"Ahhhhh!" ang nanggagalaiting sigaw ng kanilang pinuno. Galit na galit parin ito hanggang ngayon, dahil natakasan sila ng mga traydor. Bagamat itinuring niyang matalik na kaibigan si Virgie, kung kaya ganoon na lamang ang pagkamuhi niya gayong pinagtaksilan siya nito. At isa pa, nangangamba siya sa maaring sapitin nila kapag malaman ng mga taga ibang nayon na mayroon pang natitirang kagaya nila matapos ang digmaan noon. Tanging ang lungsod ng Sindangan lamang ang nakakaalam tungkol sa kanilang lahi, ngunit panatag siyang hindi sila ipapahamak ng mga tao sa naturang bayan sapagkat may kasunduan silang hindi manggugulo sa lungsod. Ang totoo nga niyan ay aktibo ang kalakalan ng dalawang magkaratig na teritoryo na nagaganap lamang sa bawat hangganan ng magkadikit na lupain, ngunit wala ni

