Nagsimula ang panunuyo niya sa akin. When I asked who was in charge in the restobar now that he was spending some time here in Manila, he only answered that Jayden decided to come back and informed everyone about some of the truth especially about his accident. Of course, ni-left out na ‘yung tungkol sa pagpapanggap ni Gael bilang si Jayden dahil masyadong personal na iyon at talagang pinangangalagaan pa rin ang pribadong buhay nilang pamilya. Saka may katulong naman daw si bakla roon. May afam palang nabingwit sa ibang bansa ang bakla kaya ‘yan. Inspired bumalik ng Pilipinas at bumalik ng trabaho. It greatly helped him to recover also based on Gael. Gabi-gabi ay dumadalaw siya sa building ng condo namin. Hindi ko nga alam kung nakakahalata na ba ang mga kasama ko dahil maaga pa lang ka

