Lenny NAPABALIKWAS siya ng bangon sabay kapa sa dibdib niya. Hingal na hingal siya. Tagaktak ang pawis niya. "Ajax!" namamaos na sambit niya sa pangalan ng binata. "Oh, my god! Lenny, ayos na ba ang pakiramdam mo?" Bigla siyang napalingon sa pinanggalingan ng boses. Si April. Ang kaibigan at ka-trabaho niya. Naguluhan siya nang makita ito. "N-Nabaril ako," wala sa sariling bigkas niya. Tumaas naman ang kilay ni April saka hinampas siya sa balikat. "Anong nabaril pinagsasabi mo? Hindi mo ba maalala ang nangyari?" lukot ang mukhang sikmat sa kanya ng kaibigan. Ano raw? Inikot niya ang paningin nasa isang ward room siya sa hospital. Muli niyang kinapa ang dibdib, ano bang nangyayari? s**t! Ano ng nangyari kay Ajax? sa Kuya Leon niya? "Si A-Ajax," bukambibig niya. "Sino bang Ajax an

