LENNY NAULIGAN niya ang komosiyon kaya nagising siya kaagad. Nakita niya agad si Milet na abala sa kusina. Sumilip siya sa labas kung saan napansin niya may mga mang gagawa inaayos ang gate ng bahay. Nilapitan naman niya sa labas si Nanay Ellen. "Good morning po. Sira po ba ang gate?" Bumaling naman ang matanda sa kaniya. "Ay, magandang umaga Lenny. Medyo luma na rin ang gate at si Ajax mismo nag-request na ipaayos ang gate." Tumango-tango na lang siya. Napansin niya na may tatlong mang gagawa ang nasa b****a ng gate at unti-unti inaalis ang lumang gate. Ilan sandali pa ay nagpatulong naman si Nanay Ellen na alalayan pababa si Ajax. Nang makababa ang binata, sambakol ang mukha nito kay aga-aga. "Anak, ngayon ang schedule mo sa therapist mo. Hapon na siguro darating iyon." Paalala n

