EPISODE 1

1563 Words
“Mama Amanda salamat po sa lahat, salamat po at binigyan niyo ako ng maayos na buhay mahal na mahal kita ma.” Huling salitang binitawan ko ng namaalam ang taong umampon sa akin .Akala ko magiging maayos na ang lahat nagkamali ako dahil ang asawa ni Mama Amanda na si Uncle Samuel ay dumating galing amerika. “Oh, How are you Harieth?.” tanong nito. “I’m okey Uncle Sam.” sagot ko dito.Ramdam ko ang bawat tingin nito sa akin na may malalim na kahulugan. "Kamusta naman ang buhay princesa? sabi nito. Alam kong may laman ang sinabi niya. Pero hindi kl oyon pinansin. "O-okey naman po," sabi ko dito. Alam kong nainsulto ito sa sinagot ko.  Isang linggo pa lang ang nakakalipas pero hindi ko parin magawang harapin si Uncle Sam. Pumunta ako sa mall at namili ng gamit ko para sa darating na pasukan. Excited pa naman ako dahil magkokolehiyo na ako. Sampung taon ang nakalipas nang ampunin ako ni Mama Amanda. Pitong taong gulang ako nuon kaya’t may isip na ako sa mga nangyayare. Alam ko din naman na iniwan lang ni Unlce Samuel si Mama Amanda dahil hindi sila magkaanak. Dahil sa kahihiyan narin siguro kung kaya’t inilihim ang pagampon sa akin ni Mama Amanda. Magaalas sais na ng gabi ng makabalik ako ng bahay. “Do you know what time is it?” nagulat ako at napatigil sa kinakatayuan ko ng marinig ang boses ni Uncle Sam. “I’m sorry po, may binili po kasi akong gamit para sa school.” sagot ko dito. “Pumunta ka sa office ko ngayon na.” sigaw nito. Nagmadali akong pumunta sa kuwarto ko at dinala ang mga binili ko. Ilang minuto pa ay kumatok ako sa opisina ni Uncle Sam. “Bukas yan, pumasok ka.” sabi nito. “Bakit niyo po ako pinapunta dito?” tanong ko dito. “Magaaral ka na sa pasukan hindi ba?” tanong nito. “Opo, sabi po kasi ni Mama Amanda magtapos po ako sa kursong gusto ko.” sabi ko dito. Kinakabahan ako sa bawat galaw na ginagawa niya. Nagulat nalang ako ng hawakan niya ang aking kamay at ilapat ito sa kanyang pagkalalake. “Anong ginagawa niyo?” sabi ko dito. Nagpupumiglas ako dahil alam kong hindi na tama ang ginagwa niya. Napaupo ako sa may sofa malapit sa lamp shade na kung saan iyon lang ang tanging ilaw sa kanyang opisina. “Alam kong gusto mong makatapos, pero bago iyon ako muna ang patapusin mo.” sabi nito. Hayup na lalakeng ito. Diyos ko, patawarin niyo ako sa magagawa ko. Tinignan ko ito at kitang kita ko ang pagnanasa nito nakaramdam ako ng takot at hindi nagatubili na lapirutin ang pagkalalake niya. “Waaaa!, you motherfucker!” sigaw nito. Isang malakas na sampal sa aking mukha ang ginawa nito. Akmang hinawakan nito ang aking binti. “Huwag po! Uncle Sam! Huwag!” sigaw ko at nagpupumiglas na makatakas sa demonyong lalakeng ito. Nangmahawakan ko ang lamp shade. Hindi ako nagdalawang isip na ipukpok iyon sa kanya. Malakas ang pagkakapalo ko sa kanyang ulo sanhi ng pagkabasag nito. Nagkalat sa sahig ang mga bubog galing dito. Napansin ko rin ang dugo na tumulo sa kanyang mukha. “You b***h! come back here!” Iniwan ko ito ng nakahiga mabilis akong tumakas. Kahit sira sira ang blouse na suot ko hindi ko na magawang lingunin pa ito. Agad akong tumakbo palabas hanggang sa nakalabas ako ng bahay. Kung alam ko lang na magkakaganito ang buhay ko sana hindi nalang ako inampon. Maganda nga ang bahay masarap nga ang kinakain pero mawawala naman ang dignidad ko. Tumakas ako mula dito hanggang sa napadpad ako sa lugar na napakarumi. Wala akong dalang kahit ano alam kong wala akong mapupuntahan kung kaya’t eto nagpalaboy laboy ako sa loob ng pitong buwan. Hanggang sa may tumulong sa akin siya si Aling Tina. May maliit siyang karinderya ginawa niya akong helper dahil tutal lagi akong nanlilimos ng pagkain ko sa kanya. “Ano bang nangyare sa iyo bakit ka nagkaganyan?” tanong nito sa akin. Unti- unting bumagsak ang luha ko at walang boses na lumalabas sa bibig ko. “Hmm, alam ko nagugutom ka na eto sige kumain ka muna.” sabi nito. Mabilis kong kinain ang binigay niyang pagkain. “Maraming salamat po Aling Tina, napaka sarap po ng luto ninyo.” sabi ko dito. “O siya, sige na.” sabi nito. “Aling Tina, baka ho nangangailangan kayo ng helper. Kahit pagkain ko lang ho araw araw ang kabayaran kailangan ko lang po ng matutuluyan.” sabi ko dito. Kitang kita ko sa kanyang mata ang awa. “Hay! Talaga ikaw, hindi lang kita matanggihan dahil sa maamo mong mukha.” sabi nito. Nabuhayan naman ako ng loob sa aking narinig. “Talaga po pumapayag na po kayo?” sabi ko dito. “Oo nga ayaw mo ata babawiin ko na” sabi nito. “Nako maraming salamat po talaga aling tina hindi kayo magsisisi sa akin” sabi ko dito. “E ano ba ang pangalan mo ha?” tanong nito napatigil ako ng ilan minuto bago ako nakasagot sa kanya. “Magdalena ho” Sabi ko dito.  Ang totoo Harieth Villamir ang tunay kong pangalan. Naririnig ko lang ang pangalan na Magdalena sa isang kanta dahil halos araw araw ko iyong naririnig na tugtog sa mga tricycle driver dito na kumakain. Tumango lang sa akin si Aling Tina. “O siya magsimula kana ngayon” sabi nito. “Talaga po?” agad akong nagamadali na linisin ang lamesa at hugasan ang mga pinggan. Isang buwan narin akong nagtatrabaho dito at binigyan ako ni Aling Tina ng cellphone mumurahin lamang ito. Keypad phone kung baga hindi ko narin magawang magonline sa f******k. Para saan pa baka mamaya matunton lang ako ni Uncle Sam. Dalawang buwan din ang nakalipas naging maayos naman ako dito kay Aling Tina.Ilap din ako sa anak niyang si Fredo dahil may pagkaweirdo ito at ayaw ko dahil lalake. “Magda, dalhin mo ito dun sa magasawang laging umoorder dito kilala mo naman iyon ung nakatira sa may kabilang kanto?” sabi nito. “Oho, kilala ko ho iyon” sagot ko dito. “O sya. Eto dalhin mo at inaantay na nila yan.” utos nito sa akin.Nagmadali akong dalhin iyon para makabalik agad sa karinderya wala din kasing ibang katulong si Aling Tina kung hindi ako. Nang maihatid ko na ang order ng magasawa agad akong bumalik sa karinderia. “Heto ho yung bayad nung mag-asawa Aling Tina” sabi ko dito. “O sige akin na at kumain kana diyan may darating akong bisita mamaya” sabi nito. “Ah, oho sige po sino po ba ang darating ninyong bisita?” tanong ko dito. “Girlfriend ni Fredo.” sabi nito. May girlfriend pala iyong Fredo na iyon. Napaka weirdo kaya nun ni hindi ko nga iyon kinakausap dahil masyadong tahimik. Natapos na akong kumain at hindi na ako nagatubiling maglinis habang nagaantay kami ng customer sa karinderya. May dumating na dalawang babaeng halos kulang nalang ay maghubad ito dahil sa suot nitong tube at sobrang iksi na short. Siguro ay customer kung kaya’t agad kong inasikaso. “Anong po sa inyo?” tanong ko sa mga ito. Nakangiti lamang ang isang babae sa akin. “Sino ka? Nasaan si Fredo?” tanong nito. Eto nga siguro yung girlfriend ni Fredo. “Ah teka lang po tatawagin ko lang po.” iniwan ko muna sila saglit at tinawag si Fredo at si Aling Tina. “Aling Tina, Fredo! May bisita ho kayo.” sabi ko dito. Nang makalabas na ako ay agad kong napansin ang isang babae na lumayo sa karinderia at nanigarilyo. “Oh iha nandiyan kana pala kakauwi mo lang ba?” tanong ni Aling Tina sa girlfriend ni Fredo. “Kaninang umaga lang po Tita, Si Fredo po nasaan?” sabi nito. “Pumasok kana sa loob, inaantay ka niya,” sabi nito, Iniayos ko ang mga lamesa at upuan at nagpaalam na magbabanyo muna ako para maligo. “Aling Tina, maliligo lang po ako sandali habang wala pong tao.” sabi ko dito. “O siya sige.” sabi nito. Nasa banyo ako ng may marinig akong ungol. “H-mmm a-ahhh, sige pa Fredo diin mo pa a-aahh.” yun yung girlfriend ni Fredo. Nagmadali akong maligo dahil kinikilabutan ako sa mga naririnig ko. “Yan ganyan nga sige pa Marie bilisan mo pa a-aahhh o-oohh.” sigaw ni Fredo. Jusme bakit kailangan pa nila umungol ng ganyan kala ba nila walang nakakarinig. Agad akong lumabas nagulat na lamang ako ng makita si Aling Tina na madalim ang mukha at galit. “Ikaw,! Walang hiya kang babae ka pagkatapos kitang palamunin nanakawan mo pa ako!” sigaw nito ng mahablot ang buhok ko. “Wala po akong ginagawang masama Aling Tina, wala po akong kinukuha diyan” sabi ko dito. “Ayaw ko marinig ang paliwanag mo, lumayas kana!” sabi nito. Wala akong nagawa kung hindi umiyak ng umiyak. Sino naman kaya ang kukuha nung pera ni Aling Tina. Iniayos ko ang sarili ko at nakita ko ang babaeng kasama ni Marie. Hindi ko ito pinansin o kinibo. “Uy, wag kang umiyak diyan!” sabi nito. “Kailangan mo ng trabaho tutulungan kita.” sabi nito. “Talaga? saan naman.” sabi ko dito. “Sumama ka sakin.” sabi nito. “Teka muna sino kaba?” tanong ko dito. “Ako si Bernadette, Berna nalang ikaw?” sabi nito. “Ah ako si Magdalena, Magda nalang.” tumingin lang ito sa akin. “O siya ayaw ko ng maraming tanong tanong” sabi nito. “Sa club ako nagtatrabaho hiring kami duon waitress. Huwag kang magalala at hindi ka mababastos dun.” sabi nito. “Salamat ha Berna” sabi ko dito. “Kung wala kang matutuluyan duon ka muna sa inuupahan ko. Maghati nalang tayo pagmay sahod kana.” sabi nito. “Nako salamat talaga Berna.” Sabi ko dito. Ilang buwan rin akong nagtrabaho sa club bilang waitress.Tiyagaan nalang talaga kaya nung may pagkakataon ako magkaroon ng matinong trabaho pinasukan ko agad. Birthday ko na nga bukas eh, kaso kahit si Berna hindi iyon alam kaya hindi narin ako nagabala na maghand dahil wala naman din akong ihahanda.Pagkatapos ko dito sa Club umuwi ako at bumili ng isang bote ng gin ayos ito solve na ako para macelebrate ang 18th birthday ko.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD