CHAPTER 03

1495 Words
"THANK you po Doc! bye! ingat kayo!" ngiting paalam ni Shalli kay Dr. Yuhan, bago pumasok sa gate. Ngunit muntik na s'yang mapatalon sa sobrang gulat nang makita n'ya ang mama at papa n'ya. "Sino 'yon?" madiin na tanong ng papa n'ya, bigla naman nanginig ang tuhod n'ya sa tanong nito. "Pa! relax lang! para naman kayong mga kampon ng mga pamilyang mandirigma n'yan! actually! boyfriend ko po s'ya, kaya kung ako sa inyo, i cancel n'yo na 'yan arrange married na 'yan, dahil mahal na mahal ko po s'ya, at mahal na mahal din n'ya ako" paliwanag n'ya, habang may ngiti sa labi. "Wala akong paki alam, makipag hiwalay kana sa kaniya!" galit na sabi ng ama, "papa! nagmamahalan kami!" paliwanag n'ya, pero umalis na ito. "Boyfriend mo ba talaga 'yon anak? pero imperness ang gwapo" nagulat nalang s'ya nang biglang mag salita ang mama n'ya. "Bakit ma! boto po kayo sa kaniya?" kilig n'yang tanong, bago sila lumakad papasok sa loob ng bahay. "Oo sana, pero hindi na puwede eh!" napa buntong hinga nalang s'ya, ano kayang puwede niyang gawin para matigil na itong arrange married na 'to. "SAAN na 'yon?" balisa s'yang hina halukat ang laman ng bag n'ya, "nasaan na 'yong ID ko, nandon pa naman 'yong susi ng kotse ko" maluha luha n'yang tanong sa kaniyang sarili. "Naiwan ko ba sa kotse ni Dr. Yuhan? baka naman hindi do'n?" taranta n'yang kinuha ang cellphone, at mabilis na gi-deal ang number ni Pammy, buti naman at agad din nitong sinagot. "Hello! hating gabi na! bakit napatawag ka?" takang tanong nito, mukhang nagising ito mula sa mahimbing na pagkakatulog. "Sorry talaga kung nagising kita, alam mo ba 'yong number ni Dr. Yuhan, naiwan ko kasi iyong ID ko pati susi ng kotse ko, baka nandon sa kaniya" alalang tanong n'ya. "Teka lang hanapin ko baka meron dito! oh! sige na i-tetext ko na lang sayo bye na good night!" paalam nito. "Sige! good night! sorry sa abala!" paghihingi n'ya ng paumanhin. Ilan sandali pa ay gi-message na nito, kaya kagat kagat n'ya ngayon ang kuko, habang hinihintay ang sagot ni Dr. Yuhan. "Sumagot ka na please! buti sana kung do'n ko na iwan sa kotse n'ya, kung hindi ay naku! ewan na lang" wala sa sarili niyang sabi, bigla naman siyang napa tingin nang bigla nitong sinagot ang tawag niya. "Hello!" bungad nito sa kabilang linya, mabilis naman s'yang napatakip ng bibig dahil sa kilig, nakaka akit kasi ang boses nito. "Hello! sino to?" agad naman s'yang napa balik sa sarili, "hello! Doc! ako po to, si Shallimar, itatanong ko lang po sana kung nakita n'yo po iyong ID ko na may kasamang susi?" tanong n'ya. "Oo nandito nga! sorry! kanina ko lang nakita" paumanhin nito, "okay lang 'yon Doc! kukunin ko na lang bukas! sige po! good night at sorry sa abala" paliwanag n'ya, "good night too" tipid nitong sagot, bago binaba ang linya. Wala sa sarili s'yang napa higa, at nag gulong gulong sa kama, "nakaka kilig talaga ang boses n'ya, oh! my! god! may number na s'ya sa list ko, puwede ko na s'yang tawagan" ngunit bigla naman s'yang napatigil sa kahibangan, nang maalalang may girlfriend na pala ito, mas mabuti pang itulog nalang n'ya ang kabag na nararamdaman. "GOOD morning grandma" ngiting bati ni Dr. Yuhan sa kaniyang lola, habang nandito sa hapag kainan. "Good morning too! by the way, nag set up na ako ng appointment ulit para sa parents ng future wife mo" paliwanag nito, agad naman s'yang umupo sa tapat nito. "And this time, make sure na sisipot ka na! grandson naman! pag bigyan mo na ako please! matanda na ako, malapit na akong!" hindi nito natapos ang sasabihin nang mag salita si Dr, Yuhan. "Grandma! ang bata niyo pa, 60 palang kayo, matagal pa kayong mamatay" paliwanag niya. "Kahit na! sa ayaw at sa gusto mo kailangan mong pakasalan ang batang 'yon, at 'tsaka ma kipag hiwalay ka na do'n kay Emily! 'wala naman patutungohan ang relasyon n'yo!" 'walang gana nitong sabi. "Wala na kami!" tipid niyang sagot, "mabuti kung gano'n, para 'wala kanang idadahilan pa para hindi mag pakasal" pahabul nitong sabi. "OH! ang aga mo yata? day off mo ngayon na! saan ka pupunta?" takang tanong ng kaniyang papa. "Makikipag date ako sa boyfriend ko!" pagbibiro ni Shallimar, na ikina galit nito. "Di'ba sinabi ko ng makipag hiwalay ka na do'n!" madiin nitong sabi. "Sana lahat papa may jowa! biro lang naman 'yon pa, kukunin ko lang 'yong kotse ko" paliwanag n'ya, naka hinga naman ito ng maluwag. "Okay! bye na papa!" paalam n'ya sabay beso, bago lumabas ng bahay. Dahil wala s'yang kotse ngayon, no choice kundi mag commute na lang s'ya. "Hello! Doc! saan ka ngayon? kukunin ko sana iyong ID ko at saka susi!" paliwanag n'ya, habang kausap n'ya si Dr. Yuhan sa kabilang linya. "Sige! mag kita na lang tayo, ite-tex ko na lang sayo 'yong address okay bye" mabilis nitong paalam bago binaba ang linya. Wala sa sarili s'yang napa hawak sa dibdib, kinikilig kasi s'ya sa boses nito. Ngunit bigla s'yang napatigil, bakit kailangan n'ya pang itext ang address? eh! dapat sa garahe lang sila mag kikita, dahil nandon ang kotse ni Shalli, nakakapag tataka naman. Pagka text nito sa location, eto naman s'ya kilig na kilig, feeling n'ya kase makikipag date si Doctor Yuhan sa kaniya. "Am! ma'am nandito na po tayo" napa balik na naman s'ya sa wisyo, nang mag salita si manong drive, kaya agad na s'yang nag bayad bago bumaba ng taxi. "Oh! mo! kailangan kong mag retouch, para naman maging maayos ako sa paningin ni Dr. Yuhan" wala sa sarili n'yang sabi. "Kanina ka pa ba?" muntik na s'yang mapatalon sa gulat nang bigla itong mag salita sa may likod n'ya. "Ginulat n'yo naman ako Doc! actually kakarating ko lang! nga pala bakit kailangan pa natin mag kita sa ganitong lugar?" takang tanong n'ya, dahil sa restaurant pala ang location na sinabi nito. "I want to talk you, but before! pumasok muna tayo" yaya nito, kaya agad naman s'yang sumunod. Umupo sila sa pinaka dulo, para naman importante ang pag uusapan nila. "Mag order muna tayo!" sabi nito habang binubuklat buklat ang menu. Pagkatapos nilang mag order, at nilapag na ng waitress ang mga pagkain sa may table, nag simula na silang mag lunch. "Ano nga pala 'yong pag uusapan natin Doc?" panimula n'ya, "hindi ko alam kung paano ko ito, sasabihin, but i need your help Nurse Jiao" paliwanag nito. "Anong klaseng tulong Doc? ops! 'wag n'yong sabihin ano? hindi po ako pinalaki ng magulang ko para sa gano'n! naku Doc! iba na lang" pakiusap niya, agad naman itong napa tawa. "What do you mean Nurse Jiao? iba yata ang iniisip mo!" natatawa nitong sabi. "Eh! ano po ba kasi 'yon Doc?" inip n'yang tanong bago sumubo. "Let me explain first! ganito kasi 'yon, may ka arrange married ako, bago ko pa nalaman 'yon, girlfriend ko na si Emily" paliwanag nito. "Nag propose ako kahapon kay Emily, at tinangihan n'ya 'yon, i love Emily! pero wala na akong dahilan para tangihan ang arrange married na 'yon" patuloy nitong paliwanag. "So anong gusto mong gawin ko Doc?" takang tanong n'ya. "Mag tanan tayo, 'yan lang ang tanging paraan! para matigil na itong arrange married na 'to" paliwanag nito. "Doc! bakit hindi n'yo mo na ako tinanong kong may boyfriend ba ako o wala?" takang tanong n'ya. "Bakit may boyfriend ka ba?" tanong naman nito, "wala! single! pero alam niyo Doc, may ka arrange married din ako!" wala sa sarili niyang paliwanag. "So ano payag ka? Don't worry, after one month, mag hihiwalay rin tayo" pahabol nito. "Ang sakit naman ng gano'n! puwede pag iisipan ko muna?" tanong n'ya, "sige! but make it sure! na nakapag isip isip ka" sabi nito, "kaya nga ako mag iisip Doc di'ba?" tanging sabi n'ya bago tumawa. PAGKATAPOS nilang mag usap, hinatid nalang nito si Shallimar sa garahe para kunin 'yong kotse n'ya. Habang nasa biyahe s'ya, napa isip nalang s'ya, kung bakit pareho sila ng sitwasyon ni Dr. Yuhan? nakakapag taka talaga. "Ate! anong iniisip mo?" biglang tanong ni shawe sa kaniya, kasalukuyan kasi siyang naka higa sa may sofa, habang malalim na nag iisip. "Naisip ko lang, kung tatalon ba ako sa malalim na ilog, o haharapin ang mabangis na tiger?" tanong n'ya. "Tumalon ka na lang ate, kasi pag tumalon ka may change ka pang mabuhay, kung marunong kang lumangoy, kase kung hinarap mo 'yong mabangis na tiger, mamatay ka talaga do'n" mahabang paliwanag nito, bigla naman s'yang napaisip do'n. "Tama! ang talino talaga ng kapatid ko! halika nga dito payakap nga si ate!" pang lalambing n'ya, agad naman itong lumapit sa kaniya at yumakap. "Ate! ikakasal ka na ba talaga?" biglang tanong nito, "'wag mong sabihin na!" bulong niya, "alin ate?" alilangan nitong tanong, "magpapakasal na ako sa n***o!" tawa n'yang sagot, tumawa naman ang kapatid n'ya. wenawendyiiew All right reserved 2021
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD