Naglagay ako ng lipstick sa aking labi. Bright red iyon para bumagay sa maputi kong balat. Naglagay na rin ako ng iba pang kolorete sa mukha. First day ko ngayon bilang secretary ni Gael. Siyempre ay kailangan pak na pak ang itsura ko. Sobrang gwapo ng boss ko kaya’t dapat papantay din sa kanya ang sekretarya niya. Nakasuot ako ng itim na miniskirt at formal top tulad ng mga kadalasang suot ng secretary. Nag-high heels din ako at iniwan kong nakalugay ang aking buhok tulad ng mga pangkaraniwang p*kpok look ng mga secretary sa boss nila. Kadalasan kasi ng mga napapanuod ko sa pelikula ay ganoon para maakit nila ang boss nila. Advantage ko na lang ay jowa ko ang boss ko kaya’t kaunting pa-cute lang kay Gael ay siguradong uungol kaming dalawa. Ang dami ko na ngang naiisip na gagawin namin

