Nang makarating kami sa Manila ay bumiyahe pa kami ng dalawang oras para makarating kami ng Tagaytay. I can’t contain my happiness while we were travelling to the place. Lalo na noong nakikita ko na ang view ng Taal Lake at ng Taal Volcano. “Ilang beses ka na bang nakapunta rito?” excited kong sabi. Pinaghalong takot at saya ang nararamdaman ko sa tuwing may nadadaanan kaming zigzag. Sabi niya nga kanina ay mas malala pa ang mga ganito papuntang Baguio. Parang gusto kong ma-experience! “Well, bilang pa lang ang beses na nakapunta ako rito para sa bakasyon. Most of the reasons I was here was for work then instead of staying in a hotel, sa resthouse na ako tumutuloy. We will also stay there today and tomorrow.” Tumango-tango ako sa kanyang sinabi. “Kapag work, kasama mo ang secretary mo

