Sobrang ganda talaga ni Ms. Sue. Sobra akong na-starstruck sa kanya noong siya mismo ang bumungad at nag-tour sa amin sa Seviah. Bilib na talaga ako connection na meron si Eva. Si Alana naman, ang condo unit na tinitirhan namin ang nag-provide habang si Shienel naman sa nakaraang grocery. Ako, heto, ganda lang at kwento ang ambag. Hindi kasi talaga ako gumagastos masyado. Hangga’t kaya ko ay binuburaot ko muna sila Shienel. Mabuti na lang talaga at mababait at understanding itong mayayaman kong friends. Kapag talaga yumaman ako, sisiguraduhin kong babawi ako sa kanila. Bibigyan ko sila ng regalo araw-araw kahit hindi nila birthday. Ewan ko na lang talaga kung hindi pa ako makabawi kapag ganoon. Abala ako sa mga utos sa akin sa department ko. Siyempre bait-baitan ako sa visor namin. Mab

