“ROY!” NAGULAT si Margaux nang madatnan niya ito sa sala ng bahay. “What are you doing here? I mean, kailan ka dumating? Bakit hindi mo sinabi sa akin na darating kang bruha ka?” tumitiling wika niya bago sinugod ng yakap ang kaibigan. Kaaalis lang ni Miro para sa isang importanteng meeting sa Lagdameo Holdings. Kahit kasi nag-aaral pa lang ito ay pinamamahalaan na rin nito ang pamamalakad sa kompanya ng pamilya nito, bagaman ang tito nito ang acting CEO. Isinasama siya nito pero tumanggi siya dahil inihahanda na niya ang sarili niya para magtapat dito. Miro had been very honest with her. Nararapat lamang na suklian niya ang katapatang iyon. Kaya hayun siya ngayon at kagagaling lang sa grocery store. She planned to cook for him. Ipaghahanda muna niya ito ng masarap na hapunan bago siya m

