Hindi naging maganda ang pagtanggap nila Jayden at Tita sa ginawang pag-amin ni Tito. Reasonable naman kung magalit sila dahil maling-mali naman talaga ang mga piniling desisyon ni Tito. Hindi sila galit dahil sa pagiging bakla nito. Sumama ang loob nila dahil sa mga bagay na nagawa nito para lang maitago ang sikreto niya. Imagine? He cheated and broke his marriage to his wife without even telling her truth. Tutal ay maghihiwalay na, sana manlang ay inamin na niya ang lahat para isang bagsakan na lang. Tapos kay Jayden naman, sana noong umamin na si Jayden na bakla siya at nang makita niyang tanggap naman siya nila Tita at Gael ay nagkaroon na siya ng lakas ng loob na magsabi ng totoo. Ewan ko ba talaga kay Tito. Kung nabuhay lang siguro ako sa mga panahon na ‘yon ay baka nakaltukan ko

