People tend to deny things to make them feel better. Third Person's Point of View "ANONG mayroon kay Luca? Alam kong lahat tayo nag aalala pero..." hindi nalang itinuloy ni Dalia ang kanyang sasabihin. Tumingin sila kay Hel at Kreios na nakatingin pa rin sa may pintuan ng kwarto ni Astrid. "Baka nag aalala lang din kay Astrid." Naglakad na si Kreios papalapit sa may bintana at sumilip doon. May iba siyang kutob pero ayaw niya itong sabihin. "That's how things should be. Malapit sila sa isa't isa. Natural lang na mag alala siya kay Astrid. Isa pa, nasa pangangalaga niya si Astrid habang naandito sila, remember?" Tiningnan ni Hel ang kwarto ni Astrid. Kahit papaano ay gumagaan ang loob niya. Iniisip niya nalang na makikita rin nila agad si Astrid at ligtas ito. Napangisi si Chloe at tum

