Kasalukuyang nasa itaas na bahagi sila ng bundok, sa lugar kung saan sila pumunta dati at kung saan sinagot siya ni Fiona bilang kasintahan nito. Nakalatag sa ilalim ng puno ang isang malapad na mantel, habang inihahain ni Fiona ang mga pagkain na dala nila. Matapos kasi nilang umalis sa kanilang bahay ay pumunta sila sa bahay ni Axel at nagluto, para dadalhin nila sa kanilang lakad. Kaya nang matapos silang makapagluto ay pumunta na sila dito sa lugar, na naging paborito na nilang pasyalan. Habang nilalatag ni Fiona ang pagkain ay napatingin siya kay Axel, na tila nagsasanay dahil hawak nito ang isang malapad na espada. Iwina-wasiwas nito ang Espada sa ere, habang tila may malakas na pwersa ang lumalabas doon. Nakangiti namang nakatingin si Fiona kay Axel at naisip niyang, ma-swerte siya dahil minahal niya ang isang taong tulad ni Axel.
"Axel! Halika na muna dito!" tawag niya dito.
Lumingon naman sa kanya si Axel at ngumiti. Lumapit ito sa kanya at umupo sa kanyang tabi. Inamoy pa nito ang pagkain na nakahain sa harapan.
"Hmm, ang swerte ko talaga sa girlfriend ko; maganda na, magaling pang magluto," nakangiting sabi ni Axel at marahang hinalikan ang buhok ni Fiona.
"Sus, bolero ka talaga, sige na tikman mo na iyan," tugon ni Fiona.
Ngumiti lang si Axel at sinimulang tikman ang luto ni Fiona. Habang tinitikman ni Axel ang pagkain ay nakatingin lang si Fiona sa kanya.
"Okay ba?" tanong ni Fiona dito.
"Hmm, okay naman siya pero, may gusto kasi akong tikman na iba at alam kong mas masarap iyon," sabi ni Axel at nakangising bumaling kay Fiona.
Napakuno't noo naman si Fiona sa kanya at iniisip kung ano ang tinutukoy nito.
"May iba ka pang gustong tikman?" nakataas-kilay na tanong ni Fiona.
"Yes," sagot ni Axel at bago pa makasagot si Fiona ay agad na siyang hinalikan ni Axel. Nagulat man siya, subalit wala na siyang nagawa kundi ang tumugon sa halik ni Axel. Ninanamnam nila ang halik sa isa't isa na puno ng pagmamahal. Hindi nila maipagkakaila, kung gaano nila kamahal ang isa't isa. Habang hinahalikan ni Axel si Fiona ay bigla tuloy siyang nagdalawang-isip na iwan ito. Ayaw niyang malayo sa dalaga, subalit naroon pa rin ang kagustuhan niyang malaman kung saan naroon ang kanyang kapatid.
Mayamaya ay pareho silang humiwalay sa halik, na may ngiti sa labi. Napatitig si Axel sa mukha ni Fiona, na tila ba nais niyang ilarawan ito sa kanyang isipan. Upang lagi niyang nakikita ang mukha nito.
"Ikaw talaga, napakapilyo mo. Kumain na nga tayo," natatawang sabi ni Fiona sa kanya at nakangiting kumuha na rin ng pagkain.
Kaya naman, pareho na silang kumakaing dalawa habang nagsusubuan pa. Makikita sa kanila ang kasiyahan sa bawat ngiti nila, na para bang hindi na ito mawawala pa.
Matapos nilang kumain, ay muling nagsanay si Axel at habang nagsasanay siya ay nakatingin lang sa kanya si Fiona. Pinapakita niya kay Fiona kung ano ang kanyang kakayahan, na nakatago sa kanya. Hindi naman maipagkakaila sa mukha ni Fiona ang paghanga sa kakayahang meron siya.
Nag aagaw na ang liwanag at dilim, subalit, naroon pa rin silang dalawa sa kung saan sila naroon. Nakahiga silang dalawa, sa nakalatag na kumot at parehong nakatingin sa lumulubog na araw.
"Mahal mo ba talaga ako, Axel?" mayamaya ay tanong ni Fiona.
Napakuno't noo namang napatingin si Axel kay Fiona, dahil sa tanong nito.
"Of course, I love you. Bakit? Nagdududa ka pa rin ba sa nararamdaman ko para saiyo?" tugon ni Axel at nakaramdam ng pagkadismaya dahil sa tanong nito. Pakiramdam niya ay kulang pa ang pinapakita niyang pagmamahal sa dalaga.
"Hindi naman sa gano'n, para kasing ang bilis ng mga oras at naging tayo na. Masaya ako dahil magkasama na tayong dalawa at pareho nating mahal ang isa't isa. Subalit, alam ko pa rin na may mga darating na pagsubok sa relasyon natin at sana malampasan nating ang lahat ng iyon," pahayag ni Fiona at bumaling kay Axel, na nakatingin na sa kanya. Nagkatinginan silang dalawa. Mayamaya ay napangiti na lamang si Axel at marahang hinaplos ang kanyang mukha.
"Of course, we will. Lalampasan natin ang lahat ng pagsubok na darating sa ating relasyon. Kahit ano pa iyan, walang makapaghihiwalay sa atin," nakangiting sabi ni Axel kay Fiona, na napangiti na rin sa kanyang sinabi.
"Yeah, malalampasan natin kung ano man ang pagsubok na darating sa ating dalawa. Hindi ako bibitaw sa pangako natin, na mamahalin natin ang isa't isa," tugon naman ni Fiona, saka hinawakan ang kamay ni Axel na nakahawak sa kanyang pisngi. Hinawakan naman ni Axel ang kanyang kamay at hinalikan ito.
Mayamaya ay binitawan niya iyon at may kinuha sa ilalim ng kanyang leeg. Hinubad niya ang isang kwentas, na matagal nang nasa kanya simula pa noong isinilang siya.
"Heto, tanda ito kung gaano kita kamahal, Fiona. Gusto kong alagaan mo ito, hangga't hindi pa ako bumabalik. Kahit anong mangyari ay huwag mo iyang ibigay sa kahit kanino. Ihahabilin ko iyan sa mga kamay mo at p-protektahan ka niyan sa kahit sinong masasamang nilalang na lalapit saiyo," sabi ni Axel at isinuot ito sa leeg ni Fiona. Napahawak naman si Fiona sa pendat nito, na isang kulay pulang crystal habang tila may kung anong buhay na bagay ang nasa loob nito.
"Nasisiguro akong napaka-importante nito saiyo, kaya bakit inihahabilin mo sa akin?" nagtatakang tanong ni Fiona sa kanya.
Bahagyang napabuntong-hininga si Axel at iniwas ang tingin kay Fiona. Umuyos siya nang upo at napatingin sa langit, kung saan unti-unti na rin lumiliwanag ang kalangitan dahil sa mga bituin at buwan.
"Dahil iyon ang gusto ko, napaka-importante niyan sa akin. Ngunit, dahil importante ka rin sa akin ay gusto kong pangalagaan niyo ang isa't isa ng kwentas na iyan," tugon ni Axel kay Fiona. Subalit, hindi pa rin nawawala ang pagtataka sa isipan ng dalaga. Naiintindihan niya ang sinasabi nito, ngunit pakiramdam niya ang may kulang.
"Simula nang isilang ako ay nasa akin na iyan. Ang sabi sa akin noon ng magulang ko, noong nabubuhay pa sila ay binigay raw iyan sa akin ng isang babae at ang sabi ay para raw sa akin ang kwentas na iyan. Balang araw ay malalaman ko raw kung ano man ang ibig sabihin ng kwentas na iyan, lalo na sa isang bagay na nasa loob niyan. Iyan din ang pomo-protekta sa akin, habang lumalaki ako at iyan din ang nagbigay ng kapangyarihan na dapat ay sa akin. Higit sa lahat, bukod sa pamilya ko ay ikaw lang ang isa sa nakakaalam sa sekreto ng kwentas na iyan, na siyang nagtataglay ng kakaibang kapangyarihan. Kaya, habang nasa iyo iyan, ay pangalagaan mo at huwag mong ipapakita sa iba at isuot mo iyan palagi, habang nakatago lang saiyo," saad ni Axel kay Fiona.
Muling napatingin si Fiona sa kwentas at bahagyang nakaramdam ng kakaiba dito. Hindi niya alam kung matatakot ba siya dito o kung ano man. Ngunit, dahil iyon ang gusto ni Axel ay bahagya siyang napangiti at tumango.
"Sige, gagawin ko kung ano ang sinasabi mo. Aalagaan ko ito, habang hinihintay namin ang pagbabalik mo," nakangiting sabi ni Fiona kay Axel.
Napatingin sa kanya si Axel at napangiti. Bahagya silang nagkatitigang dalawa at pareho napatingin sa labi ng isa't isa. Tila ba nasa mga mata at isip nila, na nais nilang matikman muli ang tamis ng halik sa pagitan nilang dalawa. Kaya naman, hindi na rin nila napigilan ang isa't isa ay dahan-dahan na ring naglapat ang kanilang mga labi. Tila ba, napangiti ang langit sa nasaksihang halik ng dalawa na puno ng pagmamahal.
Marahan nilang ninanamnam ang halik sa isa't isa. Napakapit si Fiona sa leeg ni Axel, at mas lalo pang lumalim ang kanilang halikan. Napahawak na rin sa bewang ni Fiona ang kamay ni Axel at idinikit niya ang katawan ng dalaga sa kanya. Walang tutol naman si Fiona at mas kumapit pa sa batok ni Axel, habang tinutugunan ang kakaibang halik na binibigay ni Axel sa kanya. Ang isang marahan at puno ng pagmamahal na halik ay biglang napalitan ng mapusok, ngunit naroon pa rin ang pagmamahal. Humahagod na ang isang kamay ni Axel sa likod ni Fiona at tila ba nais niyang may hawakan ang kamay niya. Mayamaya ay bumitaw si Axel sa halikan nilang dalawa. Akala ni Fiona ay tapos na, subalit, inilipat lang ni Axel ang kanyang labi sa leeg ni Fiona at doon binibigyan niya ng atensyon ang mapang akit nitong halimuyak. Napapikit naman si Fiona at napahawak sa buhok nito, saka marahang hinahaplos habang hinahayaan niya si Axel sa kung ano man ang gusto nitong mangyari. Palipat-lipat ang labi ni Axel sa leeg ng dalaga, habang muntik ungol naman ang lumalabas sa labi ng dalaga. Bumaba pa ang halik ni Axel at napunta ito sa gitna ng kambal na papaya ni Fiona. Napabuga ng malalim na hininga si Fiona, nang maramdaman doon ang halik ni Axel. Mayamaya ay naramdaman niya ang isang kamay nito, na dahan-dahang gumagapang papunta sa kanyang isang dibdib at marahan itong pinisil. Nagdilat nang mata si Axel at napatingin kay Fiona, na bahagyang nakapikit. Napadilat lang ito, nang mapansing huminto siya.
"Can I.... go farther?" tila humihingi ng pahintulot na sabi ni Axel sa dalaga. Napatitig lang si Fiona kay Axel. Alam niya sa sariling gusto niya ang nangyari at sa mangyayari pa lang. Subalit, nag aalangan siya sa kung ano pa ang susunod na mangyari. Ngunit, mas nangingibabaw ang kagustuhan niyang pagbigyan ang hiling ni Axel, kaya napatango siya dito.
"I want it...too," tugon niya kay Axel.
Napatitig si Axel sa kanya, kasunod no'n ay hiniwakan ni Axel ang pang itaas na damit ni Fiona at hinubad ito. Kaya nakita niya sa kanyang harapan ang kaninang nais niya pang gustong hawakan. Si Fiona na rin ang nag unlock sa suot niyang bra, upang makita ng tuluyan ni Axel ang kanina pa nito tinitigan. Hinawakan ni Fiona ang kamay ni Axel at dinala roon sa tayong-tayo niya pang iniingatang kambal.
"Touch me, Axel," tila pakiusap ni Fiona sa kanyang kasintahan, na tahimik pa rin at napatingin sa kanya. Naramdaman ni Axel ang init mula roon at alam niya rin sa sarili na ito ang unang beses, na mahawakan si Fiona sa bahaging iyon ng kanyang katawan at ma-swerte si Axel dahil siya ang unang nakahawak doon.