"Ayaw mo ba talagang maligo?" tanong ni Shaun sa akin, kapagkuway binuksan ang pinto ng banyo. Kararating lamang namin mula doon sa damuhan, at heto siya kanina pa nagrereklamo na kesyo daw nangangati daw ang kanyang balat, hinubadhubadan ko pa raw siya, eh, wala rin namang nangyari. Kanina pa siya ganyan, nagdadabog, at nakabusangot ang mukha. "Okay lang ako, sige na maligo ka na." "Fine!"ikling saad niya sabay sara ng pinto padabog. Napaupo ako sa kama kasabay ng mga alalahaning nag uunahan sa paglandas sa aking isipan. Kumawala ang buntong hininga sa aking dibdib marahil ay dahil sa bigat ng aking naramdaman. Heto siya, ang lapit lapit niya sa akin, nayayakap ko siya't nahahawakan, ngunit pakiramdam ko ay ang layo pa rin ng agwat namin sa isat isa. Anak siya ng liwanag, na may tak

