Nanatiling tahimik si Axel habang iniisip niya ang pangalang iyon. Napansin naman siya nito.
"Actually, hindi pa ako nagpapakilala saiyo. Ako nga pala si Vain, isa sa mga naging kasama ni Alice sa kanyang misyon noon," mayamaya ay pakilala nito kaya napatingin siya dito, lalo na nang marinig niya muli ang pangalan ng kanyang ate.
"Anong klaseng kasamahan niyo ba ang ate ko?" tanong niya dito.
Nakita niya pang napaisip ito at bahagyang napangiti sa kung ano man ang naaalala nito, tungkol sa kanyang kapatid.
"Well, Alice is fierce lady in our group, but she's have a kind heart. Magaling makipaglaban at makisama sa lahat. Matalino at magaling humawak sa misyon. Isa siya sa mga seniors ng grupo namin at laging mabibigat na misyon ang kinukuha niya ngayon. Subalit, may nangyari hindi maganda at hindi iyon nagustuhan ni Master. Kahit anong tanong namin kay Master at kagustuhan namin na sundan si Alice sa kanyang misyon ay hindi niya sinabi, mas lalong ayaw ni Master na sabihin sa amin ang buong detalye. Hindi ko alam kung bakit at kung ano nga ba ang kinuhang misyon ni Alice," sabi nito at naging seryosong sa huling sinabi.
Natigilan naman si Axel sa sinabi nito at napatitig dito.
"Ibig sabihin ba nito, iyong dalawang taong sinusundan mo ay may kinalaman sa ate ko? At kaya rin nila ako kilala?" mariing sabi ni Axel dito.
Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito.
"Hindi ko alam, pero ngayon ay sigurado na talaga na may kinalaman sila sa misyon ni Alice. Kaya kapag sumama ka sa akin pabalik sa Edolas ay maaari nating kausapin si Master tungkol kay Alice," saad nito.
Napatango naman si Axel sa sinabi nito. Pareho silang natahimik matapos no'n, hanggang sa may naalala siya.
"Ano nga palang pangalan ng dalawang iyon at tagasaan sila?" tanong ni Axel dito.
"Sina Leo at Tracy, isa sila sa mahusay na alagad ni Greige. Mula sila sa ibang kontinente at dumadayo lang sila sa sa iba't ibang lugar para manggulo. Higit sa lahat, sa Edolas sila laging nanggugulo dahil na rin sa isang dahilan at malalaman mo lang iyon kapag pupunta ka doon," paliwanag sa kanya ni Vain.
Nagtataka naman si Axel na nakatingin dito, lalo na sa huli nitong sinabi. Ngunit, wala siyang lakas ng loob upang alamin kung ano man ang tinutukoy nito. Napapatango na lang siya dito.
"Sige, sasama ako sa pagbalik mo sa Edolas," sabi niya dito.
"Sigurado ka na ba talaga diyan? Paano ang kasintahan mo?" tanong ni Vain sa kanya.
Napaiwas siya nang tingin dito at bahagyang napabuntong-hininga.
"Nagpaalam na ako sa kanya at hinayaan naman niya ako., dahil talagang kailangan kong malaman kung anong kalagayan ni Ate Alice," seryosong sabi ni Axel dito.
"Okay, kung iyan ang desisyon mo. Tulad nang sabi ko, sa susunod na linggo na tayo pumunta sa Edolas. May iba rin kasi akong aasikasuhin dito. Sige, mauna na ako saiyo," paalam ni Vain saka tumayo mula sa kanyang kinauupuan.
Tumayo rin si Axel at tumango kay Vain.
"Sige," tugon ni Axel dito.
Pagkatapos nilang mag usap ay umalis na rin si Vain, habang si Axel ay muling napaupo at napaisip sa lahat ng nalaman niya mula kay Vain. Desidido na rin siyang sumama dito para alamin kung nasaan ang kapatid.
Ilang minuto siyang nanatili roon, bago siya nag asikaso sa kanyang sarili.
Kumain siya ng almusal, naligo at naghanda upang pumunta sa centro ng Titania, upang magpaalam ng pormal sa mga namamahala sa baranggay hall kung saan isa siya sa mga nagsisilbi sa bayan.
Nang magpaalam siya sa mga ito ay nakita niya ang lungkot at pagkadismaya ng mga ito, lalo na at isa siya sa mga inaasahan ng mga ito. Subalit, wala na rin silang magagawa sa kung anong desisyon niya, dahil sinabi naman niya ang dahilan kung bakit siya aalis. Kaya naman, hinayaan siya ng mga ito at sinabihan na kung nais niya pang bumalik upang magsilbi sa bayan ay tatanggapin pa rin siya ng mga ito.
Matapos niyang magpaalam ay mabilis siyang pumunta sa bahay ni Fiona, upang makita ito. Nagulat pa si Kevin, nang mabungaran siya sa labas ng gate sa bahay nito.
"Oh! Axel! Ikaw pala, dadalawin mo ba si Fiona, o yayain mo akong gumala," saad ni Kevin sa kanya.
Natawa naman si Axel sa sinabi nito. Dahil talagang dati-rati ay pumupunta siya sa bahay nito upang yayain gumala. Subalit ngayon ay iba na ang sadya niya at ang kapatid na nito ang kanyang sadya.
"Nandito ako para magpaalam sa ama mo at para na rin yayain si Fiona," sabi ni Axel dito.
Nakita naman ni Axel na bahagya itong natigilan sa sinabi niya.
"Magpaalam?" nagtatakang sambit nito.
Hindi agad nakasagot si Axel, dahil nasisiguro niyang magugulat si Kevin sa kanyang sasabihin. Kaya naman, umakbay na lang siya dito at bahagyang natawa.
"Haha, ikaw talaga.. tara muna para malaman mo kung bakit ako magpapaalam," tanging sabi na lamang niya at hinila na ito pabalik sa loob ng bahay nito.
Nagpahila na lang rin si Kevin, kahit na nagtataka siya sa sinasabi sa kanya ni Axel. Nang makapasok na sila sa loob ay nakita pa nila si Fiona na naglalakad patungo sa sala. Napatingin ito sa gawin nila at agad napangiti nang makita si Axel.
"Tsk! Kailangan ko na bang magselos? Dati-rati ako ang pinupuntahan mo dito eh, ngayon ang kapatid ko na," napapailing na sabi ni Kevin, habang nakatingin sa magkasintahan.
"Sus, kuya! Huwag ka na ngang epal diyan, maghanap ka na rin kasi para hindi ka na magselos at makamove on ka na sa boyfriend ko," pang aasar pa ni Fiona at hinila palapit sa kanya si Axel, na bahagyang napakamot ng noo.
"Oy! Umayos ka nga, huwag kang ganyan. Purket naging nobyo mo lang ang kaibigan ko, naku!"
Ngumisi lang si Fiona sa kapatid at hinila na papaupo si Axel sa couch.
"Akala ko mamaya ka na pupunta dito," tanong ni Fiona dito.
"Yeah, nagkapagpaalam na kasi ako ng maaga doon kanina. Kaya dumiretso na ako dito, para makapagpaalam na rin sa ama mo," sabi ni Axel dito.
Napatango naman si Fiona at naramdaman niya ulit ang lungkot, sa kadahilanang aalis ito sa bayan nila.
"Teka nga, ano bang ibig sabihin ng sinasabi mo, Axel?" kuno't noo'ng tanong ni Kevin sa kanya.
Nagkatinginan naman silang dalawa ni Fiona, bago muling bumaling kau Kevin na bahagyang umupo sa upuan kaharap nilang dalawa.
"Actually, aalis kasi ako sa susunod na linggo. Pupunta ako sa Edolas para alamin ang kalagayan ng kapatid ko. Alam mo naman siguro na may kapatid pa ako di ba? Matagal ko nang nai-kwento saiyo ang tungkol sa kanya," wika ni Axel habang nakatingin ngayon kay Kevin, na bahagyang natigilan sa kanyang sinabi.
"Ibig sabihin ay aalis ka talaga? Iiwan mo si Fiona?" tila naguguluhang tanong nito sa kanya.
"Well, nag usap na kami tungkol diyan at hinayaan ko siyang umalis, kuya. Alam ko naman kung gaano ka-importante sa kanya ang pagpunta niya doon at kailangan ko iyong intindihin," sabat ni Fiona sa kanilang pag uusap.
Sabay namang napatingin ang magkaibigan sa kanya, na bahagyang nakangiti habang nakatingin kay Axel. Napangiti na lamang si Axel at mahigpit na hinawakan ang kamay nito.
"Ganoon ba? Magtatagal ka ba doon?" muling tanong ni Kevin at bahagyang napabuntong-hininga.
"Well, depende pa rin iyon kung malalaman ko kaagad ang nangyayari sa kanya. Babalik din ako dito kapag alam kong okay lang siya, ayoko ring magtagal sa malayo.. lalo na at alam kong may naghihintay sa akin," sagot ni Axel dito.
Marahan niyang hinaplos ang kamay ni Fiona, na napangiti matapos marinig ang kamyang sinabi.
"So, totoo pala na aalis ka na?"
Sabay silang napatingin sa biglang nagsalita at nakita nila ang magulang nina Fiona, na bahagyang napabuntong-hininga matapos marinig ang mga sinabi ni Axel. Agad na tumayo si Axel at nagbigay galang sa magulang nina Fiona.
"Magandang umaga, po, Tita, Tito," bati niya sa mga ito at yumuko.
Tumango lang ang ama nina Fiona at sensenyasan siyang umupo. Kaya umupo na rin siya, maging ang mga ito ay lumapit na rin saka umupo.
"Tumawag sa akin ang secretary ko, at sinabi nga ang tungkol saiyong pag alis. Sa mga narinig ko ay naiintindihan ko kung ano ang iyong nais gawin. Ngunit, isa lang ang ipapaalala ko saiyo, na huwag mong sasaktan si Fiona. Ayokong iwan mo siya dito, tapos kakalimutan mo siya kapag nakahanap ka ng iba sa lugar na pupuntahan mo. Mangako ka sa akin, na babalik ka para sa kanya at huwag na huwag mo siyang sasaktan," seryosong sabi ng ama ni Fiona.
Napatingin naman si Axel kay Fiona at mariin na hinawakan ang kamay nito, saka muling humarap sa magulang ng dalaga.
"Nangangako ako, na hindi ko siya sasaktan o ipagpalit sa iba. Mahal ko po ang anak niyo at babalik ako para sa kanya," naninigurong sabi ni Axel dito.
Napatango naman ang ama ni Fiona sa kanyang sinabi at napangiti. Pinaalalahan muli siya nito, na sana maging maayos ang lakad niya upang makabalik siya kaagad. Matapos no'n ay nagpaalam siyang aalis muna sila ni Fiona at nais niyang makasama ito, bago siya umalis. Pinayagan naman sila ng mga ito, kaya umalis na rin silang dalawa. Nais niyang sulitin ang mga araw na makakasama niya pa ito, bago siya umalis.