Tinuro ko ang bahay namin kay Sir Jayden. Sinabihan ko na nga siya na hindi naman niya kailangang gawin ito pero pinilit na niya. Hinayaan ko na lang din dahil baka hindi siya makatulog kapag mag-isa pa rin akong umuwi matapos niya akong madatnan sa ganoong sitwasyon. Napailing ako. Hindi naman niya kailangan na mag-alala dahil kaya ko naman ang sarili ko pero na-appreciate ko naman. Infairness ha! May concern pala siya sa akin! Matapos niya akong ipagtulakan palayo palagi ay magiging ganito naman siya sa akin. Ang arte lang talaga! Ayaw pang bumigay sa akin! Feeling ko naman pareho kaming mag-eenjoy sa isa’t-isa. Ayokong maging committed nang sobra sa isang tao dahil natatakot akong masaktan. I was lucky enough to not experience severe pain from the men who betrayed me pero natatakot a

