Karina I’M HAVING BREAKFAST in the terrace when I saw Adan. Kaagad na bumilis ang t***k ng puso ko nang makita siyang palapit. May nakahanda ng magandang ngiti para sa akin. I just completely adore that smile. Mukhang masayang-masaya na makita ako uli. Masaya rin naman akong makita siya sa umagang iyon. Hindi ko maalis ang tingin sa kanya. Wala namang duda na guwapo talaga si Adan. Matangkad at maganda ang tindig. Parang modelo na naglalakad sa runway kahit na simpleng kulay-abo na T-shirt at maong na pantalon lang ang suot. Hinila niya ang upuan sa tapat ko at naupo. “Good morning,” ang masigla niyang bati sa akin bago kinawayan ang server. Kaagad iyong lumapit at inabutan siya ng menu. “Hi,” ang ganting-bati ko. “Did you sleep well?” ang kanyang tanong habang abala sa menu. “Yep.

