Mabilis lumipas ang mga araw, at mag tatlong linggo ng nakakasama ko si Miguel. Ikinatutuwa ko naman ang kanyang presensiya. Tila ba ay nagkaroon ako bigla ng kaibigan, kapatid, o ano pa man. Ang bawat araw ng aming pagsasama ay puno ng saya. Kahit na punong puno ng kabalastugan ang damuhong iyon ay hindi ko magawang magalit dito. Isang pakyut lang niya sa akin ay talaga naman kasing bigla na lamang maglaho ang inis ko para sa kanya. Sa loob ng mga linggong lumipas ay ibayong pag aalaga ang kanyang ginawa sa akin. May mga panahong ipagluluto niya ako ng pagkain tuwing kami lang dalawa. Minsan rin ay iminamasahe niya ako kapag napapagod kaming dalawa sa mga gawaing bahay, at marami pang iba. May mga tagpong akoy nagtatanong sa aking sarili, kung crush ba ako ng lalaking iyon dahil panay

