Kabanata 94

1210 Words

Nagising na lang ako sa isang mabango at malinis na kwarto. Parang ayoko pa ngang bumangon dahil sobrang lambot ng kama. Maging ang comforter na nakabalot sa akin ay sobrang sarap sa balat. Kung hindi ko lang naalalang na-kidnap ako ay baka bumalik pa ako sa tulog. Napatayo ako nang maalala ang grocery. Tatakbo na sana ako papunta sa pinto para patumbahin iyon nang makita ko sa gilid ng higaan ang mga grocery na inutos sa akin ni Nanay. Medyo nakahinga ako nang maluwag dahil doon. Mas sasama ang loob ko kung na-kidnap na nga ako tapos naiwan ko pa ang grocery. Baka mas matakot pa ko sa bagsik ng galit ni Nanay kaysa sa kidnapper ko. Kinapa ko ang sarili ko para tignan kung nasa akin pa ang phone at wallet ko. Ganoon na lang ang pagtataka ko nang maramdaman na naroon pa rin sila. Nag-che

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD