Satana's Pov
"Tana hija, Tana." Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko't halos pikit matang naglakad papunta sa pintuan para pagbuksan ang kung sino mang kumakatok. "P-po? May kailangan kayo sa 'kin?" Dire-diretso s'yang pumasok sa kwarto ko, napapikit na lamang ako nang hawiin n'ya na ang makakapal na kurtinang nakatakip sa bintana at binuksan na rin 'yon dahilan para masilaw ako, mariin akong pumikit bago muling iminulat ang aking mata at hinayaan 'yon na makapag-adjust sa liwanag.
"Manang Fe naman, ang aga n'yong manggising sabado naman po eh, walang pasok." Hinila ko ulit ang may kakapalan 'kong kumot at itinakip sa 'king katawan noong bumalik ako sa 'king pagkakahiga para sana matulog ulit kaso lang inalis 'yon ni Manang at napilitan akong bumangon.
"Alas-diyes na ng umaga, siguro'y nagpuyat ka naman kagabi ano?" Paratang n'ya, well it's kind of true, nawili na naman kasi ako sa panunuod ng Game of Thrones kagabi. "Si Daddy po ba nasa farm na?" Pagwawala ko sa tanong n'ya, mapapagalitan n'ya na naman kasi ako kalag nalaman n'yang alas-dos na ng madaling araw ako natulog dahil sa panunuod.
"Si Pido ang nasa farm ngayon, nasa fish pond si Hugo, maghahango na kasi sila ng mga alimango at hugpo." Tuluyan ng nawala ang antok ko, kinuha ko ang suklay at ipit na nasa dresser atsaka ipinuyod ang buhok ko bago ako dumiretso sa cr para makapaghilamos at makapag-toothbrush.
"Gusto mo bang sumunod roon?" Tanong n'ya habang ipinagtitimpla ako ng gatas matapos naming makababa at dumiretso sa kusina. "Sa fish pond po? A-ayoko po." Umiling ako at sumubo na ng fried rice at bacon na naabutan kong nakahain na sa mesa.
"Akala ko ba gusto mong maranasan 'yong buhay ng mga katulad namin?" Sumimsim ako sa mainit na gatas na maingat n'yang itinabi sa 'kin. "Opo, I want to experience it." Ngumiti s'ya at naupo sa tabi ko.
"Mararanasan mo lang 'yon kung lalabas ka ng bahay na 'to at susubukang makisalamuha sa mga tauhan ng Daddy mo at subukan rin na gawin ang mga ginagawa nila." Napangiwi ako ng dahil do'n, ngumuso ako at bahagyang tumungo.
"Oo nga naman Tana, kaya ang putla-putla mo kasi hindi ka nasisikatan ng araw eh." Si Elias na kararating lang at nagmano kay Manang Fe bago s'ya humarap sa 'kin. "Hahabol ako kay Sir. Hugo sa fish pond, sasama ka? Sama ka na." Wala naman akong gagawin dito, isa pa nabobored na rin ako na tumambay lang sa bahay ni Daddy, tumango ako at bahagyang nagulat ng bigla na lang s'yang pumalakpak.
"Yieee improving ang mahal na prinsesa." Hindi ko na s'ya pinansin pa't nagpatuloy na lang ako sa pagkain para makaligo na rin ako at nang makapag-ayos bago man lang kami pumunta sa fish pond na 'yon kung nasaan man 'yon.
Wearing a simple mustard colored shirt paired with a denim short that has a lace detail on it's end, I step out of the house and waved goodbye to Manang Fe. Tinitigan ako ni Elias mula ulo hanggang paa. "Saan tayo sasakay?" Sinuot ko na ang light pink na suede cap na dala ko para naman maprotektahan kahit papaano ang mukha ko mula sa matinding sikat ng araw.
"Dito." Kaswal n'yang sinabi at halos sumayad ang bibig ko sa lupa nang parahin n'ya ang isang tricycle. Marahas akong lumingon sa kanya, hindi pa rin makapaniwala. "Seryoso ka ba? May mga sasakyan naman si Daddy eh 'yon na lang ang gagamitin natin." Napakamot s'ya sa batok at naiiling akong tiningnan. "Yong pick up n'yo gamit ni Papa para sa delivery nung ibang mga gulay na naani sa farm n'yo kahapon 'yong Montero n'yo naman gamit ni Sir. Hugo, isa pa kahit na may available na sasakyan rito wala namang ibang magdadrive." Tinaasan ko s'ya ng kilay at pinameywanga.
"Don't you know how to drive? This is unbelievable! Hindi ako sasakay r'yan." Pati ang tricycle driver ay napatingin na rin sa 'kin at napakamot sa kanyang ulo. "Alam ko pero wala pa 'ko sa tamang edad para magmaneho atsaka wala akong lisensya para gawin 'yon, sasakay ka ba o hindi? Baka naman mas gusto mong maglakad na lang mga isang oras lang naman naroon na rin tayo kapag nilalad natin." I shook my head out of disbelief, padabog akong sumakay ng tricycle, hindi talaga ako makapaniwala na ginagawa ko 'to.
"Parte ng buhay ng isang normal na tao, Satana, hindi lahat kayang makabili ng sasakyan." Makahulugan n'yang sinabi nang tumabi na rin s'ya sa 'kin, the experience of riding a motorcycle wasn't that bad after all surely it's not that comfortable compared to riding with our fancy care but it was still a great experience.
"Kuya Mario nasa'n po si Sir. Hugo?" Pagkapasok pa lang namin sa malaking gate ay sumalubong na kaagad sa 'min ang malawak na fish pond, may mga kubo sa gitna ng bawat fish pond, marami ring mga puno sa paligid at maayos ang pagkakalandscape ng mga halaman.
"Ayon sila oh sa kubo, kasama sina Don Alexano pati 'yong mga apo n'ya." Nagpasalamat s'ya sa lalaking pinagtanungan n'ya at nagsimula nang maglakad papunta sa nasabing kubo. "Bilisan mo naman, gusto mo ba na buhatin pa kita?" Untag n'ya na ikinairap ko.
"Just wait, go ahead I'll be right beside you." I mumbled and shoo him away, ginawa n'ya rin naman ang sinabi ko't unti-unti akong nabunutan ng tinik nang makalapit na kami sa kubo at makitang nag-uusap si Daddy at Don Alexano, ang isang lalaki na sa tingin ko'y mas bata ng kaonti kay Aeious ay nakatalikod ang kasama nila, kahit nakatalikod sina Barrette, Creed at Aeious ay kilang-kilala ko na sila kahit tindig pa lang, alam kong bagong Montefiore na naman 'to.
Seriously gaano ba sila karami?
"Daddy." Lumingon s'ya sa 'kin at mabilis na lumiwanag ang mukha n'ya at sinalubong ako nang isang yakap. "This is unexpected, ano naman ang naisipan mo't pumunta ka dito? Hindi ba ay ayaw mo na naiinitan ka?" Napanguso ako dahil sa sinabi ni Daddy, sige po ipamukha n'yo pa na maarte ako. "Wala lang, bored na 'ko sa 'tin tas pinilit ako nina Manang at Elias na pumunta dito, that's why." I mumbled, luminga ako sa paligid at wala na si Elias.
"Hija, this is Constantine Montefiore, apo ko, nakababatang kapatid ni Aeious at mas nakatatandang pinsan nina Barrette at Creed." Naglahad s'ya ng kamay sa 'kin at ngumiti, hindi katulad ng Kuya n'ya ay mas magaan ang aura n'ya at mukha talaga s'yang mabait. "Satana." I utter in monotone and smile.
"Do you find it hard living away from your family?" Tanong ko kay Stan, wala na sina Daddy dito sa kubo at kakausapin raw nila ang mga trabahador. "Of course it is hard, but then it's my dream that I'm pursuing, bibihira lang rin ang oppurtunity na makapag-aral sa medical school sa Paris kaya naman grinab ko na." Natigil s'ya sa pagsasalita at napatingin kami sa may pintuan ng kubo nang makita ang pagpasok ni Aeious.
My heart begins to find at the sight, him topless while sweating, mamasa-masa na rin ang buhok n'ya dahil siguro sa pawis. "Stan, tinatawag ka ni Lolo." Aniya sa malamig na boses, sumulyap sa 'kin saglit ang kapatid n'ya bago tumayo at tinapik ang balikat ni Aeious bago n'ya ito nilampasan.
Kaming dalawa na lang, na naman! Natatrauma na 'kong maiwan na kasama s'ya lalo na pagkatapos noong insidente na nasampal ko s'ya baka mamaya bigla n'ya na lang akong gantihan kaya nga sobra ang effort ko na h'wag ulit magtagpo ang mga landas namin sa SCC.
He stood there rigidly and stare at me earnestly that it made me feel more awkward. Sinubukan ko s'yang tingnan pero hindi ko naman 'yon nakayanan kaya nag-iwas ulit ako ng tingin. "Why don't you put on some shirt, Mister?" I asked trying to keep my facade cool, ganyan nga Satana iapply mo ngayon ang laging sinasabi ng Mommy mo sa'yo.
Fake it till you make it, I cheer myself up like a lunatic.
"Why, am I making you feel uncomfortable?" He asked with that same cocky smile he always ask, naalarma ako at halos magpanic na nang humahakbang s'yang palapit sa 'kin. "N-no." Nautal ako at mas lalong lumapad ang ngiti na nasa labi n'ya,
"Really hmm?" Napapikit na lang ako at at halos tumupi na sa kinaupuan ko nang inilapit n'ya pa lalo ang mukha n'ya sa 'kin. Teka lang! Ano bang gagawin n'ya, hahalikan n'ya ba 'ko?
Naestatwa ako at muling napahiya nang pagmulat ko nang mata'y napagtanto ko na kinuha n'ya lamang pala ang t-shirt n'ya na nasa likod ko. Ako na 'yong assuming. "Hindi mo naman naisip na hahalikan kita, hindi ba?" Ilang saglit akong natahimik, hindi makapagsalita at napahawak na lang sa mukha ko nang maramdaman ko ang pag-init ng aking pisnge.
"H-ha? Of course not! B-ba't naman ako mag-iisip ng gano'n?" Pagtatangi ko at dire-diretso nang tumakbo palabas ng kubo, palayo sa kanya.