Chapter 69- Agreement

1333 Words

Myra's Pov: Mabilis na kinuha ko ang folder at binuklat iyon. Nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ang mga nakasulat sa mga pahinang nasa folder. "Chief..." Hindi makapaniwalang tumingin ako kay Chief Regalado. "Iyan ang mga impormasyong nakalap ko noong isa pa lang akong detective. Wala nga lang akong nagawa dahil mababa lang naman ang posisyon ko noon. Ngunit itinago ko pa rin ang mga iyon dahil umaasa akong dadating ang panahon na magagamit ko ang mga impormasyong nasa loob ng folder na iyan. Umaasa akong may gumawa ng bagay na hindi ko nagawa noon." Napakurap ako. Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig. "Alam kong nagtataka ka kung bakit ngayon ko lang ibinigay sa 'yo ang mga impormasyong 'yan samantalang alam ko naman na gusto mong ituloy ang imbestigasyon sa pagkawala ni Maebel,

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD