NAPANGITI si Margaux nang sumalubong sa paningin niya ang ilog. Ganoon pa rin iyon, halos walang ipinagkaiba sa ilog na naaalala niya anim na taon na ang nakararaan. Naroroon pa rin ang mga stargazer na halatang alagang-alaga. Ang kaibahan nga lang ay may nakatayo na roong tila lighthouse. Gayunman ay napansin niyang pribado pa rin ang lugar. Mula sa likuran niya ay naramdaman niya ang pagyakap ng pamilyar na init sa katawan niya. It was Miro. Ipinatong nito ang baba nito sa kanyang balikat habang nakapulupot pa rin ang mga braso nito sa kanyang baywang. Bahagya niyang ikiniling ang kanyang ulo at pinagsalikop ang mga kamay nila ni Miro. “This place is so special to me. Naaalala ko na pinasimulan ko ang pagtatanim ng mga stargazer dito noong high school pa lang tayo. `Sabi ko sa sarili

