bc

Treacherous

book_age18+
4.2K
FOLLOW
36.1K
READ
sex
comedy
bxg
humorous
witty
office/work place
betrayal
lies
secrets
sassy
like
intro-logo
Blurb

Sa ilang beses na naloko si Tamara noon dahil sa mga walang kwentang lalaki ay isinumpa niya sa kanyang sarili na hinding-hindi na siya papayag na magpabihag at magpaloko pang muli. Kilala si Tamara ng mga tao dahil sa pagiging maantukin nito dala na rin ng kanyang trabaho sa gabi. Snob rin siya sa mga kalalakihan at palaban. It was her defense mechanism to protect her heart from hurting again. But everything changed when Jayden Suarez, the gay owner of the restobar where she was working suddenly started expressing some feelings towards her.

Will she be able to hold her heart and prevent herself from falling again? Will she take the risk of loving a gay and will it end up differently from the straight guys she loved before? Will she still believe in love even after all of the treacherous men who hurted her?

chap-preview
Free preview
Simula
Siniksik ko ang aking mukha sa kanyang kili-kili at inamoy iyon. Napakabango naman. Kahit buong gabi siyang palakad-lakad sa restobar ay wala manlang akong naamoy sa pawis niya. I can even smell his new perfume which I actually liked more than the one he was using months ago. “Bakla, anong secret mo? Bakit ang bango mo pa rin kahit buong gabi kang nasa restobar? Nakakaadik ka!” wika ko. Nginudngod ko pa ang aking mukha sa kili-kili niya. “How many times do I have to tell you to stop calling me that? Call me by my name. Call me Gael,” he murmured. Hindi ko pinansin ang sinabi niya. “Pero grabe talaga, ang bango mo. Partida pa na medyo pawis ka ngayon pero ang bango mo pa rin.” Halos gusto kong kagatin ang balat niya. Nanggigigil pa rin ako sa kanya! Maingat niyang inangat ang ulo ko para makaunan ako sa kanyang braso. When I’m already comfortable, he moved closer to me and hugged me tight. Ramdam ko ang matipuno nitong dibdib sa aking hubad na katawan. He covered our body with blanket but I removed it instantly. “Mainit, bakla!” reklamo ko. Bahagya itong humiwalay sa akin para samaan ako ng tingin. Seryoso ang kanyang mukha, malayo sa mapaglaro at mapang-asar na Jayden na kilala ko. Minsan talaga ay nagugulat ako kapag nagiging ganito siya sa akin. Hindi naman siya ganito noon. Jayden and I were close but not up to this extent na madalas may mangyayari sa amin at kakalimutan namin ang katotohanan na bading siya. Sa kanya ko nga napatunayan na wala talagang makakatanggi sa alindog ko. Imagine, pati bakla ay napatuwid ng ganda ko! “I said call me Gael,” seryosong sabi nito. Hindi ko napigilang mapasimangot. “Hindi ako sanay, okay? Saka hindi ka naman nagrereklamo noon kapag bakla ang tinatawag ko sa’yo ah? Ngayon ko nga lang nalaman na may second name ka pala. All this time, I only knew that you’re Jayden Suarez. Mas sanay pa ako sa Jayden kaysa sa Gael.” Huminga ito nang malalim at napailing. “Sanayin mo ang sarili mo. I want you to call me by my name especially when we’re alone together,” mahinang sabi nito. “Ako ang masusunod kung ano ang gusto kong itawag sa’yo. Huwag ka na ngang magreklamo riyan. Baka gusto mong kurutin ko iyang braso mo,” banta ko dito. Kunwari lang naman iyon. Hindi ko naman tototohanin. Tinatakot ko lang pero sigurado naman akong walang effect sa kanya iyon. Muli itong napailing saka niya ako niyakap. Kasabay niyon ay ang pagpikit ng mga mata niya. “Matulog ka na nga lang. Ang tigas talaga ng ulo mong babae ka,” pagsuko nito. Napangisi ako. “Ikaw din, bakla. Ang tigas din ng ulo mo…” asar ko dito. I heard him chuckled before he hid his face on my neck. Hindi na ito muli pang sumagot sa akin. Mukhang tinulugan na ako. Pinilit kong makatulog habang nakahiga sa tabi niya pero naisip ko na ata lahat ng dapat kong isipin ay hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Hindi ko alam kung gaano na ako katagal na nakatunganga doon hanggang sa mapagpasyahan kong tumayo. I slowly removed his hands on me. Malalim na ang tulog nito at hindi manlang siya gumalaw kahit tuluyan na akong nakaalis sa tabi nito. Mukhang napagod ko siya nang bongga ha! Pinulot ko ang kanyang damit na nasa sahig saka sinuot iyon. Kinuha ko na rin ang iba pang nagkalat sa sahig at maayos na tinupi saka inilagay sa katabing lamesa ng higaan. Lumabas ako ng kwarto niya. Kasalukuyan kaming nasa condo niya. Madalas ay dito talaga kami lagi nagpupunta kapag natapos ang trabaho ko. Halos dito na nga ako natutulog at umuuwi na lang ako para maligo, kumain at maghanda para pumasok. Dahil panggabi ang trabaho ko ay isa na ako sa waitress na umaabot ng closing. Pagkasara ng restobar ay dito kami dumidiretso ni Gael. Minsan para magpahinga, madalas para mas magpagod pa. Dumiretso ako sa kusina niya para maghanap ng kahit anong maiinom na makakapagpaantok sa akin. Kailangan ko na rin kasing makatulog dahil maaga pa ang pasok mamaya. Madaling araw na at tiyak na tulog na naman ako sa klase nito. Wala namang bago doon. Ang mga kaibigan ko na ang bahala sa akin. Aware rin naman ang mga professor ko na working student ako. Basta ang mahalaga ay nakakapasa ako sa mga exams at nakakapag-comply ng requirements ay ayos na sa kanila. Nakakita ako ng isang wine na nakadisplay sa kusina niya. Pinili ko ang may kaunting laman para hindi niya mapansin na binawasan ko iyon. Kaunti lang naman. Hindi naman ako magpapakalasing. Nagsalin ako sa baso saka naglakad-lakad sa sala habang sumisimsim doon. The condo unit looked bland at noong unang beses nga akong nakarating dito ay hindi ko inaasahan na ganito ang itsura ng unit niya. I already expected it to be filled with a lot of things such as appliances and some gay stuff but no. Pagkakita ko ay napaisip ako kung bakla ba talaga o lalaki ang nakatira dito. Ngunit kapag naaalala ko kung paanong mas maarte at mas maldita sa akin si Gael ay nawawala ang pagdududa ko sa sarili ko. Nagbabago lang naman ang attitude niya kapag nag-iinit kami parehas o kapag kaming dalawa lang ang magkasama. Kapag nasa labas kami at may mga kasama ay baklang-bakla ito kumilos at manalita. He looked like a straight guy from the outside pero sa oras na makausap na siya ay mawawala talaga ang pagdududa. Nanliit ang mata ko nang may mapansin akong isang frame na tila sinadyang ilagay sa dulo upang hindi mapansin. Kinuha ko iyon at tinitigang maigi. Larawan iyon ni Gael but something was very different in him. Meron siyang bigote at balbas doon. He even looked so manly in that picture. I couldn’t believe my eyes. If I had not known that he’s gay, iisipin ko talaga na matikas siya at talagang lalaking-lalaki. My heart started beating rapidly out of nowhere. Bakit naman ang hot niya kapag may facial hair?!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.2K
bc

His Obsession

read
72.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
92.2K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook