Chapter Eight

3239 Words
TUMINGIN si Daena sa sinisenyas ni Yanna na isa sa mga production assistants ng noontime show na pinagtatrabahuhan niya. Nang makitang si JD ang sinisenyas nito na kasalukuyang kausap ng isa sa mga host ng show ay ibinalik niya ang tingin kay Yanna at tinanguhan ito. Kanina pa niya alam na nanonood ng show si JD dahil nakita niya ang pagdating nito. Inakala siguro ni Yanna na siya ang pinuntahan ng lalaki. Katrabaho rin niya si Yanna sa Today's People at ang pagkakaalam nito ay dati niyang nobyo si JD dahil iyon ang pinagkalat ni Ethan. Ibinalik niya ang tingin sa binabasang script para sa huling segment ng show. Kasalukuyang commercial break at kauumpisa pa lang ng live telecast na tatagal ng dalawa at kalahating oras. Nang masigurong maayos ang script, ibinigay na niya iyon sa isa sa mga staff para mailagay sa prompter. Pagkatapos ay naglakad na si Daena patungo sa backstage. Hindi niya naiwasang mapatingin sa direksyon ni JD na kasalukuyan nang nakaupo sa pinakadulo ng front row sa left side ng audience. Nakatingin din pala ito sa kanya at nagtagpo ang kanilang mga mata. He smiled and she smiled back. Tinanguhan pa niya ito bago tuluyang lumiko sa pasilyo patungo sa backstage. Mabilis na lumipas ang mga oras at natapos ang show na pabalik-balik si Daena sa backstage, sa mainset at sa video room. She was feeling tired pero hindi pa roon basta natatapos ang trabaho niya. Marami pang gagawin at may meeting pa ang buong production team para pagplanuhan ang mga susunod na mangyayari sa show. Pabalik na sa backstage si Daena nang marinig niya ang tinig ni JD na humabol sa kanya. "Hi, Daena!" nakangiting sabi nito. Huminto siya sa paglalakad at humarap dito. "Hi!" tugon niya. "May interview ako sa kabilang studio kanina at nabanggit sa akin ni Ethan na nagtatrabaho ka rin dito kaya naisipan kong puntahan ka just to say 'Hi'," paliwanag nito. Nagulat siya sa narinig. Pinuntahan siya nito roon para lang mag- Hi? "O- okay," amused na sabi niya. "How was the interview then?" "Okay naman. Sandali lang naman 'yon. Hey, tapos na ang show n'yo, 'di ba? Can I invite you for a coffee?" Umiling siya. "Not yet. Marami pa kaming gagawin at baka abutin pa kami ng alas-singko ng hapon." "Ganoon ba? Hmm... how about dinner with me tonight?" Mabilis na nag-isip siya. Wala siyang lakad sa gabing iyon. At plano na talaga niyang mag-unwind at yayain sina Celeste na lumabas dahil pakiramdam niya ay masyado na siyang na-toxic sa trabaho nitong mga nakalipas na araw. "Kahit sandali lang tayo," sabi pa ni JD bago pa siya makasagot. "All right." Kaagad nagliwanang ang mukha nito. "Can I pick you up at seven?" "Okay." At sinabi niya rito ang unit number ng tinitirhan niyang condo. Alam na nito kung saang condo siya nakatira. Mabilis na naglabas ng cell phone si JD at hiningi rin ang number niya. Pagkatapos noon ay nagpaalam at umalis na ito. Minutes later, nasa conference room na si Daena nang lapitan siya ni Yanna. Nilapag nito sa harapan niya ang isang takeout coffee at sandwich na halatang nagmula sa coffee shop na nasa ground floor ng istasyon. "Pinabibigay ni JD," sabi nito. "Talaga?" gulat na bulalas niya. "Yup. Nagkita kami kanina sa baba kaya pinakiusap niya sa akin 'yan." "Okay," napapangiting sabi niya. At sinimulan na niyang inumin ang kapeng ibinigay ni JD. "SA WAKAS naisipan mo ring umuwi rito sa atin," nakangiting salubong ng nanay ni Daena pagbaba ng tricycle. "Malapit mo na kasi akong itakwil, eh," biro ni Daena bago pumaloob sa yakap nito. Mahigit isang taon din siyang hindi nakauwi sa bayan nila sa Camariñes Norte dahil sa kaabalahan sa trabaho. Kaya naman nang hilingin ng nanay niya na umuwi siya para doon i-celebrate ang twenty-eighth birthday niya ay pinagbigyan niya ito. Sabado ang birthday ni Daena. Biyernes ng gabi nang dumating siya sa bahay nila at Linggo naman ng hapon ang alis niya pabalik ng Manila. Bago pa nagsettle down ang nanay niya sa probinsiya nila ay napagawa na niya ang bahay nila na dati ay isang maliit na kubo lang. Isang modernong two-storey vacation house na iyon ngayon. Ang dati nilang bahay sa Maynila ay pinapauhan na lang nila. Kaagad hinainan si Daena ng Bicol express at ginataang alimango ng kanyang ina. Habang kumakain ay hindi niya maiwasang maalala si JD dahil paborito nito ang mga pagkaing iyon. Masasabing magkaibigan na uli sila ng lalaki matapos nilang mag-dinner sa isang fine dining restaurant. Nitong mga nakalipas na linggo ay panay ang punta nito sa istasyon kahit na wala naman itong trabaho roon para makita siya. Hindi tuloy maiwasan na tuksuhin siya ng mga kasamahan sa noontime show magmula sa mga host hanggang sa mga crew lalo pa't pinagkalat din ni Yanna na ex-boyfriend niya si JD. Bakas sa mukha ng mga workmate niya lalo na ng mga single pa ang inggit dahil pinag-uukulan siya ng atensyon ng isang achiever at guwapong katulad ni JD. She was really enjoying her time going out with JD, ilang beses na silang nakapagkape at nag-dinner nito. Paminsan-minsan ay sinusundo siya sa trabaho at hinahatid sa condo niya. Hindi tuloy niya maiwasang mag-assume na higit pa sa pakikipagkaibigan ang intensiyon nito sa kanya lalo na't may nakaraan sila at ito naman talaga dapat ang naging first boyfriend niya. She was just waiting for the day na magsabi ito ng tunay na intensiyon nito sa kanya. Pero hindi naman siya nagmamadali. Alam ni JD na umuwi siya sa probinsiya nila dahil nasa SLEX na siya kanina nang tawagan siya nito at nangamusta. "Hoy, Daena!" Napatingin siya sa nanay niya nang iwasiwas nito ang kamay sa mukha niya. Narinig niyang may tinatanong ito pero dahil nasa ibang bagay ang isip niya, hindi iyon nag-register sa utak niya. "Ano nga uli 'yong sinasabi mo, 'Nay?" "Ang sabi ko, bakit hindi ka man lang nagsama ng kaibigan para maki-celebrate sa birthday mo?" sabi nito. "Busy kasi sina Celeste at hindi rin naman ako magtatagal ditto." "Sa susunod magsama ka ng mga kaibigan mo at dapat mga two weeks kayo rito." "Okay." "Tuloy na tuloy na ba ang pagdating ni Tamara?" tanong pa ng nanay niya. "Oo, 'Nay." At nagkuwento siya progress ng magiging concert ni Tamara sa bansa. "Hindi talaga namin mapapanood ng Tito Joel mo ang concert dahil araw ng kasal 'yon ni Geneva." Mahigit isang taon nang boyfriend ng nanay niya si Joel Benitez, isang matagumpay na negosyante na biyudo sa bayan nila at dati nitong kaklase noong high school. Si Geneva ang nag-iisang anak nito na kasing-edad lang ni Daena. Noong una ay labag sa kalooban niya ang pagpasok ng nanay niya sa isang relasyon. Pero nang makita niyang masaya naman ito at mabait naman at marunong makisama ang nobyo nito ay hindi na siya tumutol. Magkasundo rin naman sila ni Geneva na isang school directress sa nag-iisang montessori school sa bayan nila. "Okay lang, 'Nay," aniya. "Pero imbitahan mo rin si Tamara rito pagkatapos ng concert niya. Na-missed ko rin ang batang 'yon." "Susubukan ko pero huwag n'yong asahan dahil masyado rin siyang busy." "Okay. Ikaw ba, hindi ka ba makakauwi rito sa kasal ni Geneva? Isama mo na rin sina Celeste at magbakasyon kayo rito nang matagal-tagal. Wala pa bang nanliligaw sa 'yo?" tanong ng nanay niya. Sumagi sa isip niya si JD. Pero dahil hindi pa niya alam ang tunay na intensiyon nito sa kanya, minabuti niyang hindi na muna magkuwento. Pagkatapos kumain ay itinaboy na si Daena ng nanay niya sa kanyang silid. "Magpahinga ka na siguradong bukas maaga pa lang ay marami ka nang bisita. Sabik din ang mga kamag-anak natin na makita ka." "Okay. Ikaw, 'Nay, hindi ka pa ba matutulog?" "Mamaya pa. Hinihintay ko pa ang pinsan mong si Gardo, siya kasi ang mamahala sa pagkakatay at paglilitson ng mga baboy para sa birthday mo bukas." Kinabukasan, nagising si Daena dahil sa natatarantang panggigising sa kanya ng nanay niya. "Bumangon ka na d'yan, Daena, may bisita ka. Bakit hindi mo man lang sinabi na darating pala si Jericho." "Huh?" dissorriented na sabi niya na habang bumabangon. "Nandito si Jericho. Bakit hindi mo man lang ikinuwento sa akin na magkaibigan na pala uli kayo? At hindi pa kayo nagsabay sa pagpunta rito?" "Jericho?" bahagya pa ring naguguluhang tanong niya. "Oo. 'Yong kaklase mo noong high school na madalas pumupunta sa bahay noon. Nasa kusina siya at nag-aalmusal." Saka lang nag-register sa isip ni Daena na si JD ang dumating. Ngunit para makasiguro ay dali-daling siyang lumabas ng silid niya at nagtungo sa kusina. At naroon nga si JD na sarap na sarap sa kinakain nitong suman. Mabilis itong tumayo nang makita siya. "Hi, Daena! Happy birthday!" ngiting-ngiting sabi nito. "Hi!" halos hindi pa ring makapaniwalang tugon niya. "Hoy, Daena! Maano bang maghilamos ka muna at magsuklay bago humarap sa bisita," sabi ng nanay niya sa likuran niya. Saka lang naging conscious si Daena sa hitsura niya. Dahil sa pagkapahiya ay kaagad siyang nagtatakbo pabalik sa kanyang silid. "I NEVER forget your birthday. Noong sinabi mo kahapon na nagbibiyahe ka papunta rito, naisip ko na dito ka magse-celebrate ng birthday mo. I waited you to invite me but you never did that's why I invited myself," nakangiting paliwanag ni JD habang namamasyal sila sa dalampasigan. Nang bumalik si Daena sa kusina matapos makapag-ayos ng sarili, nadatnan niyang kasalo na nito sa almusal ang mga tiyahin at mga pinsan niya. Matapos mag-almusal ay iminungkahi ng nanay niya na ipasyal si JD sa tabing-dagat na nasa likod lang ng bahay ng lola niya. It was one of those virgin beaches in the province. Malinis ang tubig at puti at pino ang buhangin. Noon lang din nagkaroon ng pagkakataon si Daena na usisain si JD kung bakit ito naroon sa kanila. "Sinadya ko ring hindi sabihin sa 'yo na susunod ako rito dahil baka pagbawalan mo ako. Missed na missed ko pa naman na ang luto ng nanay mo," anito na sinundan ng mahinang tawa ang sinabi. "Mabuti hindi ka naligaw." Kasama ng pinsan nitong si Bernard ay naisama na nila ng nanay niya dati si JD sa probinsiya nila. Christmas vacation noon at tatlong araw ding nanatili sa bahay nila ang mga ito bago bumalik sa Maynila at sunduin ng family driver. "Hindi naman. I'm good at direction, Daena. At madali lang namang hanapin itong sa inyo. Dire-diretso lang ang kalsada. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang buong pangalan ng nanay mo pati ng mga kapatid niya kaya hindi naging mahirap sa akin ang pagpunta rito." "All right." "So, okay lang sa 'yo na mag-stay ako rito hangga't nandito ka?" Natawa siya. "Makakatanggi pa ba ako? Alangan namang palayasin kita, malamang mapingot ako ng nanay ko." Napangiti ito. "Right." Pagbalik nila sa bahay ay pinagpahinga muna ni Daena si JD sa guest room. Naging abala naman ang dalaga sa pakikipagkuwentuhan sa mga kamag-anak at ilang kapitbahay at pagtulong sa paghahanda ng mga iluluto sa para sa selebrasyon ng kaarawan niya. Oras na ng tanghalian ng magising si JD. Umpisa na rin noon ng birthday celebration ni Daena. "HAY, ang sarap talaga dito." Napalingon si Daena sa kaliwa niya nang marinig ang tinig ni JD habang papalapit sa kinauupuan niyang rug na nakaharap sa beach. Dapat ay dadayo sila sa Calaguas Island nang araw na iyon ngunit dahil nalasing ang mga pinsan niya na siyang nagplano ng trip pati na rin si JD ay hindi na sila natuloy. Pasado alas-diyes na nang magising ang binata. Kaya ang nangyari, matapos mag-almusal ay sa kalapit na isla na lang sila nagtungo. Mas maputi at mas pino ang buhangin doon at di hamak na mas maganda ang tanawin kaysa sa lugar nila. Kasama rin nila ang dalawang binatilyo niyang pamangkin sa pinsan na nagsisilbing guide nila. Naging abala kaagad ang mga lalaki sa paghahanda ng mga baon nila at pag-iihaw ng pusit at barbeque habang nag-uusap ng tungkol sa basketball. Naglatag naman si Daena ng rug sa ilalim ng puno ng niyog ilang dipa ang layo sa cottage nila at inabala ang sarili sa kanyang cell phone. Humingi siya ng update kay Robin para sa preparasyon ng concert ni Tamara sa susunod na linggo. Nang makalapit si JD ay inilapag nito sa rug ang dala nitong inihaw na pusit at barbeque na nakalagay sa isang malaking plato. Gayundin ang isang plato ng kanin na nasa kaliwang kamay naman nito. "Tapos na kayong magluto?" tanong niya habang inaayos ang mga pagkain sa ibabaw ng rug para makaupo rin ito. "Yup. Umalis sina Utoy para kumuha ng mga buko." Nang tumingin si Daena sa cottage nila ay wala nga roon ang mga pamangkin niya. Ilang metro ang layo sa kinaroroonan nila ay maraming nakatanim na coconut tree at iba pang mga ligaw na bungang kahoy. "They invited me to join them for me to see the whole place but I refused. Wala ka kasing kasama rito at saka baka gutom ka na. Kain na tayo." Kumuha siya ng isang malaking pusit na nakatusok sa stick. "May kasama naman ako, ah," aniya sabay inginuso ang dalawang grupo ng mga kabataan na nagpi-picnic din sa lugar. "But you didn't know them." "It's okay, mababait naman ang mga tao rito." Tumunog ang message alert tone ng cell phone niya. Sandaling inabala ang sarili sa pagre-reply kay Celeste na may itinanong sa kanya. "Even Sunday you're busy?" kaswal na tanong ni JD. "Minsan. Malapit na kasi ang concert ni Tamara kaya hanggang dito naka-monitor ako sa cell phone ko," paliwanag niya. "Sayang 'yong Calaguas, 'no?" kapagkuwan ay sabi ni JD bago sumubo ng kanin. "Eh, sino kaya ang may kasalanan?" aniya bago kumagat ng pusit. Natawa ito. "May next time pa naman, eh. At saka mabibitin lang tayo kung natuloy tayo roon dahil kailangan na nating bumalik sa Maynila mamayang hapon. But I'm sure babalik ka dito sa kasal ng nanay mo at ng Tito Joel mo, sasama ako sa 'yo." Bahagya lang niyang pinansin ang huling sinabi nito. She let out a long sigh. "What was that for?" tanong ni JD. Kagabi, bago matapos ang party niya ay inanunsiyo ng nanay niya at ni Tito Joel ang planong pagpapakasal ng mga ito. Natuwa ang lahat maliban kay Daena. Well, ipinakita niya naman na masaya siya at nagawa pang batiin ang mga ito pero hindi niya maiwasang makaramdam ng pagtatampo sa nanay niya. Nagawa kasi nitong ianunsyo sa mga kamag-anak nila ang plano nitong pagpapakasal na hindi man lang muna kinukunsulta sa kanya. Halatang guilty ang nanay niya at halos hindi makatingin nang diretso sa kanya magmula pa kagabi. Kaya rin niya niyayang magtungo roon si JD ay upang makaiwas sa nanay niya. Sinabi niya ang nararamdaman kay JD. "You didn't like Tito Joel for your mother?" tanong nito. "No, hindi sa ganoon. Okay naman si Tito Joel, kaya lang parang hindi ako prepared na magkakaroon na ako ng kahati sa atensyon ng nanay ko kahit hindi naman kami araw-araw na magkasama. Kapag kailangan ko kasi si Nanay, isang tawag lang nakakausap ko na kaagad siya o napapapunta sa Maynila. Kapag nagpakasal sila ni Tito Joel, I'm sure mababago 'yon." "Ayaw mo bang maging masaya ang nanay mo?" "Of course, I do. Kaya lang..." "You were away from your mother for a long time, Daena. Ayaw mo n'on. Kapag nag-asawa uli siya, may mag-aalaga na uli sa kanya lalo na't nasa Manila ka naman." "Naisip ko na rin naman 'yan, kaya lang nagulat lang talaga ako. And I really don't know what to feel. Alam ko na gusto ni Nanay na ibigay ang blessings ko sa kanila bago tayo umalis mamaya pero parang hindi ko pa kayang gawin 'yon." "Then tell that to your mom bago tayo umalis. Mahalaga na open kayo sa isa't-isa. Ganyan ang relationship namin ng mommy ko ngayon, eh, but for clarification hindi ako Mama's boy, huh?" Hindi niya maiwasang mapangiti sa huling sinabi nito. "Magkanin ka naman, kaya ang payat mo." Kumutsara ito ng kanin at iniumang sa bibig niya. "Nganga," utos nito. Nagulat siya sa ginawa nito pero hindi nagdalawang isip na isubo iyon kahit pa ang ginagamit nitong kutsara ang pinangsubo rin sa kanya. Matapos kumain ay ibinalik ni JD ang pinagkainan nila sa cottage. Nang balikan siya nito ay bigla na lang itong humilata ng higa sa rug. "This is life!" bulalas nito habang hinihimas pa ang tiyan. Natawa siya. "Bakit hindi ka matulog para parang sawa lang, pagkatapos kumain tulog naman." "Oo nga, eh. Inaantok nga ako. Pero parang gusto kong mag-swimming, swimming tayo?" "Mamaya na lang, parang inaantok din ako." "Then let's sleep. Higa ka rito." Iminuwestra pa nito ang espesyo sa pagitan nila. Walang pagdadalawang-isip na sumunod naman siya sa sinabi nito. Ngunit hindi lumapat ang ulo niya sa rug, kundi sa naka-extend na ang isang braso ni JD na naging unan niya. "Baka mangawit ka." "It's okay. Matulog ka na." Sumunod siya sa sinabi nito at pumikit. Hindi alam ni Daena kung gaano katagal siyang nakatulog. Naalimpungatan siya dahil sa nararamdamang init sa bandang paanan niya. Nakabilad na pala sa initan ang ibabang bahagi ng kanilang katawan. At kung kanina ay sa braso ni JD siya nakaunan, ngayon ay sa dibdib na nito. At ang isang braso nito ay nakayakap na sa likuran niya. Iniangat niya ang ulo mula sa dibdib nito at nagtagpo ang kanilang mga mata. Hindi niya alam kung nakatulog din ito o hindi. "I'm sorry," aniya at inilayo na ang sarili rito. Ngunit pinigilan siya nito. "Dito ka muna. I missed holding you like this." "Pero nakabilad na tayo sa initan," naasiwang sabi niya pero hindi naman inilalayo ang sarili rito. "Okay lang 'yan," bale-walang sabi nito na nakatitig sa kanya. Pakiramdam niya ay matutunaw siya sa titig nito. "Huwag mo nga akong titigan nang ganyan. Sige ka kapag natunaw ako hindi mo na ako makikita bukas," biro niya para mapagtakpan ang pagka-asiwang nararamdaman. Ang lakas ng tawa nito. "Hindi ka kasi nagbago, ang ganda-ganda mo pa rin. I can't take my eyes of you." Pakiramdam niya ay bola lang ang sinabi nito gayunpaman ay hindi niya maiwasang kiligin. "Ikaw naman, mas lalo kang gumuwapo," papuri rin niya. Sumilay ang magandang ngiti sa mga labi nito. "You know what, this is the first time na pinuri mo ang looks ko. Kahit noong high school tayo, never mong sinabi sa akin 'yan." "Talaga ba? Well, sa dami ng pumupuri sa 'yo. Bale-wala naman ang sinabi ko." "Of course not! Mas na appreciate ko kaya dahil ikaw ang nagsabi." Nagngitian sila. Ngunit nang sumunod na sandali, hindi niya alam kung ano ang nagtulak sa kanya pero lakas loob na inilapit niya ang kanyang mga labi sa mga labi nito. She planted a kiss on his lips. Smack lang iyon pero tila hindi naman nagulat ang mga labi nito. Hinawakan pa nito ang batok niya at mas malalim na halik ang isinukli nito sa kanya. And then he was carefully pushing her to the rug. Habang yakap siya nito at hinahalikan siya ay napagtanto niya kung gaano niya na-missed na makulong sa mainit na yakap nito at halikan siya. Mas magaling na itong humalik ngayon dahil na rin marahil marami itong naging practice sa ibang babae pero hindi niya alintana iyon. She was actually enjoyed it. They kissed her for a long time. Kung hindi pa sila nakarinig ng mga hiyawan na nanggagaling sa mga naroon din sa beach ay hindi sila titigil. Umalis na ito sa pagkakadagan sa kanya at tinulungan siyang makabangon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD