EPISODE 2

1201 Words
“Hoy! Magdalena!! Gumising kana diyan anong oras na!” isang boses ang gumising sa mahimbing kong tulog.  “Bakit ba? naninigaw ka alam mong natutulog pa yung tao e.” sigaw ko dito. Si Berna ang kasamahan ko dito sa apartment na tinutuluyan ko.  “Tumayo ka diyan at maglaba kana. Ano ako parin maglalaba nung isang linggo ako na.” sabi nito.  “Oo na magantay ka. Kala mo naman hindi ka binayaran sa paglalaba mo ng damit ko! leche!” sigaw ko dito at ayun ngumisi pa ang gaga!. Tumayo ako at kinuha ang mga labahin at dumeretcho sa banyo.  “Oh! Magkape ka muna binilhan na kita.” batid ni Berna.  “Hay! Salamat at may malasakit ka” batid ko dito baka nakonsensya ang gaga!.  “Ikaw muna bahala dito may trabaho ako mamaya at baka sa isang linggo na ako umuwi.” sabi nito. Tumango lang ako dahil aalis din naman ako maghahanap ako ng isa pang trabaho, Dahil kulang na kulang ang sinasahod ko sa flowershop na pinagtatrabahuan ko umalis na kasi ako club na pinagtatrabahuan ko bilang waitress.  “Saan ang punta mo?” tanong ko dito.  “Hmm alam mo naman, yung jowa jowaan ko gusto ako isama sa Cebu” sabi nito.  “Wow talaga ba? dalhan mo akong pasalubong ha.” sabi ko dito. Ang totoo mabait naman si Berna. Siya na nga lang ang tanging nakakaintndi at umuunawa sa akin. Pero minsan may kagaguhan din naman pano sabay sabay ang mga lalake niya kaya minsan sa gabi hindi na ako nakakatulog sa ingay nila ng lalake niya.  “May tatanong ako sayo” sabi ko dito.  “Ano yun?” napatigil ako dahil ayoko naman maoffend siya.  “Na ano? Bakit ako ganito? Bakit ako maraming lalake?” sabi nito tumango lang ako. Dahil alam ko alam niya naman na yung gusto kong itanong. “Alam mo Magda, heto na yung buhay na kinamulatan ko. Kung hindi ako magbebenta ng aliw paano ako mabubuhay?” sabi nito.  “Alam ko naman iyon may ibang trabaho naman diyan.” sabi ko dito.  “Hay! Jusko ewan ko sayo. Alam mo sayang ka. Maganda ka, makinis sariwang sariwa. Mukha ngang hindi ka Pinoy dahil sa itchura mo. Ewan ko sayo  palibhasa wala ka pang experience sa s*x. Nako pagnatikman mo baka hanap hanapin mo.” sabi nito at tumawa ito ng malakas. Ilang oras pa ay umalis na si Berna.  “Aalis muna ako ha, Ikaw na bahala dito itext mo lang ako.” sabi nito.  “Oo sige, ingat ka” sabi ko dito. Mag-aalas diyes na ng umaga ng matapos ako maglaba. Hindi na rin ako nag-abala pang kumain. Dahil may pasok ako ng ala una sa flowershop agad akong naligo at nagayos. Ilang buwan na rin ako dito nagtatrabho sa flowershop. Four hundred fifty pesos a day lang ang sahod ko five days a week. Sa weekend naman umeextra ako sa talyer. Oo tama sa talyer aba magaling kaya akong mekaniko dinaig ko pa si Kalino sa pagaayos ng sasakyan. Nung una hindi ko masyadong kabisado ang mga parts nito pero nung nagtagal ako ayun natuto na rin ako. Mahirap sa isang katulad ko dahil hindi naman ako nakapag-aral ng auto mechanic pero dahil sa experience at persistence ko na matuto. Unti- unti ko natutunan ang mga gawain dito sa talyer. Alam ko din naman na silang lahat ay walang tiwala sa kakayahan ko. Dahil bata pa ako at isa akong babae.  Wala lang din akong mapasukan na ibang trabaho dahil Highschool lang ang natapos ko. Pansin niyo ba kung bakit hindi ko subukan magwork sa fastfood?  Marami kasing requirements samantala dito sa mga pinapasukan ko hindi na kailangan pa iyon. Ilang oras na rin ako na bantay dito sa flowershop nakakaumay ang araw araw na ganitong buhay.  Pagsahod ko naman napupunta lang sa pambibli ko ng pagkain. Mga kailangan ko at yung matitira pambabayad ko ng upa sa bahay at kuryente tanginang buhay ito nakakasawa. Natapos na ang duty ko dito sa flowershop at agad akong umalis naghanap ako ng ibang mapapasukan na trabaho.  Napahinto ako sa isang lugar na kung saan may nakapaskil na HIRING maid – 50,000 a month. Ano daw? baka nagkakamali lang ito. Bakit ang laki naman ng sahod? Nagtaka ako at napatitig ng may biglang lumapit sa akin na babae. May katandaan na ito at agad akong nginitian.  “Anong kailangan mo?” sabi nito.  “Naghahanap po kasi ako ng trabaho, yan pong nakapaskil diyan totoo po bang 50,000 ang sahod diyan?” tanong ko dito.  “A-ah iyan ba, Oo totoo iyan bakit interesado kaba iha?” sabi nito.  “Ang totoo po naghahanap ako ng trabaho.” sabi ko dito.  “Ang pagkakaalam ko kasi naghahanap sila ng all around maid.” sabi nito.  “Ah okey po wala naman po masama kung susubukan ko po. Iwan ko po sa inyo ang cellphone number ko tawagan ninyo po ako kung nandito ang magiging amo ko.” Sabi ko dito. Agad itong tumango sa akin at iniabot ang cellphone niya.  “Anong pangalan mo iha at ilang taon kanaba?” tanong nito.  “Ako po si Magdalena Santos, Magda nalang po 18 years old na po nung isang araw.” sabi ko dito.  “Aba’y napakaganda naman ng pangalan mo. Ako nga pala si Josie” sabi nito.  “Sige po Ate Josie. Salamat po antayin ko nalang po ang tawag ninyo.” sabi ko dito. Nagabang na ako ng jeep dahil medyo may kalayuan din ito sa tinitirhan ko.  “Bayad ho, diyan lang ho ako sa pangalawang kanto.” Iniabot ko ang bayad ko sa katabi kong pasahero. Laking gulat ko ng may sumakay na tatlong lalake at may hawak na patalim pagminamalas ka nga naman! Tangina talaga! Napapamura nalang ako sa isip ko.  “ILABAS NIYO LAHAT NG CELLPHONE AT WALLET!” Sabi ng lalakeng may hawak na patalim. Tumabi ito sa akin.  “IKAW, BUKSAN MO IYANG BAG MO” sabi nito  “Kuya wala kang mapapala sa akin. Wala kang makukuha sa bag ko. Naghahanap nga ako ng trabaho.” sabi ko dito. Pilit parin niya binuksan ang bag ko.  “Oh! Diba sabi ko sa inyo wala kayong mapapala sa akin!” sabi ko sa mga ito. Habang ang ibang kasama nila ay nakakuha ng mga cellphone at pera sa ibang pasahero.  “TUMAYO KA! ILABAS MO LAMAN NIYANG BULSA MO!” sabi nito.  “Teka nga kuya. Ang kulit niyo wala nga akong pera. Heto ang cellphone ko o tignan mo!” sigaw ko dito at nilabas ang cellphone ko na keypad natigilan ito at tumawa ng malakas.  “MUKHA LANG PALANG MAYAMAN ITONG MAYAMAN. MUKHANG FOREIGNER. ANG CELLPHONE PANGKASKAS NG YELO.” Banat naman ng isang holdaper at tumawa pa. “Oh diba! Sabi ko sa inyo wala kayong mapapala sa akin.” Sabi ko dito. Agad naman nila pinahinto ang jeep at nagtakbuhan palayo ang mga holdaper. Ang ibang pasahero naman ng jeep halos matulala sa mga nangyare. Ganuon ang buhay dito sa maynila hindi ko lalahatin. Talamak ang snatcher at holdaper dito. At sa lugar na tinitirhan ko halo halong amoy nalang masangsang at nakakadiring eskinita. Bumaba ako ng jeep na parang walang nangyare. Patibayan ng sikmura patatagan ng loob.  Mabuti nlang hindi nakuha ang sinahod ko kanina. Inipit ko kasi ito sa gilid ng aking bra. Ready na ako sa puwedeng mangyare usong uso ang holdapan sa ganitong lugar. Ano pa nga ba wala ng konsensya ang mga tao sa ganitong pagkakataon. Kumakalam ang sikmura nila kailangan nila ng pera at ang mahirap pa dito sa bisyo nalang nila napupunta lahat hay! buhay!. Nakarating ako sa inuupahan ko at duon humiga sa kama nagpahinga muna ako at bukas kasi sabado papasok ako sa talyer malamang marami na naman cliente si Kalino sana maraming tip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD