IPINIKIT ni Miro ang kanyang mga mata at isinandal ang likod sa backrest ng kanyang swivel chair. Napapagod na naman siya; pagod na hindi dulot ng pisikal na trabaho kundi pagod na dulot ng pag-iisip. Okupado na naman ang isip niya ng mga bagay na hindi niya maunawaan at kahit na anong gawin niya ay hindi iyon mawaglit sa isip niya. It was always with him, haunting him even in his dreams. Umungol siya nang bumukas ang pinto at gambalain ng sekretarya niya ang kanyang pagmumuni-muni. “Sir Miro, there’s a lady who wants to see you. She has no appointment, but she’s at the lobby—” “Padaanin mo sa appointment process, you know my rule,” putol niya sa sinasabi nito na hindi nagmumulat ng mga mata. “Okay, Sir.” Lumabas na ito, pero mayamaya lang ay bumalik din ito. “Er, Sir, sabihin ko raw p

