"Miguel, bakit mo ako mahal?" tanong ko sa kanya. Kasalukuyan kaming nakatanaw sa bilog na buwan, habang nakahiga sa damuhan. Nakaunan ako sa kanyang dibdib kung kaya dinig na dinig ko ang t***k ng kanyang puso. Ang sarap lang sa pakiramdam, buong buhay ko hindi ko hinangad na mahulog sa kapwa lalaki ko gayong hindi naman ako bakla. Sa totoo lang diring diri ako kapag may nakikita akong magkasintahang kapwa lalaki noon. Hindi ko maunawaan bakit posibleng mahulog ang isang lalaki sa kaparehong kasarian nito, pero ngayon alam ko na. Ang pagmamahal ay walang pinipiling kasarian. Wala itong pinipiling edad o ano, basta mo na lamang maramdaman na mahal mo na pala ang isang tao, at kahit anong pilit mong tanggi ay mas lalo lamang lalala ang lahat. Marahil nga ay walang makakapigil sa pagtibok

