Myra's Pov: "Myra!" Saglit na nilingon ko ang nakabukas na pinto nang marinig ang boses ni Mama. Sigurado akong umaakyat pa lang s'ya ng hagdan kaya muli kong ibinalik ang atensyon sa mga gamit at ipinagpatuloy ang ginagawa. Mula nang kausapin ako kahapon ni Chief Regalado ay binigyan n'ya ako ng isang araw para maihanda ang mga gamit ko. Kaya hindi na rin ako nakabisita sa ospital kahapon ay dahil na rin madami akong inasikaso sa presinto, lalo na iyong mga maiiwan kong trabaho. Mabuti na rin lang at dumiretso sa presinto kahapon si Ronmar. Nagkaroon kami ng pagkakataon na makapag-usap at kinausap din s'ya ni Chief. Gulat na gulat si Ronmar at katulad ng inaasahan ko ay hindi s'ya tumangging tumulong. Mas naging determinado s'yang gawin ang tungkulin n'ya bilang alagad ng batas. Hind

