloy ni bryan ang sasabihin nito ng biglang may tumawag dito na babae. "Honey ang tagal mo diyan, umiiyak na itong anak natin". anito "Sorry miss ha, pwede bang mauna na ako sa pila? tawag na kasi ako ng asawa ko". aniya sabay umalis na ito sa kanyang harapan. "Asawa? Anak? How? Parang ang bilis naman ata? Ganun? Hindi nya ako kilala? teka bakit ang sakit naman ata? Ano ba ang nangyari mula nong nawala ako? Bakit may gusto ata akong alamin ngayon? ANO NGA BA ANG NANGYARI bakit may anak at may asawa na sya? 2 years lang naman akong nawala ah? " mga katanungan sa isipan ni yna na hindi nya masagot sagot. Bago pa sya nilampasan ni bryan ay nagpaalam pa ito sa kanya na mauuna na. Nagkaroon ng tyempo si Yna na tingnan ang papalayong si Bryan, mas lalo siyang magulat dahil ang babaeng asawa ni Bryan ay walang iba kundi si Cheska. "Paano nangyaring sya ang naging asawa ni bryan?" naguguluhang tanong ni Yna sa kanyang sarili Hindi niya tuloy maiwasang mag plano na bumalik na sa kanila para malaman ang totoo. Siguro kapag nakauwi sya sa bahay nila mas malaman nya na ang totoong nangyari. "Miss magbabayad kanab?!" Untag ng tendera kay Yna ng nasa unahan na sya. "A-ah oo magkano to?" tanong ni yna sa tindera habang iniaabot dito ang termos na bibilhin nya. "125 po iyan". nakangiting sagot naman ng tendera Kumuha ng pera si Yna sa sa kanyang wallet saka nya ito iniabot sa babae. Matapos makuha ang sukli ay muli siyang sumakay sa motor na dala saka pumunta naman sa isang kainan. May nabili siyang pagkain at sabaw sa restaurant na iyon, matapos niyang mag bayad ay umalis narin sya para bumalik sa ospital Pagdating nya sa kwarto ni Herny ay tulog parin ito. Kaya inilapag niya na muna sa mesa ang mga binili niyang pagkain para dito. Pagkatapos non ay umupo siya sa isang extrang upoan malapit kay henry Kinuha ang cellphone saka Naisipan niyang e stalk ang ex Fiance nya na si bryan. Tiningan nya isa-isa ang mga photos ni bryan, doon nya nakita lahat .pati sa wedding nila ni Cheska habang ito ay buntis pa. Hindi namalayan ni Yna na tumutulo na pala ang mga luha nya dahil sa sakit na nararamdaman nya. Feeling nya pinagtaksilan parin sya ng taong minahal nya at binigyan nya ng lahat. Hindi rin maiwasang hindi alalahanin ni yna ang mga matatamis na sandali na nooy magkasama pa silang dalawa at nag paplano rin para magpakasal. Pati ang anak nila ay biglang naalala ni Yna, kinuyom anh mga kamao nya habang inaalala ang araw na iyon kong saan ipinanganak nya ang anak sa madilim na kwarto, pero nagising na lamang sya nasa gubat na. Pero tandang-tanda parin naman ni Yna kong sino ang babaeng nag uutos sa mga tauhan nito na kunin ang anak nya at patayin sya, walang pinagbago dahil ang babaeng iyon ay sya ring kumidnap sa kanya nong unang beses. Pero nakatakas sya dahil sa tulong ng isang lalaki na hanggang ngayon hindi parin nya nakikilala. Habang nag scroll scroll pa si Yna ng mga picture nila brayn ay naagaw ng attention nya ang bagong picture kasama si Cheska, si Ginoong bryle ang ninong nya at ang babae na familiar kay Yna. siya ang babaeng nag uutos na kidnapin si Yna .. pero nagtataka si Yna kong bakit naroon ito sa picture .Ibig sabihin nito si Cheska at ang babaeng iyon kaya ay malapit sa isat-isa? "Akalain mo nga naman oh, nasa malapit ka lang pala..hindi rin naman maipagkaila na mag ina ata kayo dahil magkamukha kayong dalawa". bulong ni Yna sa sarili "So baka isa ka rin sa mga dahilan kong bakit nakidnap ako Cheska?" muling sabi pa ni Yna sa kanyang sarili Muli siyang nag scroll at doon sya napahinto sa isang baby na tatya ni yna nasa dalawang taon pa lamang. Hindi niya alam pero pakiramdam nya anak nya ang batang iyon, biglanh kumirot ang puso nya habanh tinitigan ang litrato ng baby..kamukha ito ni bryan at may hawig rin sa daddy Jack nya. "POSIBLE KAYANG ANAK KO ANG BATANG IYON?" bulong ni Yna Hindi nya namalayan na nakatayo na pala sya. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD