Tuwang-tuwa si Shienel dahil sa sinabi ni Sir Jayden. Kaagad itong nagtawag ng waiter at umorder ng limang bote ng matatapang na alak. Nakita ko ngang napalipat ng pwesto ng pagkakaupo si Kuya Adam nang dumating ang dalawang waiter na dala ang bote ng mga alak. Maging ako ay napalunok kung kakayanin ba namin ‘yan. Ang hindi na lang siguro mabubuksan ay ibabalik na lang ulit. Bruha talaga itong si Shienel eh. “Siya pala si Sir Jayden! Sure ka bang beki ‘yan? Parang lalaking lalaki naman siya girl!” kinikilig pang bulong sa akin ni Shienel. Napangisi ako nang maalala ang mainit na tagpo namin ni Sir Jayden. Kita kong naniningkit ang mata ni Shienel nang makita ang reaksyon ko. Kaagad niya akong pinaulanan ng hampas. “May hindi ka kinukwento! Ano ‘yan? Bakit parang kinikilig ka na natatae?!

