AJAX HUMAHANGOS na sumugod siya sa bahay ng magulang ni Lenny. Sakto naman na nasa labas ang Nanay at Tatay ni Lenny habang may kausap na may edad din lalaki. Tila ba nagsasagutan ang mga ito. "Mr. Royale, napasugod po kayo?" tanong ng Nanay ni Lenny na si Aling Leonora ng makita siya. "Si Lenny ho, andito po ba? Dumaan po ba siya rito?" tanong niya agad. Tila naguluhang tumingin ito sa kan'ya at bumakas ang pag-aalala sa mukha nito. "Wala siya rito. Hindi pa siya dumadaan buhat ng dalawin namin siya sa Hacienda, bakit may nangyari ba sa anak ko?" nababahalang tanong nito. Napabuntong hininga siya. s**t! Kung wala ang dalaga rito, nasaan ito? "Hoy, sinasabi ko sainyo kailangan ninyong mahanap ang anak nyong magnanakaw! Hindi ko pa tapos bayaran ang truck ko, mananakaw agad," rekla

