Maaga lang natapos ang klase namin sa araw na iyon. First day pa lang naman kaya puro introduction pa lang ang ganap. May ibang prof nga na hindi pa nagpakita. Siguro by next week pa talaga tuluyang magsisimula ang lesson proper dahil ang first week ay para pa ‘yan sa pagbuo ng mga sections. On-going pa ang enrollment kaya’t hindi pa final ang masterlist. Baon ko na ang uniform ko kaya naman pagkarating ko sa restobar ay nagpalit ako at nagpahinga saglit. Ngayong Lunes, alas-dies ng gabi hanggang alauna ng umaga ang duty ko pero tuwing TTH ay closing ako hanggang alas-kwatro ng madaling araw. Alas-otso pa lang ngayon kaya medyo nagpapalipas muna ako ng oras. Kakatapos ko lang din kasing kumain sa karinderya sa labas kaya’t busog pa ako. Ilang minuto lang ay nakaramdam ako ng antok kaya’t

