______________ "So...ano ang point ng lahat ng to?"ngunot kilay niyang tanong. Hindi ako nakasagot. Ano nga ba ang point ng lahat ng ito? Hindi ko alam. All I know ay parang pinagtaksilan niya ako. Sabi niya gusto niya ako, pero paano niya magawang makipaglumpungan sa ibang lalaki gayong mahal niya ako? Stupido! " Alam mo Shaun, nagsasayang lang tayo ng oras dito." Dagdag niya. "Pwede bang kausapin mo na lang ako kapag hindi na bangag yang pag iisip mo? Hindi kita maintindihan eh. Ang gulo gulo mo! Diyan ka na nga!"kapagkuway tumalikod at lumakad pabalik sa bar. " No, no! Hindi! Sinong may sabing aalis ka? Hindi pa tayo tapos Miguel! Huwag mo akong talikuran!" malakas na sigaw ko sa kanya. Tumigil siya sa paglalakad at humarap sa akin. Nakikita ko ang inis sa kanyang mukha. "Ano na n

