LENNY HINDI niya inaasahan ang pagyakap ni Ajax sa kaniya. Nabigla man siya ay kakaibang saya ang namayani sa dibdib niya. Nawala ang takot niya dahil sa mahigpit na yakap ng binata. Sana ganito na lang palagi subalit ng may kumatok mabilis siya dumistansiya kay Ajax at napatayo. Sumilip si Nanay Ellen sa b****a ng pinto. "Matutulog ka na ba, Anak? Hindi ka na kakain?" Marahil nagtaka ito dahil umakyat na agad ang binata sa kuwarto. Ngunit imbes sumagot, naging sambakol ang mukha nito. Matalas itong umirap at tumalikod ng higa. "Yes. I'm going to sleep now. Just leave me alone." Pagalit nito sabi. Nagkatinginan sila ni Nanay Ellen, ba't bigla na lang nagmaoy ito kanina lang ang sarap pa ng yakap nito sa kaniya. "Dadalhan na lang kita ng pagkain dito--" suhestiyon niya. "Huwag na. Wa

