" Brad?! Anong nangyayari sayo?!" Ang nababahalang tanong ko nang madatnan ko siya sa loob ng banyo. Nanginginig ang hubad niyang katawan. Kasalukuyan siyang naghilamos sa sandaling ito. Nakita ko ang gulat na gulat niyang reaksyon nang lumingon siya sa aking gawi. Mas lalong nadagdagan ang pagngunot ng aking noo nang makita ko ang dungis ng preskong dugo sa kanyang bibig. Tumutolo ang dugong iyon paibaba sa kanyang leeg. "Napaano ka, brad?!" Ang nahihintakutan kong tanong. Hindi ko inaasahan na maabutan ko siyang ganoon. "Okay ka lang ba?! Bakit ganyan ang hitsura mo?! May masama bang nangyari sa iyo?!" ang sunod sunod na nag alalang tanong ko sa kanya. Ngumiti si Miguel sa akin ng kaunti, ngunit halata sa akin na hindi siya mapakali. Naging malikot ang kanyang paninging iiniiwas sa aki

