Tinotoo ko ang sinabi kong iyon kay Sir Jayden kaya naman sa huling araw namin dito sa Pagudpud ay nakihalubilo na lang ako sa mga ka-team ko kahapon. Umaga pa lang ay sila na ang kasama kong mag-almusal. I let myself loose as I opened myself to them. Kahit papaano ay magaan ang loob ko sa kanila dahil masaya kasama at nakakasabayan nila ako sa kalokohan pero siyempre, ako pa rin ang nangunguna. Sinubukan namin lahat ng activities doon dahil tulad nga ng sinabi ni Sir Jayden, bayad niya ang lahat ng amenities dito at parang may unlimited ticket kami para masubukan ang lahat ng offers sa resort. Dahil iisang grupo kami, sinubukan kaagad namin ang banana boat. Mayroon din doong scuba diving, parasailing at zipline. Sobrang enjoy talaga at kahit papaano, bawing-bawi ang ilang araw na pagp

