CHAPTER 02

1580 Words
"HELLO pa!" bungad ni Shalli sa kabilang linya, "'wag kang malalate, wag mo kaming ipapahiya ng mama mo" paalala ng kaniyang ama. "Oo naman po papa! asahan niyong darating ako kahit ano man sakuna pa 'yan, oh sige na! bye!" paalam n'ya, bago tuluyan ng pumasok sa hospital. Agad na s'yang, dumeredso ng lacker, para mag palit ng uniform. "Good morning Shalli!" masayang bati ni Tina, isa rin sa mga kaibigan n'yang nurse, "good morning din!" balik n'yang bati. Sabay na silang nag tungo ng nurse station. "Balita ko may bago daw tayong makakasama" panimula nito. "sino daw?" curious na tanong ni Shalli. "May bagong enter daw na lalaki, kaya exited na akong makilala siya" kinikilig nitong sabi, napa iling nalang si Shalli. Dahil hindi pa masyadong toxic, inabala na lang niya ang sarili sa pag gugupit ng paper, para sulatan ito sa mga food diet ng pasyente. Ngunit bigla s'yang napatigil, nang biglang dumating si Dr. Yuhan, kaya naman agad na silang tumayo ni Tina para batiin 'to, walang gana naman 'tong sumagot ng good morning too. "Ang sungit talaga ng isang 'yon" inis n'yang sabi, habang nag patuloy na lang sa pag gugupit. "May gusto ka ba kay Dr. Yuhan Shalli?" biglang tanong ni Tina, agad naman siyang napatingin dito. "Halata ka kasi, alam mo ba na hindi kayo bagay? kasi mas bagay kami" seryoso nitong sabi, na ikina tigil ni Shalli. "Biro lang! gusto mo bang malaman 'yong tungkol kay Dr. Yuhan?" napa tango naman s'ya ng wala sa oras. Lumapit naman ito para sabihin kay Shallimar. "Si Dr. Stiefel Yuhan Willson, ay siya pala ang may-ari ng hospital na ito, at alam mo rin ba na 30 years old palang s'ya, hindi halata di'ba? siya rin ang nag iisang apo ng may-ari ng willson corporation, oh! di'ba ang yaman n'ya, tapos musta ka naman na, 23 years old palang? asa ka pang papatul sayo 'yon?" tawang tawa nitong sabi, masama naman siyang tinapunan ng tingin ni Shalli. "Tina! alalahanin mong age doesn't matter, kaya kahit mas matanda s'ya sa akin, bagay parin kami, teka nga! ibig mo bang sabihin s'ya ang may-ari nitong hospital?" gulat n'yang tanong, tumango naman ito bilang sagot. "Nakakahiya naman sa part n'ya, nagupit ko pa iyong daliri niya, buti hindi n'ya ako pinatalsik" malungkot n'yang sabi. "So ngayon! mag kakagusto ka parin ba sa kaniya? wag ka nang umasa! may girlfriend na iyon, balita ko nga may balak na s'yang mag propose" patuloy nitong paliwanag. "Alam mo tina! hindi ko alam kung kaibigan ba kita, o ka-away!" sabay irap n'ya na ikina tawa lang nito. "'Wag kang mag alala, ikakasal na ako sa iba" paliwanag niya. "talaga! kanino?" gulat nitong tanong. "Hindi ko pa siya kilala, mamayang gabi ko pa makilala, pinag kasundo pala ako ng lola ko, sa apo ng kaibigan niya, na mo-moroblema na nga ako, kasi biroin mo hindi ko mahal iyong pakakasalan ko" mahabang paliwanag niya. "Kawawa ka naman pala!" pang aasar nito, na pa iling na lang s'ya. ILANG sandali pa ay pinakilala na sa kanila ang bagong enter, 'yon pala ay si Jizen Qun, ang kaklase n'ya nong high school palang s'ya. "Long time no see Shalli, wala ka parin pinag bago ang cute cute mo parin!" pag bibiro nito, "ikaw rin naman ang cute cute mo parin!" balik niya, habang kinukurot ang pisngi nito. "Hm!" agaw pansin ni Tina, kaya umayos naman sila. "Nga pala Jizen si Tina! ang plastic kung friend!" pakilala niya, masama naman siyang tinapunan ng tingin ni Tina. "Nice to meet you Tina" ngiting sabi ni Jizen, bago naki pag kumustahan kay Tina. PAGKATAPOS no'n, kaniya kaniya na sila, para mag check ng vital sign sa bawat patient. "Am! Nurse! puwede mag tanong?" pahabol ng isang babae na, maganda, sexy, siguro mas matanda lang ito kay Shalli. "Ano po 'yon ma'am?" tanong n'ya, "hinahanap ko kasi si Dr. Yuhan, saan 'yong room n'ya?" tanong nito, agad naman n'yang dinala ito kung saan ang office ni Dr. Yuhan. Ngunit nagulat nalang s'ya, pagkabukas na pagkabukas kasi nang pinto ng office ni Dr. Yuhan, agad yumakap ang babae. "Mine" masayang tawag ni Emily, habang mag kayakap parin sila ni Dr. Yuhan. "Am! excuse me po! maiwan ko muna kayo!" wala sa sarili n'yang paalam, bago nag lakad paalis, wala na s'yang panahon para panuorin pa sila. Nag patuloy na lang s'ya sa pag check ng vital sign sa bawat patient n'ya. "MAMIMISS kita!" malungkot na sabi ni Emily, habang yakap yakap n'ya ang isang braso ni Dr. Yuhan. "Hindi ba puwedeng! dito kalang sa tabi ko?" tanong ni Yuhan, bago hinarap si Emily. "Emily! mahal kita, pero hindi ko puwedeng tangihan si grandma, kaya please! dito kalang sa tabi ko" pakiusap n'ya. "Please! let's get married, ikaw lang ang gusto kong pakasalan, ikaw lang emily! kung nag pakasal na tayo, wala ng magagawa pa si grandma para ipakasal ako sa iba" paliwanag n'ya, bago dahan dahan lumuhod sa harap ni Emily, na ikinagulat nito. "Please! will you marry me? ikaw lang ang gusto kong makasama habang buhay! kaya please!" maluha luhang bigkas ni Yuhan, na ikina iyak ni Emily. Napa talikod nalang si Shallimar, dahil sa nakita at narinig n'ya, na'n dito kasi s'ya ngayon sa huling palapag ng building kung saan nag uusap ang babaing nangangalang Emily at si Dr, Yuhan. Dahan dahan na s'yang umalis do'n, at agad nang nag tungo ng lacker para mag palit na ng suot. "U-uwi kana? sabay na tayo" yaya ni Jizen sa kaniya, tumango lang s'ya bilang sagot. Habang nag lalakad sila palabas ng hospital, hindi n'ya mapigilan maluha. "Shalli! okay ka lang, may problema ka ba?" alalang tanong ni Jizen sa kaniya. Pagkadating nila sa parking lot, kung saan naka parada ang mga kotse n'la, saka s'ya tumingin kay Jizen. "Jizen!" parang bata niyang tawag, "bakit may problema ka ba? ano? sabihin mo!" bakas sa mukha nito ang pag aalala. "Kase 'yong crush ko! mag papakasal na Jizen! mag papakasal na 'yong crush ko!" paulit ulit niyang bigkas, na parang bata. Niyakap naman s'ya nito, upang damayan sa kalungkutan n'ya. "Okay lang 'yan! crush lang 'yon!" pag papatahan ni Jizen, pagkatapos n'yang mag drama, kaniya kaniya na silang sumakay ng kotse para umuwi na. SAMANTALA napa upo nalang si Yuhan, dahil sa mga sagot ni Emily kanina. "I'm sorry! pero hindi pa ako handa" pag hihingi ng tawad ni Emily. "Hindi mo ba ako mahal?" tanong ni Yuhan, "mahal kita, you know how much i love you! pero kailangan ko rin bumalik sa america, may trabaho ako do'n" paliwanag nito. "Mas mahalaga paba 'yon? kaysa sa akin? mamili ka ako o trabaho mo? pag iniwan mo ako, asahan mong 'wala kanang babalikan pa" madiin na sabi ni Yuhan. "I'm sorry! mahal kita, pero mahal ko rin ang trabaho ko" tipid na sagot ni Emily, bago dahan dahan ng humakbang paalis sa building na 'yon. "Emily! stay with me!" sigaw ni Yuhan para pigilan ito, mahal na mahal niya si Emily, kaya nga 'yon lang ang tanging paraan para hindi s'ya maipakasal ng lola n'ya sa ibang babae, pero tinangihan lang ni Emily ito, dahil trabaho ang mas pinili n'ya. Napa sigaw nalang s'ya, halos lahat nasa kaniya na, pero bakit 'yong kaisa isang gusto n'ya, iniwanan lang s'ya nito. Ngayon wala na s'yang dahilan para takasan ang fix married na 'yon. "HELLO pa! sorry pero mukhang hindi na ako makakarating d'yan, kasi nasiraan ako ng gulong, sorry po talaga papa!" pag hihingi n'ya ng tawad, habang kausap ang papa n'ya sa cellphone. "It's okay, na cancel naman 'yon dahil nag karoon daw ng problema ang kaibigan ng lola mo" paliwanag nito, napa hinga naman si Shallimar dahil sa narinig. "Sige po papa, ipapa ayos ko pa po to! bye!" paalam n'ya, bago binaba ang cellphone. Agad s'yang napa sigaw sa subrang tuwa, mukhang tinutulungan s'ya ng may kapal. Ngunit bigla s'yang nagulat nang may biglang humintong kotse sa tapat n'ya. "Oh! Nurse Jiao! may problema ba?" agad s'yang natigilan nang makita n'ya ang may-ari ng kotseng 'yon. "Dr. Yuhan! ikaw pala 'yan!" pekeng tawa n'ya, "ano kasi! na plat ang gulong ng kotse ko" paliwanag n'ya. "Gabi na! sumakay ka na lang sa akin, mapanganib pag ginabi ka, mukhang uulan pa naman ngayon" paliwanag nito. "Ay! hindi na po Doc! hihintayin ko na lang po to! salamat na lang!" magalang n'yang sabi. "Matatagalan pa 'yan! halikana sumakay ka na lang!" dahil mapilit ang lalaking to, wala sa sarili sumakay na lang s'ya. "Mag seatbelt ka" tipid na sabi ni Yuhan, bago pina harurut ang kotse. Habang nasa biyahe, napaka awkward ng feeling ni Shallimar, kaya wala sa sarili n'yang na itanong 'yong nakita n'ya kanina sa rooftop. "Hmm! Doc! bakit hindi n'yo kasama 'yong babae kanina?" takang tanong n'ya, nakakapag taka naman kasi, bakit hindi n'ya kasama, samantala nag propose s'ya dito. "Na una na" tipid nitong sagot. "Ah! eh! hindi naman po sa nakikialam ako Doc! pero kasi kanina nakita ko kayong mag kasama, habang naka luhod ka po sa harap n'ya, nag propose ka ba Doc? kailan ang kasal?" pekeng tawa n'ya, kahit naiinis s'ya, ikaw ba naman na makita 'yong crush mong nag propose sa iba, mag lulupasay kapa kaya sa tuwa? "Hindi n'ya tinangap" walang gana nitong sabi, na ikina tahimik ni Shalli. Mag tatanong pa sana s'ya, pero nakita n'yang tahimik lang itong nag mamaneho, kaya mas minabuti nalang n'ya na manahimik nalang. wenawendyiiew All right reserved 2021
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD