Iniisip pa rin ni Axel kung ano ang kanyang gagawin ngayon, lalo na at nagagawa niya nang igalaw ang kanyang katawan. Mayamaya ay nilagay niya ang kanyang dalawang kamay sa bewang ng babaeng nagtataas-baba sa kanyang alaga.
"Ooh! Nakakakilos ka na, that's good..ahh feel so good. Did you feel that too?" malanding sabi nito sa kanya.
Napatitig si Axel sa babaeng ito at tila ba sa Mukha lang nito siya nakatuon ang kanyang paningin. Kaya naman, doon na pumasok sa kanyang isipan ang masayang ngiti ni Fiona. Si Fiona, na siyang dahilan upang magbago siya at kaya niyang baguhin ang sarili pa ra sa babaeng minamahal niya. Kaya naman, buong pwera niyang binuhat ang babae at inalis sa kanyang kandungan, saka ito tinapon sa ibaba ng kama. Nang magawa niya iyon ay mabilis siyang nagsuot ng boxer short, na hinubad nito kanina.
"That's enough," mariing sabi niya habang nakatingin dito na unti-unting napatayo.
"Ha! You're really good, huh?" nakangising sabi nito sa kanya.
Seryoso lang siyang tiningnan ni Axel. Mayamaya ay nakita ni Axel kung paano unti-unting nabalutan ng tela ang katawan nito. Hanggang sa tuluyan nang natakpan ng suot nitong damit ang kahubdan nito kanina.
"I was so close, but you just interrupted it. Why? Don't you like me?" nang aakit nitong tanong sa kanya at dahan-dahang lumapit ito. Subalit, nagawa niyang pigilan ang paglapit nito gamit ang kanyang kapangyarihan. Kaya muling napangisi ang babae.
"Who are you?" mariing tanong ni Axel dito.
"Well, for now, I won't introduce myself.. maybe next time. Because I know, that this is not our last meeting. When I first saw you earlier, you are really familiar. Even your presence and magic power. It's all familiar," pahayag nito at nagpalakad-lakad sa kanyang harapan. Sinundan lang ni Axel ang kilos nito, dahil nasisiguro niyang anumang oras ay aatake ito sa kanya.
"Why is that? This is our first time to meet each other," saad ni Axel.
Napatango naman ito,na tila sumasang ayon sa kanyang sinabi.
"Yes, it is. But, I realized earlier why you are familiar too me. It's because, you are Exel. Haha! Right, you are really alive," nakangising sabi nito.
Kaya napakunot noo naman siyang nakatingin dito, lalo na sa binanggit nitong pangalan. Exel.
"What are you talking about?" seryosong tanong niya dito.
Isang nakakalokong ngiti lamang ang binigay nito kay Axel, na lalong ipinagtataka ng binata. Muli itong nagpalakad-lakad sa kanyang harapan, habang nakatingin sa kanya.
"Well, for now I can't tell you about.. who's Exel. This is not the right time for you to found out about him. Well, I think you will more interested if I tell you about this lady named; Alice. Do you know her?'' nakangisi nitong sabi sa kanya.
Natigilan naman siya sa sinabi nito at mas lalong nangunot ang kanyang noo. Hindi niya alam kung tama ba iyong narinig niyang pangalan na sinabi nito o kung may koneksyon ito sa kanya. Subalit, alam rin niya sa sarili na may kilala siyang 'Alice' at iyon ay ang kanyang ate.
"Ano bang pinagsasabi mo? Nililito mo lang ba ako? Bakit ang dami mong sinasabi," seryosong tanong niya dito.
Bahagya itong natawa sa kanyang reaksyon at nakikita nito ang pagkalito niya.
"Noong nakita kita kanina, pamilyar ka na sa akin. Medyo kamukha mo ang babaeng iyon at no'ng inalam namin kung sino ka ay nalaman namin kung ano ang koneksyon mo kay Alice, haha! What a small world, right? Nakilala ka namin bigla, pero mukhang daan na rin ito upang bigyan ka ng babala. Alice is in our hands, but I will never tell you where she is now. Hanapin mo siya agad, dahil baka bangkay mo na siyang makuha sa amin, hahaha!" sabi nito at tumawa ng malakas.
Hindi nakapagsalita si Axel dahil sa kanyang gulat, matapos marinig iyon mula dito. Tila ba hindi agad gumana ang kanyang isipan dahil sa kanyang nalaman.
"Tama na iyan, umalis na tayo.."
Napatingin si Axel sa biglang nagsalita at nakita niya roon ang isang lalaking nakasandal sa gilid ng bintana niya. Ito rin ang nakita niyang kasama nito kanina. Umalis ito sa pagkakasandal at ibinaling ang tingin nito sa kanya.
"Hindi kami narito para saiyo, kaya huwag ka nang mag abala pa na sundan pa kami. Kung gusto mong malaman ang kalagayan ni Alice, hanapin mo siya," seryosong sabi nito kay Axel, na hindi pa rin nagawang magsalita.
"Let's go, pinagbigyan na kita sa gusto mo, kaya umalis na tayo," sabi nito kasama at naunang umalis.
"Ahaha! Masyado talagang seloso ang isang iyon. By the way, thank you for this night, Axel. I enjoy it, kahit na nabitin ako. Sa susunod na magkikita tayo ay hindi na ako mabibitin. Bye!"
Sa isang iglap lang ay nawala ito sa kanyang harapan, na para bang sumabay sa pag ihip ng hangin. Naiwan si Axel na tulala pa rin at hindi makapagsalita. Ilang minuto siyang nanatiling natayo at iniisip ang mga sinabi ng mga ito tungkol sa kanyang nakakatandang kapatid. Ngayon niya lang napagtanto kung ano ang ibig sabihin nang sinabi ng mga ito. Napatingin siya sa dinaanang bintana ng mga ito at agad na pumunta doon. Nakikita na niya ang unti-unting pagliwanag ng paligid. Ginamit niya ang kanyang kapangyarihan, upang hanapin ang presensya ng mga ito. Subalit, hindi na niya maramdaman ang masamang presensya na naramdaman niya. Napabuntong-hininga siya at hindi alam kung ano ang kanyang tamang gawin. Hindi niya alam kung dapat ba niyang puntahan at hanapin ang kanyang ate. Subalit, hindi pa rin siya sigurado kung nasa mabuting kalagayan ba ito. Ang tanging magagawa niya lang muna ay puntahan, kung saan niya nakita ang tattoo nito, na katulad no'ng lalaking nakilala niya.
Ngunit, nasa isip niya pa rin si Fiona..kung dapat ba niyang sabihin dito ang tungkol sa nais niyang puntahan ang kanyang kapatid.
Mayamaya ay kumilos siya at nagbihis. Nang makapagbihis na siya ay sa bintana na niya siya dumaan at lumipad patungo sa bahay nina Fiona. Nakikita niya sa ibaba ang pagbukas ng mga tindahan sa sentro ng bayan. May ilang tao rin siyang nakikitang tumatakbo at naglalakad. Inalis na rin niya ang tingin doon at mabilis na lumipad upang puntahan si Fiona.
Nang makarating naman siya ay dumiretso siya sa veranda ng kwarto nito. Sinilip niya ang kwarto, subalit may nakatakip pang kurtina kaya hindi niya rin makita. Kaya naman, gumamit na siya ng kapangyarihan upang mabuksan ang sliding door ng veranda nito at nang mabuksan niya ay pumasok siya. Nakita niya kaagad si Fiona na mahimbing na natutulog, habang kayakap nito ang unan.
Napangiti siya, nang makita ang kalmadong mukha nito.. para bang isa itong anghel na natutulog sa kanyang paningin. Dahan-dahan siyang lumapit dito at kinuha ang maliit na upuan, saka umupo dito kaharap sa kama kung saan natutulog si Fiona. Tinitingnan niyang mabuti ang babae at biglang bumalik sa kanyang alaala kung paano niya iniligtas ang dalaga noon.
Isang grupo ng dayuhan ang biglang napadaan sa kanilang bayan. Maaangas ang mga ito at nanggugulo. Minsan na nga siyang napaaway sa mga iyon dahil sinasaway niya. Hindi rin naman nagtagal ang mga dayuhan at umalis lang rin pagkalipas ng dalawang araw. Ang kaso nga lang, sa pag alis ng mga ito ay biglang dinukot ang nag iisang anak na babae ng alkalde ng bayan at iyon ay si Fiona.
Sa galit noon ni Axel ay halos magwala siya. Agad niyang sinundan kung saan naroon ang mga ito at kung hindi agad niya nahanap ang mga iyon ay siguradong ginahasa na si Fiona, dahil iyon talaga ang balak ng mga ito. Mabuti na nga lang at dumating agad siya. Nailigtas niya noon si Fiona ng mag isa at halos mapatay niya ang mga ito sa galit. Mabuti na lang rin at napigilan pa siya ni Fiona noon. Kaya iniwan na lang nila ang mga ito at bumalik na sila sa bayan.
Matapos ang insedenting iyon ay lagi nang lumalapit sa kanya si Fiona at nais na magpasalamat sa nangyari. Medyo naiinis pa siya dito noon, subalit kapag hindi naman siya kinukulit nito ay hinahanap niya. Kaya naman, natutuwa pa rin siya dahil kahit ilap siya dito ay hindi ito sumuko. Hanggang sa umamin na ito sa kanya at maging siya ay napaamim rin dito. Masaya siya, dahil siya ang nagustuhan ng dalaga. Siya na ata ang maswerteng lalaki sa bayan nila, dahil gusto siya ng anak ng alkalde ng kanilang bayan.
"Axel?"
Natauhan lang siya bigla, nang marinig niya ang boses ni Fiona. Nakita niyang namumungay ang mga mata nito na nakatingin sa kanya.
"Uhm, Axel, ikaw ba talaga 'yan? Bakit ang aga mo dito?" nagtatakang tanong ni Fiona sa kanya.
Hindi siya nagsalita at nanatili siyang nakatingin dito. Kaya nagtataka namang nakatingin si Fiona sa kanya.
"Hey, Axe—"
Hindi niya nagawang ituloy kung ano man ang sasabihin niya, nang bigla siyang halikan ni Axel. Hindi siya nakakilos agad sa ginawa nitong paghalik sa kanya. Bahagya niya pa itong itinulak, subalit malakas si Axel at siya ang muling napahiga sa kama, habang patuloy siya nitong hinahalikan. Mayamaya rin ay gumaganti na rin siya ng halik dito. Inakala ni Fiona kanina na namamalik-mata lang siya sa kanyang nakita, na nasa harapan niya si Axel. Subalit, ngayon ay napagtanto niyang hindi siya namamalik-mata lang, dahil totoong nandito ito ngayon sa kanyang kwarto at kasalukuyan siyang hinahalikan.
Mayamaya ay naramdaman niya ang paghalik ni Axel sa pisngi niya patungo sa gilid ng kanyang tenga. Nakiliti siya sa ginawa nito at bahagyang pinigilan ang musikang nais lumabas sa kanyang bibig. Hanggang sa bumaba ang halik ni Axel at napunta sa kanyang leeg. Nakaramdam siya ng kakaibang sensasyon sa ginawa nito.
"Uhmm, Axel," tawag niya sa pangalan nito, naging dahilan iyon upang biglang matauhan si Axel at napatigil sa kanyang paghalik dito. Napatingin siya sa mukha ni Fiona. Nakikita naman niyang walang totol itong nakatingin sa kanya. Napabuntong-hininga siya at agad na inayos ang kanyang sarili. Nais niyang batukan ang sarili niya dahil sa ginawa niya at muntik na siyang hindi makapagpigil. Kahit pa gusto iyon ng dalaga ay wala pa sa plano niya ang gawin iyon sa dalaga. Ayaw niyang madaliin na mapunta sila doon, dahil malaki ang respeto at pagmamahal niya dito. Ayaw niyang kunin ang kahinaan nito, kahit pa gusto na nitong ibigay ang kailangan niya.