PABALIK na sa backstage si Daena nang tumugtog ang ringing tone ng hawak niyang cell phone. Nang makitang si JD ang tumatawag ay inognera lang niya iyon, hinayaang mag-ingay.
But the caller was persistent. Nasa backstage na siya ay patuloy pa rin sa pagtunog ang cell phone. Hanggang sa hindi na siya nakatiis at sinagot na ang tawag.
"Hi, Daena! Busy at work?" sabi ni JD sa kabilang linya.
"Kinda. What's up?" pormal na tanong niya.
Hindi ito sumagot.
"JD?"
"I just want to say that I miss you."
Siya naman ang hindi nakapagsalita. Gustuhin man niyang matuwa sa narinig, nangingibabaw sa kanyang ang pagrerebelde. Aalis-alis ito tapos sasabihan siya nito ng ganoon. She missed him, too. Badly. Kahit halos kahapon lang nang umalis ito.
"You should come back here if you missing me," lakas-loob na sabi niya rito.
"I will."
Bigla siyang nabuhayan ng loob sa narinig. "When?" excited na tanong niya. "I don't know yet. My agent is still negotiating with my team in ABL. There's also a team manager in NBA that wanted me to - "
"Kailangan ko nang bumalik sa trabaho, JD." Pinutol na niya ang sinasabi nito dahil alam na niya ang tungkol doon at ngayon ay inuulit na naman nito ngayon. Hindi pa rin ito nakakapagdesisyon sa susunod na mangyayari sa basketball career nito. Malinaw na hindi talaga nito priority na magtrabaho sa Pilipinas para makasama siya.
"All right. I'll call you again tonight. Bye!" paalam ni JD at nawala na sa kabilang linya.
I'm not gonna answer your call again. Sa isip niya nang magpatuloy sa paglalakad. Dahil lalo lang siyang masasaktan.
"YOUR cousin is quite famous," bulong ni Ethan kay Daena habang ginagala nito ang tingin sa loob ng SMART Araneta Coliseum kung saan gaganapin ang konsiyerto.
"Mr. Ethan Escobar, hindi ka pa rin ba impressed sa success ni Tammy?" nakangiting tanong niya habang magkatabi silang nakaupo sa VIP seats sa front row. "Imagine, almost all the important people in the country were here. Tammy is famous around the world you know that."
"She's larger than life. Baka sa susunod na magkita kami hindi na ako makapagsalita," may bahagyang lungkot sa tinig na sabi ni Ethan.
Bahagyang pinisil ni Daena ang braso ng kaibigan bilang pagsuporta. Totoo ang sinabi ni Daena na halos lahat ng kilalang tao sa lipunan ay naroon magmula sa Vice - Presidente ng bansa hanggang sa pinaka–sikat na award -winning actor and actresses. It was a formal event. Nagkalat ang mga security sa paligid. Namataan pa nila ang mga kaibigan ni Ethan sa kabilang side ng venue. Isang grupo ang mga ito. Sinubukan nilang hanapin ang seats nina Celine at Lance subalit hindi nila nakita ang mga ito dahil na rin sa dami ng tao. Ang dalawa ang magkasama dahil pinakiusapan ni Ethan si Lance na samahan ang nobya nito dahil may hosting event ito na hindi natuloy. Dahil wala siyang escort at libre na si Ethan, niyaya niya itong samahan siya.
"Alam ba ni Celine na nandito ka rin?" tanong niya kay Ethan.
"Nope. She didn't answering her phone when I called her up this afternoon."
Dumilim ang paligid at nagsimula ang konsiyerto.
Nang gabing iyon, pinakita ni Tamara ang talento nito sa pagtugtog ng piano at violin sa libo–libong mga kababayan. Puro standing ovation ang ibinigay ng crowd sa bawat pagtatapos ng piece nito. She also looked like a goddess in her long white gown na creation ni Celeste. Nag-uumapaw ang pagmamalaki niya sa pinsan nang gabing iyon.
"Thank you for bringing me here tonight," bulong sa kanya ni Ethan habang nakatayo sila at kasalukuyan pa ring pumapalakpak. Bakas sa tinig nito ang pagmamalaki.
"You want to see her up close and personal?" Hininubad ni Daena ang suot na ID na may nakasulat na "FULL ACCESS" at ibinigay kay Ethan bago pa ma ito makasagot. "Take this. Go and great her," utos niya.
Kaagad namang tinanggap ni Ethan ang ID at nagtungo sa backstage bago pa man tuluyang matapos ang konsiyerto.
Ngunit ilang minuto pa lang ang nakalilipas ay bumalik na si Ethan. Bakas ang lungkot sa mga mata nito.
"Anong nangyari? Bakit ang bilis mo? Kakaalis lang ng stage ni Tammy, ah," nagtatakang tanong niya.
"It's fine. Masyadong maraming tao. Here's your ID, ikaw na lang ang pumunta sa kanya, gusto mo rin siyang batiin, 'di ba?" Hinubad ni Ethan ang suot na ID at ibinalik kay Daena.
"Mamaya na lang. Pupunta naman ako sa gaganaping party mamaya sa hotel para sa success ng concert. Puwede kang sumama sa akin kung gusto mo."
Mabilis na tumanggi si Ethan.
Paglabas nila ng venue ay nilapitan at pinagkaguluhan din si Ethan ng mga reporters tulad ng ibang mga celebrities na narooon at hiningan ng opinyon tungkol sa katatapos lang na konsyerto. Bahagya rin silang inintriga ang kung bakit sila ang magkasama na pareho lang nilang tinawanan.
MALALIM na ang gabi nang makauwi si Daena mula sa dinaluhang after party celebration ng concert ni Tamara. Inalok siya ng pinsan na sa hotel room na lang nito siya magpalipas ng gabi pero tinanggihan niya dahil may maaga siyang meeting kinabukasan at may kalayuan ang tinutuluyan nitong hotel sa venue ng meeting.
Nang makapasok sa loob ng elevator ay kaagad niyang pinindot ang floor niya. Ilang sandali pa ay nasa palapag na siya at naglalakad patungo sa unit niya. Ngunit nang ilang hakbang na lang mula sa unit ay bigla siyang napahinto at na-shocked sa nakita. Celine and Lance were passionately kissing. Tila walang pakialam sa paligid at kung may makakita man sa mga ito. Biglang kumalas si Lance at may pagmamadaling binuksan nito ang pinto ng unit ni Celine. Hindi pa man naisasara nang husto ang pinto ay muling naghinang ang mga labi ng dalawa hanggang sa tuluyang mawala sa paningin niya.
Ilang sandali muna ang lumipas bago nagawang makabawi ni Daena sa nasaksihan at nagpatuloy sa pagpunta sa unit niya. He was feeling sorry for Ethan. Dalawang importanteng tao sa buhay nito ang nanloko rito.
"GIRL, happy birthday!" nakangiting bati ni Daena kay Celeste nang dumalo siya sa birthday party nito.
"Thank you. Mabuti naman at hindi ka nagkulong lang sa bahay mo tonight," tugon ni Celeste matapos nilang magbeso.
"I need to unwind. Na-stress ako nitong mga nakaraang araw dahil sa trabaho." At sa pag-iisip kay JD. Tatlong araw na ang nakalilipas nang huli siyang tawagan nito at nasa celebration party ng success ng concert ni Tamara siya noon.
Pinanindigan niya ang desisyon na hindi sagutin ang tawag nito. Pero nang hindi na ito tumawag nang mga sumunod na araw ay na-bother na siya. What if nagsawa na itong kulitin siya? Karaniwan nang general topic at mga jokes ang pinag-uusapan nila pero ibayong sigla ang hatid sa kanya kapag narinig na niya ang boses nito. Paano kung tinanggap na nito ang isa sa mga offers dito? Ang ibig bang sabihin noon ay sa tuwing may proyekto na lang ito sa Pilipinas sila magkikita nito?
"I'm sure mawawala 'yan, nandito ang lover boy mo, girl," kinikilig na pagbabalita ni Celeste.
"Sinong lover boy?"
"Who else kundi si JD."
Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. "Si JD Fortez?"
"Mismo."
"How come. Nasa Seattle siya."
"Well, nandito na uli siya. Kasama niya si Richie."
Nagpalinga-linga siya sa paligid ngunit hindi niya ito nakita.
"Maybe he's busy circulating. Basta nandito s'ya. Hanapin mo na lang mamaya." Lumagpas ang tingin ni Celeste sa likuran niya at may kinawayan. "Kuya Robin, Daena is here," sabi nito at itinuro pa siya.
Kaagad na lumapit si Robin sa kanila. "Hi, Daena! It's nice to see you here."
"Likewise." Nagbeso sila nito.
"Have you eaten? Sabay na tayo."
"Hindi pa, Kuya, kadarating lang ni Daena," mabilis na sabi ni Celeste.
Nagpaunlak siya kay Robin. Kumapit siya sa braso nito at nagtungo na sila sa kinaroroonan ng buffet tables at kumuha ng pagkain.
Habang kumakain ay napag-usapan nila ang katatapos lang na concert ni Tamara kasabay ng paglikot ng mga mata niya sa paghahanap kay JD. Ilang kakilala pa ang sumalo sa table nila. Katatapos lang ni Daena sa pagkain nang sa wakas ay matanaw niya si JD kasama si Richie. Galing ang mga ito sa loob ng bahay.
Nagpaalam si Daena sa mga kasalo na magtutungo sa comfort room. Nakangiting sinalubong niya si JD. "Hey, kailan ka pa bumalik?" tanong niya rito.
Halatang nagulat si JD nang makita siya ngunit biglang kumunot ang noo, nag-iwas ng tingin at nilagpasan siya. Buong pagtatakang sinundan na lang niya ito ng tingin.
"May LQ kayo?" tanong ni Richie.
"Ano'ng problema n'on?"
"Ewan, magmula nang bumalik siya rito kahapon ganyan na s'ya. Ang hirap kausapin at laging mainit ang ulo."
Kaagad nainis si Daena sa narinig. Kahapon pala nakabalik si JD hindi man lang siya tinawagan nito. At ngayon ay dinedma pa siya. Puwes, hindi rin niya ito papansinin!
Nagpaalam siya kay Richie at itinuloy na lang ang pagpunta sa comfort room. Paglabas niya ay kinawayan siya ni Betsy. Kasalo nito sa isang tall table ang ilang badminton buddies nila. Kumuha siya ng flute sa nagdaang waiter at naki-join kina Betsy na kasalukuyang nagkakasiyahan. Nang maubos niya ang laman ng flute, napalitan iyon ng isang bote ng San Mig light dahil iyon ang iniinom ng mga kasalo niya sa table. Dahil sa sama ng loob ay mabilis niyang naubos iyon at kaagad ding napalitan. Nasa ikatlong bote na siya nang pasimple niyang hinanap si JD, ngunit sa halip sina Ethan at Lance ang nakita niyang nag-uusap sa isang table. She knew that was the right time to talk to Ethan. Habang may lakas pa siya ng loob na sabihin rito ang nakita niya. Nagpaalam siya kina Betsy at lumapit sa kinaroroonan ng dalawang lalaki.
"Isa pa 'yan pinagseselosan n'ya si Daena, at hindi man lang muna siya nakipag–ayos sa akin bago umalis." Narinig niyang sabi ni Ethan habang papalapit siya sa table ng mga ito. Tila naglalabas ito ng sama ng loob kay Lance ng mga oras na iyon.
"I heard my name. Ano ulit iyon?" aniya nang tuluyang makalapit.
"Pinagseselosan ka raw ni Celine," tugon ni Lance.
"Wow! Ang ganda–ganda ko naman para pagselosan ng isang supermodel," manghang sabi niya.
"Lasing ka na," puna sa kanya ni Ethan.
"I'm just enjoying the night."
"Nakaalis na ba ang pinsan mo?" tanong ni Ethan.
"Noong isang gabi pa po, hindi mo ba napanood sa news?" Nagkibit–balikat ito. "Hindi siya babalik this year o kahit pa sa susunod na taon kung iyan ang gusto mong malaman."
"Bro, totoo bang naging classmate n'yo ni Kuya Fran si Tamara?" curious na tanong ni Lance.
"Yes, and more than that. Pareho nilang first love ang isa't–isa," sagot ni Daena na sinundan pa ng hagikgik.
"Really?" gulat na tanong ni Lance.
"Oh, you didn't know. Naglilihiman na pala kayong magkaibigan ngayon," pasaring niya kay Lance.
"I think you better go home, Daena. Lasing ka na, ihahatid na kita," boluntaryo ni Ethan.
"Killjoy, c'mon let's dance. Gawa tayo ng news para lalong magselos girlfriend mo," sabi pa niya sabay hatak rito papunta sa dance floor. "See you around, Lance. Mamaya mo na ako isayaw, ha?" pahabol pa niyang sabi bago tumalikod.
Nang bahagya na silang nakalayo ay binulungan niya si Ethan. "Come with me, may sasabihin ako sa 'yo." Hinila niya ito, nilagpasan nila ang dance floor at nakarating sila sa malawak na hardin. May mangilan–ngilang ring bisita roon subalit hindi nila pinansin ang mga ito. Pumuwesto sila sa pinakadulong bahagi ng hardin.
"What about it, Daena?" tanong ni Ethan.
"I saw Lance and your girlfriend kissing," walang pasakalyeng sabi niya rito. Sandaling nagulat si Ethan. "Si Lance and Celine?" sabi nito.
"Yes."
"Lasing ka na talaga."
"Tipsy lang ako pero hindi pa ako lasing. I had to be like this para magkalakas-loob akong sabihin ang nakita ko." Humugot nang malalim na hininga si Daena bago nagpatuloy. "I saw them kissing the other night. Magkatabi lang ang unit namin ni Celine, 'di ba? Gabi na akong nakauwi at nakita ko sila sa labas ng unit ni Celine. Para silang walang pakialam kung may makakita man sa kanila sa ginagawa nila dahil ang tagal nila roon sa labas. They went inside the unit later on, and you may think what happened next."
Napailing si Ethan. "That's impossible, Daena."
Hindi ka naniniwala sa sinasabi ko?"
"Hindi magagawa ni Lance na traydurin ako," mariin nitong sabi.
"Nagawa na niya. At bakit naman ako magsisinungaling, Ethan? Matagal na tayong magkaibigan, alam mong hindi ako nag–aaksya ng oras sa walang kuwentang bagay. Concern lang ako sa'yo dahil nagmu–mukha kang tanga sa panloloko ng girlfriend at ng kaibigan mo."
Umiling–iling si Ethan.
"Ang ibig mong sabihin hindi ka niniwala sa sinasabi ko at gumagawa lang ako ng kwento. Ganoon ba?"
"Daena, siguro nagkamali ka lang ng interpretasyon sa nakita mo. O baka hindi sina Lance at Celine ang nakita mo. O baka lasing ka rin noong gabing iyon."
"Sigurado ako sa nakita ko!"
"Impossible."
"Kung ayaw mong maniwala, wala na akong magagawa. Hindi ako magpapakababa nang ganito para lang sa kasinungalingan!"
"I'm sorry, Daena, pero mas matagal kong kaibigan si Lance."
"Huwag kang magsorry sa akin, Ethan. Dahil mas nalulungkot ako para sa 'yo, hindi magtatagal mawawalan ka na ng girlfriend at best friend o kahit pa ako," aniya at iniwan na si Ethan.
Nakabalik na siya sa karamihan ng mga bisita nang si JD naman ang nakasalubong niya.
"What's wrong?" tanong nito.
Sa pagkakataong iyon ay ito naman ang hindi niya pinansin. Dire-diretso siyang lumabas ng bahay. Iti-text na lang niya si Celeste na umuwi na siya.
SUMABLAY ang kamay ni Daena sa pagpasok ng susi sa keyhole. Nang muli niyang iangat ang kamay ay isang isang kamay ang pumigil sa kanya.
"I'll take you home." Napalingon siya nang marinig ang pamilyar na tinig ng isang lalaki. Si JD ang nakita niya. Sinundan pala siya nito.
"Kaya ko ang sarili ko," tanggi niya at pumiksi. Ngunit hindi man lang ito natinag. Naagaw nito sa kanya ang susi, mabilis na nabuksan ang pinto ng driver's seat, at sumakay. Napabuntong-hininga na lang siya at sumakay sa front seat.
"What Ethan did to you?" kaswal na tanong ni JD nang nasa biyahe na sila.
"Nothing."
"But it seems you had an argument."
"It's none of your business," masungit na sabi niya.
Napabuntong-hininga si JD at hindi na kumibo. Hanggang sa makarating sila sa condominium building na tinitirhan niya. Inihatid pa siya nito hanggang sa unit niya.
"Thank you sa paghatid," aniya at pumasok na sa unit niya. Pero sumunod ito sa kanya.
"Hey, I'm sorry for what I did back there." Isinara ni JD ang pinto sa likod nito.
"For ignoring me?" nasasaktang asik niya rito. "Ano bang ginawa ko sa 'yo?!" "Nagseselos kasi ako," pag-amin nito.
"What?Kanino?"
"Kay Ethan. I saw the pictures and the news. You were Ethan's date on Tamara's concert instead of his girlfriend."
Kaagad niyang naunawaan ang sinasabi nito. "Alam mong magkaibigan lang kami ni Ethan. And you were supposed to be my date kung hindi ka biglang nagpaalam sa akin na pupunta na sa Seattle," sumbat niya rito.
"You never ask me. Kung sinabi mo lang nag-stay pa sana ako."
"Can I ask you to stay this time? Magpasa ka ng application for rookie draft please? Gusto kong makasama ka nang mas matagal." She already revealing her true feelings towards him and she can't control it. Kusa na lang lumalabas ang ninanais ng puso niya. Marahil ay dahil sa nakainom siya.
"I will."
Nagulat pa siya sa mabilis na pagsang-ayon nito. "You will?"
"Yes. Even before I went here, I already decided to settle down here. Magpapasa ako ng application for rookie draft. If ever na walang team na kumuha sa akin sa PBA, there were teams in D- League that wanted to get me. I still do modeling. If ever there's something happens that I can't play anymore, my cousins will find a position for me in their office." Hinawakan nito ang kamay niya. "I'll do anything for me to stay in this place with you, Daena."
"Talaga?" Naramdaman niya ang pag-iinit ng kanyang mga mata.
Tumango ito. "Yes. I'll never go far away from you again. I will do anything to keep you." Then he kissed her forehead. Down to her eyelid, to her nose and end up to her lips.
She returned his sweet kiss passionately. Ito ang tumapos ng matagal na halik. "Take a rest now, sweetie," sabi nito habang pinapahiran ang luhang naglandas sa kanyang mga mata. "I'll see you again tomorrow," paalam nito.
Tumango siya. Ilang sandaling mahigpit muna silang nagyakap bago ito tuluyang umalis.