bc

The Loveteam

book_age18+
866
FOLLOW
3.0K
READ
fated
scandal
goodgirl
sweet
bxg
lighthearted
city
actor
actress
like
intro-logo
Blurb

They met in Italy. Parehong burned-out sa trabaho at buhay. They need alone time to think and to have a little peace.

Pareho silang mga sikat na artista sa Pilipinas. Parehong parte ng sikat na loveteam. Hindi nila inakala na ma-attract sila sa isa't isa. They didn't plan to be together in that trip. Palagi lang nilang natatagpuan ang isa't isa. So they decided to be alone together.

It's like they are meant to find each other. To fall in love with each other.

Pero may katapusan ang bakasyon. Pag-uwi ng Pilipinas ay kailangan nilang manatili sa kani-kanilang mga ka-loveteam.

Ano ang mangyayari sa pag-ibig na nabuo at mabilis na lumalago?

chap-preview
Free preview
1
Karina “WE’RE DONE FOR the day.” Nakahinga ako nang maluwag nang marinig ko ang mga salitang iyan. Sa wakas. It had been a very long day. Halos twenty-four hours na akong nagtatrabaho. Kailangan ko na ng pahinga. I want my comfy bed. I want my soft pillows and sheets. My van had been one of the most comfortable vans ever created for a celebrity. Mayroon din naman akong komportableng bed doon. Malalambot ang mga unan at kumot. It does the job. But I still need the comforts of my own room. Gusto kong mapag-isa. Gusto ko ng katahimikan at kapayapaan. I can’t really take a rest and recharge if I don’t spend a long time in my own room, lying in my own bed. “Puwede na tayong umalis?” ang tanong ko kay Michelle, ang aking personal assistant. Abala siya sa pagliligpit at pag-aayos ng mga gamit ko. Nagpasya akong tulungan na lang siya para mas mapabilis. “Opo, puwede na po tayong umalis.” Isinukbit niya ang malaking tote bag sa balikat at inabot sa driver ang iba pang bag. Siniguro kong nakapagpaalam ako nang maayos sa direktor at mga importanteng staff na hindi dapat mabalewala kahit na pagod na akong talaga. I have to maintain a smile even though I’m not really feeling it. I’m tired. I just want to get out of there. Ako si Karina, isa sa mga pinakakilalang aktres sa Pilipinas. Seven years old lang ako nang magsimula ako sa ganitong trabaho. Nag-audition ako sa isang role para sa isang primetime teleserye. Napili ako at doon na nagsimula ang lahat. Isa ako sa mga pinakakilalang childstar. I was good. I was a natural, ang sabi ng marami. Kinagiliwan ng lahat ang husay at cuteness ko. Naging paborito ako ng maraming direktor at kapwa artista. I’ve done many movies and shows. I’ve endorsed products. I was so loved and adored. Until puberty struck. Puberty wasn’t very kind to me. I went through an awkward phase. A very, very awkward phase. I gained weight. I seem to stop growing. Hindi ako tumangkad, lumalapad lang. I had a severe acne problem. My self-confidence was nearly non-existent. I had to stop appearing on TV for about two years because no one wanted me anymore. I was no longer cute and adorable. My talent was negligible. TV was for beautiful people, I have realized that early. Suddenly, I was a has been child star. I didn’t think I was ever coming back. I love acting but I have just realized then that the world was too cruel for a non-childstar. But my mother was very insistent. She sent me to the best dermatologist, though we can’t really afford that at the time. I had to starve and work out. I had to deal with my weight and appearance issues. Going through puberty is not a pleasant memory. Pero gusto ko pa ring ipaalala sa sarili ko paminsan-minsan. Hindi ko gustong makalimutan ang lahat ng mga pinagdaanan ko. Gusto kong alalahanin kung saan talaga nagsimula ang “tagumpay” na tinatamasa ko sa kasalukuyan. I worked hard to land a role in a most-anticipated primetime series almost ten years ago. I played the role of the teen version of the female lead. I was still a natural, many people realized after the first episode. I am wanted and adored again. “Karina, hey! Wait up!” Natigil ako sa paglalakad. I was close. Kaunti na lang ay nakasakay na sana ako sa van. Bakit hindi ko binilisan ang mga hakbang ko? Napapabuntong-hininga na nilingon ko ang pinanggalingan ng pamilyar na tinig. I plaster my usual happy smile. If someone looks closer to my eyes, they will know what I’m really feeling inside at the moment. I really wanna go home, ang aking daing. “Jaime, hi,” ang sabi ko sa halip. Banayad akong hinila ni Jaime at ipinaloob sa mga bisig. “Take care. `Bye.” Nagpasalamat ako na kaagad din niya akong pinakawalan. Sa loob ng ilang sandali ay pinagmasdan ko lang ang mukha niya. Soft and gentle. His eyes are adoring and his smile is sweet. He looks like a man smitten and in love with me. He is good with this kind of act. It’s the only thing he can pull off really well. I know that we look like a perfect couple from a distance. I know what other people would see. I know there is a camera taking pictures or a video. This seemingly innocent sweet gesture is all an act. It’s going to be all over social media before I even get home. Ipinaalala ko sa aking sarili na parte iyon ng trabaho. I signed up for this. Ginusto ko ito. Pagtiisan ko. A huge part of me wants to rebel. I want to scratch his beautiful face, claw his eyes out. I want to scream in frustration. I want to just walk out of there. But I stay rooted instead. My smile didn’t waver. My face shows no sign of distress and frustration. My body isn’t even tensed and tight. “Ikaw rin. `Bye,” ang nagawa ko pang itugon. Sometimes, I just got to admire my endurance. Lumawak ang ngiti ni Jaime. Humakbang uli siya palapit sa akin. Hindi ko pinagbigyan ang kagustuhan ng katawan kong umatras palayo sa kanya. I just let him do his thing. It had to be done, I just told myself. Ipinikit ko ang aking mga mata nang hagkan niya ako sa noo. I close my eyes not because I like being kissed by him, it’s the opposite. I count the seconds. It’ll be over soon, I promise myself. This is just like a shoot. It just took a few seconds but it felt forever. Nginitian niya akong muli bago tumalikod. Naghintay muna ako ng ilang sandali bago ko nagawang gumalaw. Ibinagsak ko ang aking katawan sa upuan at kaagad na ipinikit ang mga mata. Naramdaman ko ang pag-andar ng sasakyan. I’m finally done for the day. Hindi nga lang ako ganap na makahinga nang maluwag. Mahirap ipaliwanag ang aking nararamdaman sa kasalukuyan. Parang may kung ano sa aking kalooban na gustong kumawala. Parang sasabog pero hindi kaya hindi ma-relieve ang pressure. Hindi ko alam kung ano ang gagawin sa ganoong pakiramdam. Nagmulat ako at tumingin sa may bintana. Madaling-araw kaya mabilis ang biyahe. Mukhang payapa ang lungsod. City lights glint beautifully. Parang ang lawak ng mundo, pero pakiramdam ko ay nakakulong ako. “Paano ako makakawala?” Wala sa loob na nanulas ang mga salita sa aking bibig. “Po?” Napatingin ako kay Michelle. Nangungunot ang kanyang noo. Mukhang ipinagtataka ang narinig mula sa kanya. Ngumiti ako bilang tugon. Kahit na hindi ko nakikita ang sarili ko sa kasalukuyan, alam ko na puno ng lungkot ang ngiting iyon. Wala na akong enerhiya para magkunwari pa. Isa si Michelle sa mga taong pinagkakatiwalaan ko. Maituturing na talagang isang kaibigan. “I’m fine. Just thinking,” ang sabi ko bago ko ibinalik ang paningin sa bintana. Hindi ko magawang sabihin kay Michelle ang nararamdaman ko talaga. Hindi ko alam. Siguro ay sadyang hindi ko rin talaga maipaliwanag ang mga damdamin. Hindi ko nga maintindihan ang sarili ko, paano pa ako maiintindihan ng assistant ko? “Iniisip mo si Jaime?” Hindi ko nilingon si Michelle pero sumagot ako. “Ayoko siyang pakaisipin.” “Sorry.” Napabuntong-hininga na lang ako. Ngayon ay hindi ko na maiwasang isipin si Jaime. Siya ang aking ka-loveteam. Kaime. Iyon ang bansag sa amin. Ang aming fandom. Jaime played the role of the teenager version of the male protagonist of the primetime teleserye that paved the way of my comeback. Aminado naman ako na hindi ako magiging relevant uli kung hindi dahil sa pagkakapareha namin ni Jaime halos sampung taon na ang nakakaraan. Nakita ng marami ang chemistry naming dalawa. Marami ang kinilig. Kaagad na nabuo ang fandom. Mabilis ang naging dagsa ng suporta. Mabilis ang pagdami ng shippers. Dahil doon, kaagad kaming nagkaroon ng sariling show. At nagtuloy-tuloy sa mga sumunod na taon. Phenomenal. Iyon kami ni Jaime. The Phenomenal Loveteam. Magsasampung taon na pero magkasama pa rin kaming dalawa. Dikit pa rin ang pangalan naming dalawa. Hindi pa rin maaaring paghiwalayin. Ang alam ng madla ay kami rin sa totoong buhay. Hindi naman kami nagsinungaling sa simula. Noong ipahayag naman sa publiko ang pagkakaroon din ng romantikong relasyon sa totoong buhay, totoong may relasyon kaming dalawa. We were a solid loveteam for three years. Perfectly professional. Pero dahil magkasama palagi at dahil na rin sa roles na ginagampanan namin, hindi maiwasan na magkaigihan hanggang sa matapos nang maisigaw ang “cut.” We were both eighteen when we had a real romantic relationship. We were twenty-one when things started to fall apart. Dalawang taon na rin mula nang ganap akong sumuko. Pero hindi iyon alam ng lahat. Ang alam ng madla ay kami pa rin ni Jaime, na mas tumitibay ang relasyon namin habang tumatagal. Marami ang naghihintay ng aming wedding day. Minsan ay hinahanap-hanap ko ang mga pakiramdam, ang pagmamahal. Minsan ay parang gusto kong alamin kung saan iyon napunta. Ano ba talaga ang nangyari sa aming dalawa? Muli akong nagpakawala ng buntong-hininga. Hindi ko gustong pakaisipin ang mga ganoong tanong. Hindi makakatulong. Kakatwa na hindi napapagod sa amin ang mga tao. Hindi nagsasawa sa tambalan. Blockbusters pa rin ang mga pelikula namin. Consistent na mataas ang ratings ng anumang teleserye na pagbidahan naming dalawa. Maraming pagkakataon na nahihiling kong sana ay dumating na ang panahon na maumay na sa amin ang madla. Sana ay makita nila na hindi kami ang perfect couple. Hindi kami fairy tale came to life. “Kailangan mo ba ng bakasyon?” Noon ko nilingon si Michelle. Kaagad kong nakita ang pag-aalala sa kanyang mukha. “Bakasyon?” Tumango si Michelle. “Baka kailangan mo lang mag-recharge, Madam. Masyado kang busy nitong mga nakakaraang buwan. Kailangan mo sigurong ipahinga ang utak mo.” “Hmn.” Aaminin kong madalas kong naiisip ang paglayo. Gusto ko na lang umalis minsan. Bigla na lang. Walang destinasyon, kung saan na lang maisipan. Walang plano. Parang masaya iyon. Parang kalayaan. Pero mas nangingibabaw ang takot at karuwagan. Paano na lang kung hindi ko pala kaya? Ang daming duda. Saan ako pupunta? Paano kung makarating ako sa ibang lugar at hindi pa rin ako masaya? Hindi pa rin ako ganap na malaya? “Bakasyon,” ang pabulong kong sabi sa aking sarili. “Bakasyon lang. Hindi layas.” Iyon ba talaga ang gusto ko? Ang talikuran ang lahat? “Gusto mo bang kausapin ko si Ma’am Anne?” ang tanong ni Michelle. “Banggitin ko na sa kanya?” Umiling ako. “No. It’s fine. Let me do that.” “So magbabakasyon ka?” Mukhang ikinatuwa ng aking assistant ang posibilidad. Sa halos lahat ng bakasyon at biyahe ko ay kasama si Michelle. Sa palagay ko nga ay mas na-enjoy ng assistant ko ang mga biyaheng iyon kaysa sa akin. “Ako na ang bahalang kumausap kay Miss Anne,” ang sabi ko. Hindi na muna niya kailangang malaman ang tungkol sa aking plano. Ayokong madismaya siya kaagad. Si Anne Marquez ang aking manager mula pa noong childstar ako. May reputasyon siya sa showbiz. Starmaker. Na-discover at hinubog niya ang maraming talentado at maningning na artista sa industriya ngayon. Itinatag niya ang pinakamalaking talent agency sa Pilipinas. She’s nearing sixty but she still personally managed me. Iilan na lang kaming personal niyang hinahawakan. Ang karamihan, kasama na si Jaime, ay ipinasa na niya sa ibang managers sa agency. Hindi ako sinukuan ni Miss Anne noon. Naniwala siya sa talent ko. Ang sabi niya sa akin, natural na dumaan ang isang katulad ko sa ganoong phase. Hindi ako maaaring maging childstar habang-buhay. Naniwala siya na kaya kong maging full-blown actress. Ang manager lang yata ang may ganoong paniniwala noong mga panahon na iyon. Si Miss Anne rin ang unang nakakita ng potensiyal namin ni Jaime. Kaagad niyang kinuha si Jaime bilang talent hindi pa man tapos ang shoot naming magkasama. Nag-invest siya sa aming dalawa. Kaya mas na-hype kaming dalawa noon ni Jaime ay dahil na rin sa kagagawan ng aming manager. Naging mahusay rin si Miss Anne sa pagpili ng mga proyekto para sa aming dalawa ni Jaime. Pinagsumikapan niyang makuha ang pinakamagandang deals para sa amin. Nakita niya mula sa simula ang potential at magiging value namin. Name-maintain namin ni Jaime ang kasikatan dahil na rin kay Miss Anne. Hindi naman maituturing na slave driver si Miss Anne. Naniniwala naman siya na kailangan namin ng regular na pahinga. Naniniwala nga lang din siya na hindi dapat pinapalampas ang ilang deals at opportunity. Sa ngayon ay abala pa ako sa maraming proyekto. Patapos na kami ni Jaime sa shooting ng pelikula pero may mga nakalinya pa akong trabaho pagkatapos. Masyado pang busy ang aking schedule. “Nandito na tayo, Madam.” Napatingin ako kay Michelle na banayad akong tinapik sa balikat. Nabatid kong nakauwi na nga kami. Bumaba ako sa sasakyan at tinungo ang daan patungo sa likurang bahagi ng malaking bahay. Kasama ko sa pagkalaking bahay na iyon ang aking pamilya. Halos isang bloke ang sakop ng property. Hindi nga lang kami madalas na magkakitaan. Sa labas ay isang malaking bahay iyon pero ang totoo ay nakatira ako sa kung tawagin ng iba ay “guesthouse.” That “guesthouse” is my home. It is a cabin-type. It’s cute and charming.  Magkakasama na ang living area, kitchen and dining, bedroom at mini-office. Binuksan ko ang cabin at pumasok sa loob. Pansumandali kong pinagmasdan ang paligid. Ang kama ang kaagad na makakapukaw ng atensiyon ng sinuman. Hindi maiiwasan dahil talaga namang malaki iyon. Parang nakahiga sa mga ulap. Iyon talaga ang gusto ko. Gusto kong maging pinakakomportableng kama iyon dahil doon ako naglalagi talaga. It’s my favorite place on earth. Pinakamaliit ang kusina at dining area. May maliit na ref at sink. May coffee machine. Iyon lang naman ang mahalaga. May sofa rin at iyon na ang nagsisilbing sala. I  love that home. It’s small but it’s my own space. I can be me right here. Walang gumugulo sa akin dito. Ako mismo ang naglilinis at nagliligpit. May kuwarto pa rin naman ako sa main house. Mayroong pagkalaki-laking closet. Iyon ang nakikita ng lahat sa YouTube channel ko. Ang main house ang may house tour. Mga kuha sa loob ng main house ang nakikita sa social media. Gusto kong manatiling pribado ang space na ito. Akin lang. Hinubad ko ang sapatos bago sinimulan ang paglapit sa kama. Habang patungo roon ay hinuhubad ko na rin ang mga suot ko. Naka-underwear na lang ako nang ibagsak ko ang katawan sa kama. Hindi ko napigilan ang mapaungol. It’s a little slice of heaven. It’s really like sleeping in the clouds. Sa loob ng ilang sandali ay wala akong kagalaw-galaw. Pikit ang mga mata at pilit na pinayapa ang buong sistema. Ramdam ko ang pagal. Not just physically, also mentally and emotionally. I can’t seem to escape the exhaustion. Hindi ako makatulog. Matagal-tagal na rin mula nang payapa akong makatulog. Hindi ko na yata gaanong maalala kung paano ang matulog nang mahimbing. This can’t go on. Nagmulat ako ng mga mata at binalikan ang lugar kung saan ko na lang ibinagsak ang bag ko. Inilabas ko mula roon ang phone. Naupo ako sa wooden floor at tumawag kay Miss Anne. Ipinagpasalamat kong sinagot niya ang tawag ko kahit na mahahalata na nagising ko siya. “Karina. Is there any problem?” ang sabi niya sa kabilang linya, walang ligoy-ligoy at walang pleasantries. Napangiti ako. Hindi ko maalala ang pagkakataon na lumikha ako ng malaking problema para sa aking manager. Madalas niyang sabihin sa akin na ako ang pinakamabait na talent na nahawakan niya. Siyempre ay nagkaroon naman ako ng bad press. Natsismis din. Nasiraan ang pagkatao. May nasabi na medyo tagilid. Pero in general, maganda ang record ko. Napanatili ko ang imahe ko. Ako ang perfect sweetheart ng industriya. “Wala po, Miss Anne. I just... I just...” Humugot ako ng malalim na hininga bago nagpatuloy. Medyo impulsive pero nabatid kong gusto ko talaga. No, kailangan ko. Hindi ako maaaring magpatuloy na ganito. “I need a vacation.” Nakahinga ako nang maluwag nang magawa kong iusal ang mga salita. Hindi kaagad nakasagot si Miss Anne. Mukhang ipinoproseso niya ang aking hiling. “Karina—“ “Please?” Natahimik si Miss Anne sa kabilang linya. “I need it. Badly. Two weeks. Give me two weeks.” Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya sa kabilang linya. “Saan?” “Italy.” Ikinagulat ko ang bilis ng sagot ko. I’ve never been and I’ve always wanted to go there. “Italy?” Mukhang na-stress bigla si Miss Anne. “Please?” Mas may pagsamo ang aking tinig sa pagkakataon na iyon. Muling napabuntong-hininga si Miss Anne. “Okay. I won’t promise anything, but I will do my best.” It is good enough for me at the moment. Kapag sinabi niya na pagsusumikapan niyang maibigay sa akin ang gusto ko, gagawin niyang talaga. “Thank you.” “We will talk. I’m sure pagod ka mula sa shooting kaya magpahinga ka na muna. Mas pag-uusapan natin ang tungkol sa bagay na ito bukas.” Alam kong umaasa siya na magbabago ang takbo ng isip ko kapag nakapagpahinga na ako, kung naitulog ko na. Inaasahan ko rin naman na kakausapin niya ako nang husto tungkol doon. Pipigilan o ipagpapaliban na muna. Pero tiwala rin naman ako na mapagbibigyan ako kung magpupumilit talaga ako. Kumbinsido ako na ipagpipilitan ko ang bakasyon. “Okay. `Bye.” Binalikan ko ang kama pagkatapos naming mag-usap. Nang ipikit ko ang aking mga mata sa pagkakataon na iyon ay hinila na ako ng antok.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.6K
bc

His Obsession

read
104.4K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook