MABILIS na bumaba ng sasakyan si Margaux nang makita niyang nakaparada sa harap ng bahay ni Miro ang sasakyan nito. Dalawang araw na niyang hindi ito mahagilap at maging sa telepono ay hindi niya makontak. Kahit ang mga kaibigan nito ay tikom ang bibig sa kanya. Kunsabagay, ano pa nga ba ang aasahan niya gayong obvious na nasa binata ang loyalty ng mga ito. Hindi lang siya sigurado kung alam na ng mga ito ang kalagayan niya. Kung saan-saan na niya hinanap si Miro, pero hindi talaga niya matagpuan. Hanggang sa maisip nga niyang pumunta sa hacienda sa pagbabaka-sakaling naroroon ito. Pero bigo pa rin siya dahil wala roon si Miro. Tila wala ring ideya ang ninang niya sa away nila ng anak nito. Agad siyang nakapasok sa front door ng bahay ni Miro dahil nakabukas iyon. Nalibot na niya ang firs

