A few moments ago, she was dead and now you're telling me she's alive? "WAIT, paano nabuhay si Mia?" "Tangina, how can she survive that?" "No, she was dead. Namatay siya matapos niyang tumalon. It's just that...after a few minutes, she was revived." Nagsimula na ang bulung-bulungan ng mga taong nakakita ng pangyayari. Paano nabuhay si Mia? Did I revive her? "It was her!" Napatingin kami sa babaeng biglang sumigaw. Tinuturo niya ako. Namumugto ang kanyang mga mata at halatang hindi makapaniwala sa nangyayari. "She was the one who revived Mia!" Lahat ng taong naandon ay napunta ang tingin sa akin. Ako? Ako ba talaga ang gumawa 'non? Pero paano? Bodhisattva Eye Humiwalay ako mula sa pagkakayakap sa akin ni Hunter. Nagulat si Hunter sa ikinilos ko. Tinangka niya akong lapitan ulit pero

