Chapter 13

1655 Words
Pareho silang natahimik dalawa, matapos mangyari iyon. Dahan-dahan namang umupo si Fiona sa kama at napatingin kay Axel. "What's wrong?" nagtatakang tanong niya dito. "Well, I didn't want to do that. I just want to kiss you. Damn! Pasensya ka na sa ginawa ko," sabi niya kay Fiona. Napangiti na lang si Fiona at lumapit kay Axel. Niyakap niya ito mula sa likod at naiintindihan kung ano man ang sinasabi nito. "It's okay. Huwag na nating pag usapan iyon. By the way, bakit ang aga mo naman dito?" tanong niya dito. Hinawakan naman ni Axel ang kamay niya, na nakayakap dito at matagal bago nagsalita. "Uhm actually, may gusto lang sana akong sabihin saiyo. Medyo nahihirapan kasi ako, kaya gusto kong kausapin ka muna kung papayag ka sa sasabihin ko," sabi ni Axel. Dahan-dahan siyang lumingon kay Fiona, na nakatingin pa rin sa kanya. "Anong sasabihin mo?" tanong ni Fiona. Hindi alam ni Axel kung papaano sisimulang sabihin kay Fiona ang gusto niyang sabihin. Ngunit, kailangan niya pa rin sabihin dito ang lahat. "Nasisiguro kong hindi mo alam na may kapatid pa ako, tama?" wika niya. Nagtataka pa rin na nakatingin si Fiona sa kanya at tumango sa kanyang sinabi, dahil wala naman talaga siyang alam tungkol sa buhay nito noon. "Yeah, why? May kapatid ka pa pala? Sino?" tanong niya dito. "She's Alice, my eldest sister. Bata pa lang ako, nang umalis siya at naglakbay sa malayo. Matagal na rin simula nang huli ko siyang nakita at maging ang pagpapadala niya ng sulat sa akin dati ay hindi na niya nagawa ngayon. Hindi ko alam kung bakit pero nasisiguro kong may nangyayari," sabi niya at naging seryoso sa huling sinabi. Mas lalong nagtataka si Fiona sa tono ng pananalita Axel. Pakiramdam niya ay may iba pa itong sasabihin sa kanya, bukod sa kapatid nito. "Then? What happened? Where is she now?" muling tanong niya kay Axel. "Actually, hindi ko rin alam kung nasaan siya. Naaalala mo ba iyong dalawang taong tinutukoy ko saiyo kagabi, habang kumakain tayo?" Napaisip naman si Fiona at inalala ang tinutukoy nito. Mayamaya ay napakuno't noo siyang tumingin kay Axel. "Why? Ang babae ba na nakita mo kagabi ay kapatid mo?" hindi makapaniwalang sabi ni Fiona. "No, No, it's not like that. Actually, iyong dalawa na iyon ay pumunta kanina sa bahay ko. Medyo nagulat ako dahil hindi ko naman inaasahan na pupunta sila doon at marami silang sinabi sa akin, lalo na tungkol sa kapatid ko," saad niya at umiwas nang tingin kay Fiona. Hindi naman nagsalita ang dalaga at hinayaan niya lang si Axel na sabihin kung ano pa ang dapat nitong sabihin sa kanya. "Hawak nila ang kapatid ko at nararamdaman kong hindi sila mabubuting tao, dahil sa naramdaman kong maitim na kapangyarihan sa kanila. Kaya naman..." sabi ni Axel at muling tumingin kay Fiona. Hindi matuloy ang kanyang sasabihin dahil sa pagtitig ni Fiona sa kanya. Mayamaya ay ngumiti si Fiona sa kanya at hinawakan ang kamay. "Naiintindihan ko na, gusto mong hanapin at puntahan kung nasaan ang kapatid mo, tama?" wika ni Fiona. Napabuntong-hininga si Axel at napatango sa sinabing iyon ni Fiona. "Nais kong magpaalam saiyo na hahanapin ko siya. Gusto kong makasiguro na maayos siya at walang kahit anong masamang nangyari sa kanya. Kaya lang, nahihirapan ako dahil ayokong iwan ka dito. Ngunit, kung papayag ang magulang mo ay isasama kita," seryosong sabi ni Axel sa kanya. Bahagyang natawa si Fiona sa sinabing iyon ni Axel at kinurot ang pisngi niya. "Ano ka ba, ayos lang sa akin. Hindi ko na kailangang sumama saiyo, dahil baka magiging sagabal lang ako sa lakad mo. Ayos na sa akin na hintayin kita dito," nakangiting sabi ni Fiona. Subalit sa loob niya ay bahagya siyang nalungkot dahil sa katotohanang magkakalayo muna silang dalawa. "Sigurado ka na ayos lang ito saiyo?" paniniguradong sabi ni Axel. Tumango naman si Fiona at ngumiti sa kanya. "Oo naman, basta sulatan mo ako at balitaan kung nasaan ka. Higit sa lahat, umiwas ka sa babae. Naiintindihan mo?" mataray pang sabi ni Fiona. Natawa naman si Axel dito at hinila ito upang yakapin. "Oo naman, gagawin ko kung ano man ang sinasabi mo. Basta hintayin mo lang ang pagbabalik ko at ingatan mo lagi ang iyong sarili habang wala ako," habilin ni Axel at hinalikan ang noo ni Fiona na nakangiting nakatingin sa kanya. "Yes, I will do that. By the way, saan mo siya unang hahanapin? May alam ka ba kung saan siya pumunta noon?" mayamaya ay tanong ni Fiona. "Yeah, she went to Edolas at napasali siya sa isang grupo na hindi ko alam kung ano ang tawag," sagot ni Axel. "Oh? Sinabi niya saiyo noon iyan?" Umiling si Axel bilang tugon sa kanya. "May nakilala akong isang lalaki dito at nakita ko ang kaparehong tattoo nito sa kapatid ko. Kaya naman kinausap ko ang lalaking iyon at nalaman kong kabilang nga si ate sa isang grupo na nasa Edolas," seryosong sabi ni Axel. Napatango naman si Fiona sa sinabing iyon ni Axel. Mayamaya ay umiwas siya nang tingin at pareho silang natahimik dalawa. "Ganoon ba? Sige, hahayaan kita sa gusto mo.. basta't huwag mong kalimutan na nandito ako at naghihintay saiyo. Kapag wala akong nakuhang balita saiyo, matapos kang makapunta sa Edolas talagang susunod ako doon," saad ni Fiona. Natawa naman si Axel sa sinabing iyon ni Fiona saka niya ito hinilang muli at hinalikan ang noo. "Of course, I will comeback too you, no matter what happen. Sa ngayon, habang hindi pa ako umaalis ay gusto kong makasama kita, susulitin ko ang oras na makakasama pa kita dito," nakangiting sabi ni Axel kay Fiona. Napangiti naman si Fiona sa kanya at tumango. "Kailan mo ba balak umalis?" muling tanong ni Fiona. "Ang sabi niya ay sa susunod na linggo raw, kaya sa sasama na lang ako sa kanya para hindi na ako mahirapan sa pagpunta sa Edolas," sagot ni Axel dito. Napatango-tango si Fiona. Mayamaya ay tumayo si Axel habang nakatingin pa rin kay Fiona. "Aalis na muna ako, magkita na lang tayo mamaya. Kailangan ko rin magpaalam sa stasyon, na aalis ako para may maipalit sila sa akin, maging sa ama mo ay magpapaalam rin ako kaya pupunta ako dito upang yayain kang lumabas. Ayos lang ba iyon saiyo?" saad ni Axel. "Sure, you can do that.. I will you later," tugon naman ni Fiona sa kanya. Napatango si Axel at hinalikan ito sa pisngi, saka siya umalis upang bumalik sa kanyang bahay. Nang makaalis na si Axel ay napabuntong-hininga na lamang si Fiona. Alam niya sa sarili na hindi niya gustong malayo kay Axel. Gusto niyang nasa paningin lamang niya ito, subalit, kapakanan ng kapatid nito ang namamagitan sa kanila. Kaya hindi niya maaaring hadlangan ang nais ni Axel na makita ang kapatid nito, upang alamin kung nasa maayos ba itong kalagayan o hindi. Ang tanging magagawa lang niya ay magtiwala dito, na babalik sa kanyang tabi kapag natapos na ito. Mayamaya ay nag ayos na rin siya sa kanyang sarili upang maghanda sa araw na iyon. Samantaha habang pabalik na si Axel sa kanyang bahay ay napakuno't noo siya, nang makita ang isang pamilyar na nalalaking nasa labas ng kanyang bahay habang nakaupo. Nang makita siya nito ay agad itong napatayo at seryosong nakatingin sa kanya ngayon. Lumapit siya upang kausapin ito. "Why are you here? It's too early," nagtatakang tanong niya dito. Ngunit seryoso lang itong nakatingin sa kanya at tila sinisipat ang kabuuan niya. "Hey, anong klaseng tingin iyan?" kuno't noo niyang tanong dito. "Anong koneksyon mo sa dalawang iyon?" seryosong tanong nito sa kanya. Natigilan naman siya at hindi alam kung ano ba ang tinutukoy nito. "Sinong dalawa ang sinasabi mo?" muling tanong niya dito. "Nakita ko ang nangyari kanina dito sa bahay mo. Sila ang sinusundan ko, sila ang misyon ko dito," mariing sabi nito sa kanya. Muli naman siyang natigilan at napatitig dahila sa sinabi nito. Inalala niya ang nangyari kanina at hindi niya alam kung paano niya ipapaliwanag dito ang nakita nito. Napatingin siya sa paligid at wala naman siyang nakitang kakaiba, bukod sa ilang taong naglalakad habang bumibili. "Sa loob tayo mag usap," anyaya niya dito at binuksan niya ang pinto. Walang salita naman itong sumunod sa kanya at pinaupo niya ito sa couch. Umupo rin siya kaharap nito. "Well, about doon sa sinasabi mong nakita mo. I was surprised too, when I saw them. Muntik na ngang may mangyari sa amin ng babaeng iyon eh, dahil sa kakaibang spell na ginamit niya sa akin," pahayag ni Axel dito. "Almost. Talagang may nangyari, pero hindi natuloy. Yes, I saw the whole scenes. Alam ko rin kung bakit ka hindi makagalaw, ngunit nakikita kong malapit ka nang bumigay. Ngunit, hindi iyon ang nais kong pag usapan natin. Gusto kong malaman kung ano ang koneksyon mo sa kanilang dalawa," sabi nito at naging seryoso sa huling sinabi. "Actually, wala akong koneksyon sa dalawang iyon at no'n ko lang sila nakilala. Ngunit, kilala nila ako. Kaya maging ako ay nagtataka kung paano nila ako nakilala. They also mention about my sister," seryosong sabi ni Axel dito. Napansin niyang natigilan ito sa kanyang huling sinabi. "Are you sure, that you didn't know them?" paniniguro nito. Tumango naman si Axel bilang tugon dito. Kaya napabuntong-hininga ito. "Isa sila sa mga tagasunod ni Griege. Isang lalaking may itim na budhi at kalaban ng lahat. Nang malaman namin na papunta dito sa Titania ang dalawa sa kanyang alagad ay ako ang kumuha ng misyon upang sundan sila. Hindi ko naman alam na ikaw pala ang pakay nila dito. Nasisiguro kong alam nila na kapatid ka ni Alice. Kaya ka nila pinuntahan dito," lintaya nito sa kanya. Hindi makapagsalita si Axel. Pamilyar sa kanya ang pangalang Griege, ngunit marami na rin siyang naririnig tungkol sa mabigat na kalaban ng buong salamangkero sa kontinente nila. Subalit, kakaibang pakiramdam ang naramdaman niya nang marinig niya ang pangalang Griege.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD