“Sa wakas, graduate na tayo!” sigaw ni Shienel. Nagyakapan kaming apat. Sino ba namang mag-aakala na makakasabay namin si Alana na makaka-graduate on time? Sa huling taon namin ay totoo namang hindi na ganoong kahirap ang mga subjects pero kalaban na kasi namin ang katamaran namin noon. Dahil nga sa easy easy na lang ay mas lalo kaming tinamad na mag-aral. Mabuti na lang talaga at nagawa kaming makumbinsi ni Alana na mag-aral para makatapos kami on time. Nakatapos si Alana ng may honors. Siyempre ay sobrang proud kaming tatlo sa kanya. Kahit napapalibutan siya ng mga tamad ay hindi siya nagpatalo sa amin at mas inangat niya pa kami. Sobrang deserve niya talaga kung ano ang tinatamasa niya ngayon. Mukhang happy rin ang puso niya dahil sa mystery boyfriend nito na never pa naming na-meet.

