Chapter Nine

1821 Words
"GOOD LUCK with the interview, Tammy.You'll be great," nakangiting sabi ni Daena nang mapagsolo sila ni Tamara sa dressing room matapos maglabasan ng ilang empleyado ng TV network at mga staff at crew na humingi ng autograph at nagpapicture sa pinsan niya. Dumating na sa bansa si Tamara para sa concert nito at masuwerteng pinaunlakan nitong mag-guest sa Today's People. "Thanks, Daena," tugon ni Tamara. "Have you seen him already? Sumilip na ba siya rito?" tanong niya rito. Batid ni Tamara na si Ethan ang tinutukoy niya. "No. Hindi pa, pero mas mabuti siguro kung sa studio na lang kami magkikita." "I'm sure pupunta 'yon dito. Baka may ginagawa pa siya sa dressing room n'ya." Sandali siyang tumigil sa pagsasalita at tinitigan ang pinsan. "Are you okay with this interview, right?" maingat na tanong niya. Sandaling natigilan si Tamara bago tumango. "It's fine, Daena." Nakahinga siya nang maluwag sa narinig. Halos sampung taon din silang nawalan ng komunikasyon ni Tamara. Good thing at nagkaroon ito ng Twitter account. Nag-tweet siya rito more than a year ago at nag-reply naman ito. Later that day ay nag-video call sila sa Skype. Magmula noon ay hindi na naputol ang komunikasyon nila. Kaswal na nilang napag-usapan si Ethan at dati nilang mga kaklase. Gayunman, marami pang pangyayari sa buhay ni Tamara ang hindi nito naikukuwento sa kanya. May pakiramdam siya na maaaring tulad ni Ethan ay hindi pa rin talaga nakakapag-move on si Tamara kahit pa engaged na ito kay Johannes Chapman na isang American bestselling sci–fi writer. "Anyway, I gotta go. I'll see you later sa studio na lang, ha?" aniya. Tumango si Tamara. They hugged before she left the room. Ngunit walang nangyaring interview dahil nag-walk out si Tamara matapos nitong sampalin si Ethan nang puntahan ito ng binata sa dressing room nito. "HI! Kumain ka na?" Napangiti si Daena nang marinig ang tanong ni JD nang tanggapin niya ang tawag nito. Years had gone by but JD was still sweet and thoughtful. Dahil sa dalas ng pagkikita nila at sa pagti-text at pagtawag nito sa kanya nitong mga nakaraang linggo ay hindi maiwasang muling mahulog ang loob niya sa binata. She was falling in love much deeply with him this time. Bahala na kung muli siyang masaktan nito. "Yup. Ikaw?" tanong naman niya. "Kakain pa lang. Kasama ko si Troy, kakagaling lang namin sa practice game ng team niya," tugon ni JD. Nitong mga nakalipas na araw kung wala rin lang shoot ang binata ay nakiki-practice ito sa Energy Lightnings, ang team ni Troy sa PBA at iba pang mga college team sa UAAP at PBA Development League o D-League. Ilang charity ball game na rin ang pinaunlakan nito. "Okay, pero dapat kumain ka muna bago mo ako tinawagan." "I just wanna hear your voice first. Puntahan kita sa workplace mo mamaya after namin dito, ha?" "Okay." Tamang-tama may kailangan siyang sabihin kay JD na ilang araw na niyang kinahihiyaang sabihin. Bukas na ang concert ni Tamara pero hindi pa rin niya nasasabi rito na ito ang gusto niyang maging escort. TILA gustong mapaatras ni Daena nang makita ang nagkalat na reporters sa labas ng coffee shop pagbaba niya sa ground floor. Mabilis na kumalat ang nangyaring pananampal ni Tamara kay Ethan ilang oras pa lang ang nakalilipas. At dahil kapwa walang gustong magsalita sa kampo ng dalawa ay siya ang kinukulit ng mga reporters para hingan ng pahayag. Nang tawagan siya ni JD na on the way na ito sa istasyon ay nagdesisyon na siyang bumaba sa coffee shop kung saan sila madalas nagkakape. Nawala naman sa isip niya ang posiblidad na naroon pa rin ang mga reporters na sadyang nag-aabang ng maibabalita. Kaagad nakita ng mga reporters si Daena at muling pinagkaguluhan. "I am not in the position to answer your questions," pag-uulit niya sa una na niyang sinabi sa mga nag-interview sa kanya kanina. "Pero manonood ba si Ethan sa concert ni Tamara?" tanong pa ng isa. Hindi niya mapigilang malakas na mapabuntong-hininga sa narinig bago sumagot. "I am not his manager to answer that and – " Bago pa niya matapos ang sasabihin ay isang matitipunong braso ang humawak sa magkabilang kamay niya mula sa likuran niya. "JD?" gulat na sambit niya nang makita ang binata. "Let's get out of here," sabi ni JD. Hindi siya nagprotesta at nagpaakay rito mula sa nakapalipot na mga reporters. Funny, sa halip na ito ang protektahan dahil ito ang celebrity ay ito pa ang pumuprotekta sa kanya ngayon. Dinala siya ni JD sa kinaroroonan ng kotse nito sa parking lot. Isinakay muna siya nito sa front seat bago pumuwesto sa driver's seat. "What happened back there?" tanong ni JD nang paandarin na nito ang sasakyan. Mabilis na ikinuwento niya ang nangyari sa taping ng Today's People. "Ah, kaya pala nag-trending sina Tamara at Ethan sa Twitter kanina." "Yes. Wait, saan tayo pupunta?" tanong niya nang tumbukin nito ang kalsada patungo sa EDSA. Bahagya itong natawa. "I don't know. Saan mo ba gustong pumunta? Tapos na ba ang trabaho mo?" "Hindi pa. Hindi ako puwedeng lumayo, may meeting pa kami mamaya." "Sa Frances' na lang tayo?" "All right." Sa kabilang kanto lang ng istasyon ang pinakamalapit na branch ng Frances' kaya kaagad silang nakarating sa lugar. "My cousin-in-law Frances and Troy owned this place," sabi ni JD pagkaalis ng waiter matapos makuha ang order nila. "I know. Pinsan ni Fran si Frances, 'di ba? We've met a couple of times in their family gatherings when Fran and I were still together. Nagkikita rin kami paminsan-minsan sa Friend Jungle," aniya. Napatitig si JD kay Daena. "Naging kayo ni Fran?" gulat na tanong nito. "Yes. He's the only boyfriend that I had. Nag-parttime job kasi ako sa company nila during college kaya kami nagka-developan. Pero nagtatrabaho na ako sa istasyon nang maging kami." "Bakit naman kayo nag-break?" "Naging sobrang busy kasi ako sa trabaho. Ilang date namin ang hindi ko nasipot noon at kung dumating man ako lagi pa akong late. Pero hindi naman siya nagagalit sa akin at inuunawa pa ako. Kapag nagkakatampuhan kami, laging siya pa ang unang nakikipagbati. Naging unfair na ako sa kanya. I was so lucky to have him but then I realized I don't deserve someone like him so I decided to set him free. Ayaw niya noong una pero noong naging busy na rin siguro siya sa trabaho ay hindi na niya ako kinulit. Naging magkaibigan pa rin naman kami. He met somebody else later on and got married." Kahit paano ay nanghinayang siya sa kay Fran, he was an almost perfect boyfriend at mahal siya pero nagawa niyang i-give up para sa trabaho niya. Kaya nangako siya sa kanyang sarili na sa oras na makatagpo siya ng lalaking tulad nito ay hindi na niya uli pakakawalan at mas bibigyan ng priority. "But you over him, right?" tanong pa ni JD. Natawa si Daena. "Oo naman. Matagal na 'yon. And Fran is happily married now. Kaibigan ko na rin ang asawa niya at inaanak ko ang panganay nila." "And how about you and Ethan?" tanong pa nito. "We're just friends. At may girlfriend siyang supermodel." Pero base sa inaakto ni Ethan magmula nang sinabi niya rito na darating sa Pilipinas si Tamara, posibleng hindi pa rin ito nakakapag-move on at in love pa rin ito sa pinsan niya. Celine was Ethan's second girlfriend at ilang buwan pa lang naman ang relasyon ng mga ito at long distance relationship pa. At base sa naging reaksiyon ni Tamara nang muli nitong makita si Ethan, posibleng pareho lang ang sitwasyon nito kay Ethan. Hindi imposibleng pareho lang din ito ng dilemma ni Ethan. "Magkaibigan lang din ba kayo ng co-producer mong si Robin?" tanong pa ni JD. Lihim siyang napangiti nang mahimigan ang selos sa tinig nito. "Of course. He is gay, magpapakasal na nga sila ng British boyfriend niya." Kumbinsidong tumango-tango si JD. "May sasabihin pala ako sa 'yo." "Ano 'yon?" "I'm going back to Seattle tomorrow. My family wants to see me." Napaawang ang bibig ni Daena sa narinig. "Kailan naman ang balik mo?" Hindi pa man ito nakakaalis ay nalulungkot na siya. "Hindi ko rin alam kung kailan, Daena. Pero baka matagalan this time since katatapos lang ng ABL at wala na rin akong nakalinyang trabaho rito." "Pero mag-aapply ka sa PBA rookie draft, 'di ba?" "I'm still weighing my options. I'm considering renewing my contract in PH Patriots. May team na kumuha rin sa akin to play in Italy, and my agent convincing me to accept practice invitation from some NBA D-League teams." "Philippines is a basketball country. You should play here," walang kangiti-ngiting mariin niyang sabi. "Yes. Pero parang imposible kasi akong makapasok sa PBA because of my age. I'm turning twenty-eight. Kapag nagkataon, I'm going to be one of the oldest to be picked in rookie draft iyon ay may kukuhang team sa akin." Hindi siya kumibo. Tila gusto niyang sipain ito nang mga oras na iyon dahil sa pinagsasabi-sabi nito. Bakit ang pessimistic naman nito ngayon? At bakit nakipaglapit pa ito sa kanya kung wala naman pala itong balak na magtagal sa Pilipinas. And they kiss and hug many times since they kissed under the coconut tree. Ang akala pa naman niya ay may unawaan na sila uli nito. Iyon pala ay iiwanan na naman pala siya nito kung kailan mahal na uli niya ito. Pero at least sa pagkakataong iyon ay nagawa naman nitong magpaalam sa kanya. Parang sasabog ang puso niya sa matinding disappointment. "Are you okay, Daena?" kapagkuwan ay tanong ni JD. "Yeah," pakaswal na tugon niya. Matapos niyang malaman ang plano nitong pag-alis, hindi na niya sasabihin dito ang tungkol sa concert. Mabilis na inubos ni Daena ang kape niya. "Ibalik mo na ako sa station, JD." "All right." "Anong oras matatapos ang trabaho mo, Daena? Susunduin kita," sabi ni JD nang magpahatid siya sa Gate 2 ng employee's entrance ng istasyon. "Don't bother, JD. I can manage. Dala ko ang kotse ko." "Magta-taxi na lang ako papunta rito para maipagmaneho kita," giit pa nito. "I'm not sure kung anong oras ako makakauwi. Pero malamang late na. Magkikita pa kami ni Robin mamaya. Thanks sa snacks at sa paghatid. Have a safe flight." Anyong bubuksan na niya ang pinto sa side niya nang pigilan siya nito sa braso. Napatingin siya rito. "I'm going to miss you, Daena." There was sadness in his eyes. "Me, too," pag-amin niya. And in the next second, he was thoroughly kissing her. Ang higpit din ng yakap nito sa kanya. Nagpoprotesta man ang isip niya, hindi naman niya nagawang mapaglabanan ang nararamdaman. She kissed him back and encircled her arms around his neck. "I'll call you and you gonna answer my call, okay?" bahagya pang humihingal na sabi nito nang maghiwalay ang kanilang mga labi. Tumango siya. Naramdaman niya ang pag-iinit ng kanyang mga mata kaya mabilis na siyang bumaba ng kotse at walang lingon na pumasok na sa gate ng istasyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD