I know the truth but I keep on running away from it. HANGGANG ngayon ay hindi ako makapaniwala sa mga nangyari. Alam ko na ang katotohanan pero ayaw itong tanggapin ng utak ko. May kakayahan akong bumuhay ng patay? That's the craziest thing I've heard. Ipinaliwanag na rin sa akin ni Luca ang lahat. Itinago raw nila iyon sa akin dahil alam nila na baka matakot lang ako. Itinago nila ang isa sa pinaka importanteng detalye sa pagkatao ko. Ganoon pa man, ginawa lang naman din daw nila iyon para protektahan ako. Bad people are after me because of my power. Gusto nilang makontrol ang Bodhisattva Eye. Kaya lang, why me? Bakit ako pa? Ang daming taong kayang tanggapin ito at sa tingin ko ay ikatutuwa pa kaya bakit ako? All I want is for my life to be exciting but not to this extent. This not ev

